CHAPTER TWELVE

2 0 0
                                    

12

"KAERAH POV'S"

Patuloy ang paghalik ni Kyle sa akin pero napa balikwas kami ng may biglang may kumatok sa pintuan na medyo ikinainis ni Kyle, dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis, kasi siguro natigil ang gusto niyang gawin sakin. Ako naman ay natauhan, dahil muntik na namin gawin ang bagay na hindi dapat gawin sa opisina.

"Tok...tok...tokkk..."

"Boss, Si Jake ito may sasabihin ako sa inyo!" Rinig kong boses ng isang lalaki sa labas ng pintuan ng opisina kung saan kami ngayon naroroon.

"Come in" Maikling sagot ni Kyle at ako naman ay bumalik na sa aking table, kasi ang akward pag naabotan kami ni Kyle sa aming pwesto na mag kalapit at magka-yakap.

"Boss, Bakit ang tagal mo naman ako papasukin?" Pag pasok at bungad ni Jake kay Kyle at tumungo naman ang mata nito sa akin at biglang ngumiti na nakakaloko.

"Hahahhaha...Kayo ahh siguro may ginagawa kayong kababalaghan dito sa opisina?" Nagulat ako sa sinabi ni Jake at namula, kaya nag-iwas ako ng tingin dito at pinag patuloy ang aking ginawa.

"Tsskk..Tigilan mo nga ang asawa ko" Saad ni Kyle kay Jake pero patuloy parin ito tumatawa at pangiti-ngiti na parang baliw.

"Hehehehe..Okay boss" Sagot naman ni Jake at tumigil na sa kanyang pag ngiti na parang baliw. Tapos na, nag seryoso at naupo sa harapan ng table ni Kyle.

"KYLE POV'S"

Naistorbo ang ginagawa namin ni Kaerah, dahil may biglang kumatok sa pintuan na kinainis ko. At iyon nga ay si Jake na may mahalaga daw sasabihin sa akin, kaya pinapasok ko ito.

"Subukan lang hindi mahalaga ang sasabihin nito ni Jake. Mala~lagot ito sa akin " Sabi ko nalang sa aking sarili.

Pagkapasok pasok nito ay niloko agad kami nito na may ginagawa kaming kababalaghan, dahil ang tagal ko siyang papasukin kanina. Kaya dumako naman ang aking mata kay kaerah na namumula ang mukha, dahil sa sinabi ni Jake. Kaya pinatigil ko si Jake sa pang-aasar nito at tumigil naman ito tapos naupo na sa harapan ng table ko.

"Ano ba yun?" Tanong ko kay Jake para malaman kung ano ang gusto nitong sabihin.

"Ahh..boss yung pinapagawa mong sing sing para kay Ma'am Kaerah ay madedelay raw ng dating sabi ng producer sa ibang bansa." Mahinang sabi ni Jake, dahil sinabi ko kay Jake na suprise ko kay Kaerah ang singsing na pinapagawa ko.

(Dial..number Jake..)

"Hello, Boss Ano pong kailangan ninyo?" Sagot ni Jake sa kabilang linya.

"Gusto ko ipagawa mo ako ng wedding ring para kay Kaerah"

"Sige po boss, pero kailangan ko po ng sukat ng daliri ni ma'am Kaerah para mapagawa ito" Saad ni Jake kaya naman palihim akong pumasok sa kwarto ni Kaerah nung isang gabi para sukatin ang daliri nya habang mahimbing ang tulog nito.

Dahil plano ko sanang bigyan ng singsing si Kaerah, pag panatag na ang loob nito sa akin at para tanda na meron ng nagmamay-ari sa kaniya.

(End...)

"Bakit daw?" Nagtataka kung tanong, dahil bakit madedelay ang aking sing sing na pinapagawa sa ibang bansa, anong problema?

"Naubos daw po kasi ng stock nila ng red diamond, kaya hinihintay pa nila ang dating ng red diamon na order nila para magawa ang singsing na gusto ninyo" Mahabang paliwanag ni Jake sa akin kaya naman hindi na ako nag tanong pa. Dumako naman ang tingin ko kay Kaerah na busy sa kaniyang ginagawa, dahil ang ganda at napaka-amo ng mukha ni Kaerah pag seryoso sa trabaho.

"Boss, Mauuna na po ako" Paalam ni Jake at tumayo na ito sa kaniyang pagkakaupo para umalis.

"Boss, Baka po matunaw" Pahabol na sabi ni Jake kaya dumako ang tingin ko sa kanya at tiningnan ito ng masama kaya naman tumakbo ito palabas. Napansin ko naman napangiti si Kaerah sa sinabi ni Jake.

"Lokong yun ahh pinapahamak ako" Sabi ko sa aking sarili habang patuloy parin na tinititigan si Kaerah.

"Wahhh..ano ba Boss baka matunaw ako sa mga tingin mong yan" Nahihiyang sabi ni Kaerah kasabay ng pag takip ng kaniyang mukha ko na ikingiti ko, dahil ang cute niya pag nahihiya na para bang rabbit. Kaya pinag patuloy ko nalang ang aking ginagawa dahil baka hindi maka fucos si Kaerah sa kaniyang ginagawa kung pag patuloy ko itong titigan.

Matapos ang aming trabaho ay inaya ko si Kaerah sa labas para maglunch. Kaya ngayon narito kami ngaun sa isang 5 star restaurant kumakain.

Pagakatapos namin kumain ni Kaerah ay inaya ko naman ito sumakay sa mga rides sa amusement park, dahil gusto kong idate si Kaerah ngayon araw, dahil ito ang araw na umamin siya sa akin.

"Let's have a day off for now, because I want to date you, my wife." Saad ko kay Kaerah, dahil inaalala nito ang trabaho namin. Napangiti naman siya sa aking sinabi, kaya hindi na ako nag dalawang isip na hawakan ang kamay ni Kaerah at hilahin ito papunta sa mga rides.

Put your hand in mine~
You know that I want to be with you all the time~
You know that I won't stop until I make you mine~
You know that I won't stop until I make you mine~
Until I make you mine~~~

P/s; Imagine nyo nalang na ito yung background kanta sa date nila.

Ang una naming sinakyang rides ang "VIKING" Yung bangka na parang duyan. Tapos sumunod naman ang "DISCO MAGIC" yung umiikot na bilog. At ang sumunod ay roller coaster na talagang nag pasigaw sa aming dalawa ni Kaerah AKo naman patuloy na tinitingnan ang mga ngiti ni Kaerah habang hawak hawak ko ng mahigpit ang kamay nya.

Ka~hulihan namin sinakyan ang ferris wheel, kung saan hinintay ko na mapunta kami sa pinakamataas.

Kaya naman ng nasa pinakataas na kami ni Kaerah ay hindi na ako nagdalawang isip pa na halikan si Kaerah na ikinagulat nito.

"I love you" Saad ko kay Kaerah matapos kung halikan ito. Si Kaerah naman ay gulat na gulat parin sa ginawa ko at biglang ngumiti.

"I love you too, Asawa ko" Sagot naman ni Kaerah at sumandal sa aking balikat.

"Ito na siguro ang pinaka masayang araw ng buhay ko, dahil nakilala ko si Kaerah at ngayon kasama ko na siya at masasabi kong akin" Nasa isip ko at hinalikan sa noo si Kaerah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Revenge Of Boss Mafia WifeWhere stories live. Discover now