Chapter 2

190K 9K 4.4K
                                    


Chapter 2

Rae #EndImpunity 🔒 @doraemill · 2s
Tinanggal ni Juancho ang friend request ko hahaha tarantado ka pala eh

Alas sais y media pa lang ng umaga ay sira na ang araw ko. Bumungad kasi sa akin ang pagre-remove ni Juancho sa request ko. Inis na inis ako kahit na alam kong mas magtataka ako kapag in-accept niya 'yon. Hindi naman kami personal na magkakilala. Mukhang na-badtrip ko pa siya sa last encounter namin.

Kung bakit ba naman kasi umiral ang katangahan ko! Dapat ay inuna kong ma-secure ang pagiging Facebook friends namin kaysa sa lumapit sa kanya para sa lintres na interview na 'yan! Mukha pa namang naka-friends only ang privacy setting niya. Ni wala kasi siyang picture!

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa messenger. I typed his name and opened our chat box. I didn't know his email address, so this was the only way to contact him.

Millicent Rae Velasco:
Pa-accept.

I put my phone down after sending that. Ang main goal ko ngayong araw ay malaman ang class schedule niya. Hindi ko alam kung saan ko 'yon kukunin dahil hindi naman 'yon posted sa bulletin board. Depende yata sa estudyante kung anong timeslot ang kinuha nila.

I got up and went to my notebook to write down at least one class I knew he had.

Wednesday, 3:00 – 5:00 p.m., Room 311, College of Law

Nang lumabas ako ng kwarto ay napagtanto kong wala na akong kasama sa apartment. Sayang. Hindi ko manlang na-bash si Mari bago siya pumasok. Ni hindi ko narinig ang pagkilos ni Karsen kahit na magkasama lang naman kami sa iisang kwarto. Ewan ko ba. She'd been unusually silent lately. I was beginning to think that her relationship was taking its toll on her. Subukan lang ng boyfriend niya na saktan siya, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na makipagpatayan.

Habang hinihintay na lumambot ang noodles ng paborito kong cheesy seafood cup noodles, humigit ako ng isang silya at umupo roon.

I looked around our apartment and noticed how quiet it was without my friends. Walang maingay na Karsen na nagpapatugtog ng kanta ni Kobe. Walang Mari na nakasimangot sa gilid habang nagbabasa. Walang Kat na pinahihinaan kay Karsen ang speaker dahil nag-aaral si Mari.

It was silent and empty—two things in the world I hated most.

Kapag mga ganitong pagkakataon, tama si Mari—gumagawa ako ng paraan para abalahin ang sarili ko. I was filled with so much anger and misery that I needed a way to let it out. Hindi ko alam kung saan nagmula 'yon. Basta ang sigurado ako, ang ugat ng lahat ng galit ko ay nagsimula noong iwan ako ng mga magulang ko sa ampunan.

Growing up, I was a happy-go-lucky kid. Wala akong pakialam kung may magalit o mapikon sa'kin. As long as I wasn't trampling on anyone's toes, I didn't give a hoot about anything else. Maagang itinuro sa akin ng mundo na hindi lahat ng taong darating sa buhay ko ay mananatili. I knew someday, even my friends, whom I grew up with, would eventually leave... like my parents. I just had to enjoy it while it lasted.

Mabilis kong inubos ang cup noodles. Wala akong pakialam kung mapaso pa ang dila ko. I couldn't stand the silence; it wasn't for me. Kapag kasi tahimik, may isang bagay sa loob ko ang maingay. At hangga't hindi pa ako naririndi, kailangan ko nang kumilos para mapatay 'to.

"Oh, wala ka namang schedule ngayon, ah?"

Nagsusuot ako ng Gi jacket nang marinig iyon mula sa co-trainer ko. After lunch pa ang klase ko, pero dahil wala naman akong gagawin sa apartment ay minabuti ko na lang na pumasok sa Knockout. This is where I work part-time, and my salary as a martial arts assistant trainer is enough to cover my expenses.

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now