chapter 11

213 2 0
                                    

Scott's pov

" Scott, matatawag kaya tayo?" Tanong ni sasha saakin
Halatang may halong kaba at excite sa kanyang emosyon.

Kahit ako mismo hindi ko alam kung makakapasok kami sa top. Bawat awarding ay top three lang daw ang mapipili nila
Eh karami rami ng sumali. Balita ko nga bibigyan nalang sila ng participation certificate,baka doon nalang kami ni sasha humantong. Atleast na represent namin yung section namin.

Hindi ko pa rin Alam kung ano ututugon ko kay sasha.

Pinalitan naman nila yung host. Napagod ata kakasalita, kanina pa kasi nagsasalita yun kaya siguro nagpapalit na s'ya sa dalawa,isang lalaki at isang babae yung host.

Inuna muna nila yung buwan ng wika models, mga lalaki naman Ngayon. Bali anim yung sumali na section. Yung tatlong mapipili ay bibigyan ng certificate na people choice award.

Muli magsasalita yung dalawang host.

" Mula sa science ay tinatawag namin ang ngalan ni kai lexiz mula nine saturn, palakpakan po natin s'ya"

Nag palakpakan ang mga manunuod yung iba ay nagsihiyawan.

Sinabitan ng host ng medal ang kalahok, at inabutan ito ng certificate.

" Mula naman sa BEC section ay tinatawag namin ang ngalan ni seth mula sa ten narra, palakpakan po natin s'ya"

Inabutan ito ng certificate at sinabitan rin ng medal.

" Ang huli namin tatawagin ay mula rin sa BEC section, eto ay si Liam Martinez, mula sa ten-alexia. Palakpakan po natin s'ya"

Parang familiar yung name n'ya ah.
Nagulat nalang ako na nag sigawan at nag si tayuan yung mga kasama ko.

" Baka Kaibigan ko yan!" sabi ng isang ko kaklase ko lalaki

" Baka kumpare ko yan!" Sigaw ng isa.

" BAKA ESCORT NG TEN-ALEXIA YAN!!" Sigaw mga kasama ko babae. Sumigaw na din yung dalawang lalaki.

Grabi ang iingay nila!

" Mr. Kj tumayo ka jan" pinatayo ako ni sasha. Nabigla ako sa pagkakahila n'ya ako pataas, kahit pala maliit s'ya malakas s'ya.

Hindi na sana ako tatayo,mas pipiliin ko nalang umupo.

" Kaklase natin yung nag top, mag bigay support ka naman" giit na sabi saakin ni sasha.

Wala ako nagawa kung hindi pumalakpak, pumalakpak nalang ako para ipakita na sinusupportahan ko yung kaklase namin naging top one sa buwan ng wika model. Umupo na rin kami katapos namin supportahan Yung kaklase namin.
So kaklase pala namin yun?

Wala naman kasi ako halos kilala na classmate sa section namin.

Maraming oras ang lumipas nabigyan ng award at certificate lahat ng nanalo at hindi napili sa event, para fair daw. Pero yung nanalo dalawa matatangap isang o dalawang certificate dipende nalang kung dalawa representative nila sa section at yung hindi napili naman ay participation certificate lang yung binigay.

Huling tinawag sa event yung poster making award. Sa tatlo na kaya matatawag, isa kaya kami sa matatawag?

Tumingin ako sa aking cellphone,para malaman kung ano oras na ba. eleven forty 'o clock na pala. Nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi pa nga pala ako nag u-umagahan.

Unting-unti bumibilis yung tibok ng aking puso. Kinakabahan ako. tulad ni sasha,umaasa din ako na matatawag kami sa top three.

" Ang tahimik mo ata?" Tanong ni sasha.
" Katulad mo, umaasa ako na matatawag ta'yo." Ani ko. " Habang may pag-asa, umasa ta'yo" She giggled

Untold feelings High-school Series 1Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum