chapter 7: voting

204 9 0
                                    

Mark and Finn's pov

" Pre i-add mo na si sasha sa Facebook " utos na sabi saakin ni finn.

" Ayoko,baka hindi ako i-accept" pagtangi ko.

" Sigi na,i- aaccept ka non maniwala ka lang kay batman" birong sabi saakin ni finn. Pati si batman dinamay pa

" Oo na eto na i-aad friend ko na para sa ikakatahimik mo." Biro kong sabi

Matagal na kami mag-kaibigan ni finn since grade seven palang kami magkasama na. Hindi nga kami mapaghiwalay hiwalay nito,tsaka pag magkasama kami panay kagaguhan pero na-mamaintain pa din namin yung academic grades namin, Kahit na pabugok bugok kami sa school

" That's my pare! Baka mark yan." Jusko proud na proud saakin. Putek dahil sa kanya lagi ako na rereject ng mga babae sa school namin eh.

" Oh ayan naka requested na oh,pag yan hindi ako in-accept bukas. tignan mo bukas may bibira na sayo"birong pag sabi ko kay finn.

" Sus hintayin mo lang kasi, maniwala ka saakin," Aniya nito." Pre Anjan na Sila" sabi nito saakin.

" Sino ba sila?" Tanong ko

" Si crush mo at si Scott.... i mean ka rival mo" tsaka tumawa. tinutukoy n'ya si sasha at Scott, aaminin ko may gusto ako kay sasha. Gan'on tipo ko kasi sa mga babae. Si Scott naman sobrang tahimik para lang s'ya hangin saamin,pero nung kinakausap s'ya ni sasha parang nag-eexist na s'ya sa classroom namin. Matagal na nung hindi n'ya kami kinakausap ni finn

" Ulol mo! ano crush at ka-rival manahimik ka nga jan" sabi ko na naka amba yung kamao ko sa kanya.

Sabay binatukan

Scott's pov

Pag ka dating namin wala pa si sir. Nag hintay lang kami ng kaonting oras para dumating dumating si sir franzez. Ngayon daw kasi mag bobotohan sa poster making. Sa museum kami boboto ng poster. Ng dumating si sir agad kami pinapila ng maayos at tumungo sa museum.

Inaasahan ko na kaonti lang ang mga pupunta doon at akala ko kami lang section namin ang pupunta kasi sabi ni sir franzez ay sa time nalang namin boboto.

Pagkapasok namin doon ay binigyan kami ng voting tickets bali apat yung ibinigay saamin, apat kasi marami event bukas para sa botohan sa poster, Filipino traditional dress design, kultura souvenirs, buwan ng wika models . Pagkatapos namin bigyan ay nagka- hiwalay hiwalay na kami para bumoto. Inuna ko na yung poster making.

Namangha din ako sa gawa ng ibang section, nakita ko yung gawa namin ni sasha. Marami naman din bumoboto sa gawa namin.

May kumalabit sa likod ko, si sasha.

" Tara " anyaya n'ya saakin.
Sumunod ako sa kanya. Nakapila kami sa poster namin.

" Grabi karami nakapila sa gawa nating poster " sabi n'ya saakin.

I nodded, as i agree with her.

Mahaba din yung pila sa ibang poster na gawa ng ibang section. Sa sobrang haba ng pila siguradong magtatagal kami dito.

Na-mukhaan ko din yung mga classmate namin, sa harapan ng pila hangang likod ay nakapila sila. Wow supportive sila saamin, first time ko maranasan na may sumo-suporta sa akin at kay sasha.

Nangangawit na kami ni sasha, ang haba kasi ng pila. Halos ng grade seven to grade ten andito. Ngayon lang ata nila tinapos yung pag re-represent ng votings ng bawat events kaya maraming estudyante sa museum.

Malapit na kami ni sasha voting box. Kami naman yung susunod sa pag boto. Hinuhulog ko na din yung voting tickets sa voting box.

" Ano next?" Tanong ko kay sasha

" Do'n tayo sa Filipino traditional dress design" sagot n'ya saakin

Pumunta nadin kami para pumili, kakaonti pa lang yung pumipila kaya mabilis lang kami makakapili ng iboboto namin.

" Ay eto oh modern filipiniana, yung may kulay " namangha s'ya habang tinitignan.

" Eto ayaw mo ba sa old filipiniana pero may kulay naman" komento ko

" Ayaw ko, mas nagandahan kasi ako dito " apila n'ya

Totoo din naman maganda yung pagka design ng modern filipiniana dress kaysa sa ibang design.

" Dito ako boboto " sabi n'ya " ikaw saan ka?" Tanong nito saakin

" Dito nalang din " saad ko

" Luh, gaya gaya oh! " Biro nito saakin

Hindi ko na pinatulan pa.

" Ay kj ka talaga, hindi ka ba naman marunong makipag bwisitan " singhal n'ya.

I sighed " Oo na gaya-gaya na ako" sabay hulog ng voting tickets

Tumawa s'ya " pikon, cute mo pag napipikon "

Finn's pov

Napansin ko silang dalawa na magkasama ulit. Sila na kaya? Grabi naman ako napaka issue ko pag Ganon hahaha. Baka talaga Bestfriend na sila ngayun. Clingy type lang talaga si sasha. Sa haba ng pila at sobra layo nilang dalawa napansin ni mark na magkasama sila.

" I smelled something jealousy " i said

" Shut up finn, hindi ako nag seselos 'no" giit n'ya

Well i know naman na nagseselos s'ya sa mukha palang eh halata na. Nakasimangot kasi s'ya.

" Eh bakit naka simangot ka jan, tsaka kanina ka pa nakatitig sa kanila 'no " sabi ko

Hindi ito umimik. Tama ata hinala 'to nag seselos hahaha

Mark's pov

Damn that finn! Nahalata n'ya na nakatitig ako sa dalawa. Oo finn nagseselos talaga ako. Teka ba't ba ako nagseselos do'n. Buti nalang hindi na nang asar pa yung ugok na yun bumoto nalang kami. Grabi Gustong gusto ko na maka alis sa museum na 'to.

" Damn nakakatamad na dito sa museum Gustong gusto ko na makalabas dito " wika ko

" Bakit gusto mo na maka alis sa dito, hindi mo siguro kayang makita na magkasama sila 'no" pangaasar na sabi ni finn.

Damn akala ko nanahimik na s'ya. Bwisit ka talaga!

Pumila ulit kami. Sa rami ng pipilahan namin ni finn nasa harapan pa sila naka pila, damn ba't sa harapan ko pa. Nako kakanana nanaman 'to si finn.

" Uy uy kaya mo ba tiisin? "

Sabi na eh kakana 'to. Buti nalang mabilis yung pagkilos ng pila. Pansin ko lang sobrang tahimik ni Scott, oo nag sasalita s'ya pero matipid. Nako wag n'yang sayangin yung pagkakataon na magkausap sila. Kung ako yan lulubusin ko yung pagkakataon na magkausap kami at magkasama. Hindi ba n'ya kilala si sasha? Isa si sasha sa maganda sa highschool. Damn you Scott wag na wag mo gaganyanin si sasha.

Natapos na yung pila at nakayari na kami bumoto. Salamat makakabalik na din sa room.

" Akalain mo nakayanan mo yun " biro ni finn saakin.

" Shut up "

Scott's pov

Nakaboto na kami at pabalik sa room. Inaaya ako ni sasha na pumunta ng canteen para bumili ng maiinom. Nauuhaw na din ako kaya pumayag na din ako.

" Sana makapasok man lang tayo sa top three" sabay singhal nito " ayoko masayang yung pinaghirapan natin 'no " sabi n'ya.

Alam ko naman Yung feeling ng pinaghirapan mo tapos hindi ka mapipili sa huli, kaya mas maganda na babaan mo yung expectations mo para hindi ka masasaktan.

" Okay lang Kahit hindi tayo manalo mahalaga pinaghirapan yun at ginawa yun na may effort tsaka maganda na din yun naipresinta na din natin yung section natin " wika ko

" Oo nga 'no pero nag e-expect pa din ako " sabi n'ya

" Hi sasha! "

Sigaw ng isa naming classmate. Ba't binatukan s'ya ng kasama n'ya?

Kumaway naman ito sa kanila

" Sino yung mga yun " tanong ko

" Sila mark at finn mga bugok sa section natin yun " sabay tawa.

Inaya ko na s'ya bumalik sa classroom namin, at naglakad papunta doon

Untold feelings High-school Series 1Where stories live. Discover now