CHAPTER EIGTH

0 0 0
                                    

"KAERAH POV'S"

Narito ako ngayon sa baba di ko akalain meron pala maliit ng canteen dito, dahil lunch break na, kasi di ko narin namalayan pa ang oras dahil sa aking trabaho. Iniwan ko nalang si Kyle na busy sa kanyang ginagawa na halos di na ako napansin na lumabas kanina.

Marami ng employees ang narito sa canteen, Kaya hindi ako mapakali, dahil feeling ko lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. Pero hindi ko na ito pinansin, kasi naman gutom na gutom na ako. Namimili ako ngayon ng kakainin ko dito sa food area kung saan maraming pagkain na pagpipilian. Pagkatapos ko pumili ng aking pagkain ay naghanap ako ng pwesto na mauupoan ko para ako'y makakain na.

Nakahanap naman ako doon sa bandang dulo dahil wala pa ditong mga nakaupo. Pero papalapit palang ako sa aking napiling pwesto ay rinig ko na ang mga iba't ibang bulungan na paninira sa akin.

"Paano kaya nakapasok yang babae na yan dito sa ating kompanya?" Rinig kong bulong nung isang babae sa kasama niya.

"Alam mo na syempre magaling sa kama" Rinig kong sagot nito sa kasama niya na ikinainis ko, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hoy babae, kala mo hindi ko naririnig paninira mo sa akin?. Siguro ginagawa mo yang mga sinasabi mo kaya mo yan nasasabi sa akin!?" Harap ko sa babaeng nagsabi na magaling ako sa kama sabay hampas ng mesa nila. Kala nila siguro basta basta ko nalang silang pabayaan na dungisan ang pagkatao ko.

"Bakit totoo naman diba?" Mataray nitong sabi.

"Bakit may evidence ka?, O' siguro inggit ka, dahil ang katulad kong baguhan nakapasok agad bilang personal secretary ng president ninyo" Mataray kung saad at tumalikod para pumunta na sa aking pwesto, dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Pero nagulat ako ng may biglang humila sa buhok ko kaya napilitan akong humarap sa kanya.

"Porket Personal Secretary ka na nagyayabang ka na at akala mo kung sino ka!" Inis na sabi nito habang hila hila ang buhok ko na umagaw ng atesyon ng mga tao dito sa Canteen.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko tapos kinuha ang baso na nakapatong sa mesa para ibuhos sa mukha nito, kaya naman nabitawan niya ang aking buhok.

"Para sabihin ko sayo ang totoo, hindi ako mayabang dahil sinasabi ko lang ang totoo" Mataray ko sagot at ngnisian ito habang busy ito sa pagpunas ng kaniyang mukha at damit na basa, dahil sa tubig na binuhos ko sa kaniya.

"Walang hiya ka!" Sigaw nito sa inis at akmang sasampalin na ako nito ay biglang may narinig akong pamilyar na boses kaya hindi na nya tinuloy ang pagsampal niya sa akin, dahil saktong dating ni Kyle.

"Tumigil Kayo!" Rinig kong sigaw ni Kyle kaya ang lahat ay umayos, dahil sa takot na baka matanggalan ng trabaho.

"Anong ka guluhan ito?" Dugtong ni kyle na nakatingin sa akin.

"Boss tinaponan niya ako ng tubig sa mukha, wala naman akong ginagawa." Pag sisinungaling nito na may kasamang pag-iyak na ikinainis ko.

"Wag mong sabihin maniniwala si Kyle sa babaeng yan" Saad ko sa aking sarili at tiningnan si Kyle. Pero tila hindi ito tiningnan ni Kyle sa halip nakatingin lang siya sa akin na ipinagtataka ko. Kaya I protect my side and explain what happened kay Kyle.

Naniwala naman siya sa akin na ikinatuwa ko, dahil naalala ko ang mga nangyare sa bahay at sa amin ni Kevin. Kasi hindi man lang nila ako binigyan ng panahon para itama ko ang sarili ko nung mga oras na yun. Kaya masaya ako, dahil sa buong buhay ko meron taong hinayaan akong mag paliwanag at pinaniwalaan ako.

"From now on you're fired!" Galit na sabi ni Kyle sa ka away kong babae at halata naman sa babae ang pagkakagulat ng marinig niya ang sinabi ni Kyle. Kasi siguro hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Boss, Please maawa po kayo sa akin meron po akong pamilya na binubuhay" Pagluhod nito na nagmamaka-awa. Ako naman na tahimik lang, dahil deserve naman niya iyon at sya nag~umpisa ng gulo.

"May pamilya kang binubuhay?"

"Pero inisip mo ba sila?, Bago mo ginawa ang gulong ito?"

"Inisip mo bang pwede kang mawalan ng trabaho, dahil sa paggawa mo ng mga kwento kwento sa iyong co-workers? At dahil dito hindi mo na mabubuhay ang pamilyang sinasabi mo."

Sunod sunod na sabi ni Kyle, kaya naman wala ng nagawa pa yung babae kung di umiyak, dahil sa pagsisi niya siguro sa ginawa niya dahil sa sinabi ni Kyle. Ako naman na antig sa sinabi ni Kyle, dahil napaka patas niya sa lahat ng bagay. Wala siyang kinakampihan, dahil inaalam muna niya ang tama. Tapos may paninindigan siya sa pagiging boss niya dito sa kaniyang kompanya kaya hindi na ako magtataka kung ganito lumago ang kaniyang kompanya.

"Guard, follow her to the exit and give her last salary" Saad ni Kyle at umalis na rin pero bigla itong humarap at tiningnan ako na ipinagtataka ko.

"Bakit boss?" Nagtataka kong tanong dito, dahil bakit siya tumigil at humarap sa akin.

"Ms. Kaerah" Sumunod ka sakin sa office" Seryosong saad ni Kyle sa akin, kaya medyo kinabahan ako dahil di ko alam kung bakit niya ako pinapasunod sa office. Pero wala na akong nagawa pa kung di sumunod kase boss siya dito.

"Okay po boss" Sagot ko at iniwan ang aking pagkain tapos sumunod na kay Kyle Ako naman ay gutom na gutom dahil di pa ako nakakain simula kanina pa. Kaya biglang tumunog ang tiyan ko, kaya biglang humarap sa akin si Kyle.

"Sayo ba yun?" Tanong ni Kyle kaya bigla akong nahiya. At di na tumanggi kasi gutom na gutom na talaga ako.

"Opo boss" Nahihiya kong sagot kay Kyle habang hawak hawak ko ang aking tiyan, kasi na sakit narin dahil sa gutom.

"Tskk..Bakit di ka sa akin nagsasabi at nagawa mo pa pumunta sa canteen at gumawa ng gulo?" Medyo inis nitong sabi kaya ngnitian ko nalang ito para hindi na ito magalit. Yun nga effective naman ang ginawa ko, dahil narito ako ngayon sa office kumakain at kasama si Kyle. Tapos grabe napaka sarap ng mga pagkain na, nasa harapan ko, dahil galing sa 5 star hotel ang mga pagkain.

The Revenge Of Boss Mafia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon