chapter 15

156 8 0
                                    

Sasha's pov

Nag-iisip ako paano makakausap si Scott,eh hangang ngayun iniiwasan ata ako. Si mark,gusto ko din kausapin pero wala pa rin. At paano din ako mapapagisip kung sinuyugyog ako ng demonita nito!?

"Sasha...sige na. Pakopya assignment sa Mapeh!" Nagmamakaawa sabi sa akin ni cy.

Ba't kasi hindi n'ya ginagawa kahapon? Hindi ba n'ya alam na may inuwi assignment kahapon sa mapeh? Ano kaya pumasok sa utak nito at hindi n'ya nagawa?

" Sasha!" Tawag uli ni cy " sige na, padating na si ms. Garcia"

Binuksan ko yung bag ko para iabot sa kanya yung assignment na ginawa ko kahapon "oh,eto"

" Salamat,kaya mahal na mahal kita"

Bugak!

At tsaka bumalik sa kanya kinaupuan.
Grabe yung utak ko sa pag iisip,pero pag recitation at quiz hindi gumagana. Pero minsan naman may pakinabang yung brain ko. Mag practice kaya ako mag drawing? Tsaka magpaturo kay Scott? Para mapagusap kami?

Pwede,pwede!

Marunong naman ako magkulay eh,sure ako kakayanin ko 'to! Kahit mahirap kakayanin ko. Kinuha ko yung lapis at papel ko sa bag ko.

Ano kaya pwede i-drawing?...

Bahay nalang! Basic lang 'to eh. Triangle muna tapos may bintana sa gitna,tapos square. Madali lang 'to ayan,tapos may dalawang bintana sa dalawang gilid at pintuan sa gitna. And kaboom! Ang panget!

"Ano 'yan?" Tanong ng kung sino sa likod ko

Nilingon ko 'yun para malaman kung sino 'yun. Si finn.
Very unusual 'to ah wala si mark. Lagi kasi magkasama nililibot yung buong classroom pag wala klase,nag hahanap ng pagtritripan. Mga wala magawa sa buhay. Pero ba't sya lang mag isa? Ano nanaman ba trip ng isang 'to?

" Oh, ikaw lang ata mag isa?" Tanong ko

" Pakita nga ng drawing mo-ang panget naman"

Ay, pumunta lang ba s'ya para husgahan yung drawing ko?batukan ko kaya 'to?

"Biro lang " ani finn

"Ba't ikaw lang mag-isa?" Tanong ko

Ay ang galing,pumorma pa s'ya na parang nagiisip.

" Kasi ako lang?"

Tarantado talaga. Batukan ko nga.

" A-aray!? Para saan naman 'yun?" Sabi n'ya

" Maayos ako nagtatanong sayo ah!"

Tinawanan lang ako ng gag*

" Hindi ko alam kung makakapasok si mark,masama daw pakiramdam n'ya" paliwanag n'ya saakin

Napansin ko may pumasok sa room,akala ko teacher na namin pero hindi. Si Scott pala naka hoodie na black na yung uniform ay naka paloob sa kanyang hoodie. Dinaanan nanaman n'ya ako.

"Baka malusaw 'yan" birong sabi ni finn

"A-hah?"

"Pinapansin kaba ni Scott?" Tanong n'ya uli

Aba,sumeryoso si gag*!

" Hindi,eh" dismayang sagot ko.

Tumango lang s'ya

May pumasok sa utak ko na tanungin s'ya, umaasa may alam s'ya. Magka close kasi sila ni mark.

"May alam kaba?"

Nagulat s'ya sa akin tanong sa kanya

" Aba syempre, tropa kami dati n'yan eh" tuwang sabi n'ya sa akin

Untold feelings High-school Series 1Where stories live. Discover now