chapter 6:

273 6 0
                                    

(Phone ringing)

6:00AM

Paonti-onti ko minumulat ang aking mga mata para tignan kung sino yung tumatawag sa cellphone ko. Kaaga aga. Kulang pa rin tulog ko dahil sa pagod na naramdaman ko kahapon.
Si sasha pala yung tumatawag saakin,bigla ko naalala na may kailangan kami i-pass na poster kay sir,kaya agad ko itong sinagot.

"Kaaga-aga mo naman tumataw-" sabi ko sa kabilang linya na walang gana

[" Kanina pa ako tumatawag sayo" ]

" Okay?" Gusto ko sana sabihin na kaaga n'ya mangbulabog ng tao, pasalamat s'ya kakagising ko lang.

["By the way ,goodmorning"] pagbati saakin ni sasha saakin.

End call.

Hindi ko na s'ya binati pabalik,para saan yung goodmorning? Kung hindi maganda yung morning ko. Pinili ko nalang maligo, pagkayari maligo nagbihis na ako at nag luto ng umagahan ko, habang niluluto ko nag scroll-scroll muna ako sa Facebook pang palipas oras ko lang...hangang bigla may tumawag saakin,si sasha ulit....

Ring.ring..ring...

tumatawag nanaman s'ya uli? ano kaya kailangan nito? Sinagot ko na yung tawag nya, para malaman kung ano sasabihin nito saakin.
Wala sana ako balak kasi kumakain na ako.

["Hello!?"] Panimula n'ya

"Bakit?" Tugon ko

[" Kumakain ka na ba?"] Tanong saakin ni sasha.

Pati ba naman pagkain ko kailangan n'ya malaman?

" Why? "

[" Gusto ko lang malaman kung ano niluto m-"]

End call.

Gusto ko kumain ng payapa. Gusto ko lang katahimikan. Ayoko na may nangaabala saakin pag kumakain ako. Itinuloy ko na kumain, hindi na rin s'ya tumawag,nakaramdam ata. Pero buti naman kung gano'n.

Nag lakad at pumunta na ako kila sasha, dala yung poster Hanggang sa makarating na ako sa bahay niya,nag chat na ako na nasa labas ako.

Me:andito na ako sa labas

Sasha:Wait palabas na ako.

Narinig ko may bumukas ng gate. Si sasha palabas ng gate.

"Ma, Anjan na po si Scott punta na ako." Nagmamadali s'ya lumabas

" Sige mag-iingat kayo," sabi ng nanay ni sasha.

" Goodmorning Scott!" Bati n'ya uli.

I nodded. " Did you forget something? " Halata naman kasi na nagmamadali s'ya

Sabay tingin nya sa bag niya at mga dala nyang gamit. umuling s'ya" Wala naman"

"Tara?" Anyaya ko kay sasha.

" Tara."

Nakalayo-layo na kami sa kanila. Tahimik lang ako, walang balak magsimula ng conversation.
Habang naglalakad kami ni sasha sa school,may tinanong siya tungkol saakin.

" Scott " tawag n'ya "natatandaan mo ba? Yung nag pa activity si ma'am sa atin sa Esp?" Tanong nito saakin.

" Bakit mo naitanong?"

" Kung naalala mo,yung activity na pinagawa saatin ni ma'am loerdes... " Tumingin ako sa kanya ,napansin ko na nilalaro n'ya yung kanyang buhok. Pinapaikot ikot n'ya sa kanyang dalawang daliri "Diba tungkol yun sa Kaibigan,tapos mag lalagay ka ng mga pangalan ng kaibigan mo sa section natin."

Untold feelings High-school Series 1Where stories live. Discover now