Chapter 23

262K 10K 10.3K
                                    




Chapter 23

For weeks, it occupied my mind—marrying Juancho and spending the rest of my life with him. It gave me more drive to do well in everything I did. Parang biglang nawalan ng lugar ang pagod sa puso ko.

"Your thesis is quite good," he commented as he read my manuscript on his laptop.

Nasa bahay niya kami ngayon—sa kwarto. Galing pa ako ng school dahil nagpasa ako ng weekly report ko sa internship coordinator namin, at dito na ako dumiretso para magpahinga. Wala kasi akong pasok sa opisina tuwing Sabado at Linggo. Sakto pang gabi ang shift ko sa gym.

"Na-proofread na kasi ni Mari," sabi ko naman.

"I mean, the topic itself," he said, his gaze settling on me. "Maganda."

Niyakap ko ang unan niya. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakaupo sa study table niya. Nagpalit pa ako ng damit bago humiga dahil alam kong ayaw niyang madumihan ang bed sheet niya—kahit pa hindi niya naman ako pinagagalitan tungkol doon.

"Mag-aral ka, hindi 'yang thesis ko ang pinapakialamanan mo," saad ko, nakatagilid ang katawan paharap sa kanya.

He had been sitting there for more than an hour, studying some cases and reading his notes, but he still hadn't stood up. Ngayon niya nga lang din ako pinansin. Mabuti na lang at nag-e-enjoy akong panoorin siya.

Mahina siyang tumawa habang ibinabalik ang tingin sa laptop. "I'm taking a break."

Napangiwi agad ako. Punyetang break 'yan. Thesis?!

"Ayaw mo bang humiga na lang?" tanong ko.

"And what?" Sumulyap siya sa'kin. "Cuddle you for hours?"

Umawang ang labi ko. "Aba, wala naman akong sinabi, ah?! Mukha bang uhaw na uhaw akong makipagyakapan sa'yo?! Ang init-ini—"

"Ako ang may gusto," agap niya bago tuluyang iniikot ang swivel chair paharap sa akin. "I'd love to stay in bed with you, but you should know by now that every time I do that, I miss out on studying."

Bumusangot ako. Totoo naman 'yon. Tuwing may ginagawa siya at nakikitang bakante ako, tumitigil siya at tumatabi sa akin—nasa kwarto man kami o sala. Kapag tuloy may exam o recitation siya, inaabisuhan niya akong huwag nang bumisita.

"Hindi ko kasalanang masyado kang clingy," sabi ko.

He shrugged. "I'm not blaming you."

Itinaas ko ang yakap-yakap na unan hanggang sa matakluban ang bibig ko.

"Nadi-distract ba kita?" tanong ko.

Tumango siya kaya lalo akong napasimangot. Hindi ba ang pag-aaral niya ang distraction sa amin?

"What?" He chuckled, probably noticing my frown.

"Wala!" sumpong ko bago tumalikod sa kanya. "Magbasa ka na d'yan. Ako na lang ang magpapahinga kung ayaw mo."

Narinig ko ang muling pagtawa niya. "Come here. Let's review your thesis."

"Ulol. Mag-isa ka."

"Bilis na," pamimilit niya. "Defense mo na next week. You should be preparing."

"Prepare," I echoed mockingly. "May damit na 'ko."

"You know that's not what I mean."

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya umisod ako pagitna sa kama. Alam na alam ko ang mga ganitong padali niya! Pipilitin niya akong mag-thesis!

"Natutulog 'yong tao, Juancho, ha!" reklamo ko nang madama ang kamay niya sa baywang ko. "Kung hindi ka nang-aabala, nananaginip na sana ako!"

Napapiksi ako nang higitin niya ang katawan ko. Mabilis lang iyon, parang hindi manlang siya nabigatan sa akin. Iritable akong humarap sa kanya, at lalo lang dumoble ang inis ko nang makitang naaaliw pa siya.

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now