Chapter 17

225K 11.9K 17.2K
                                    




Chapter 17

Growing up was never easy for me. I used to be a defenseless three-year-old girl who was left alone outside an orphanage with a patched stab wound in the shoulder. Hindi ko na tanda ang detalye kung saan, paano, at bakit ako nasaksak. Ni hindi ko kilala kung sino ang gumawa noon sa akin. Kung wala nga ang sugat ko, hindi ko na maaalalang may ganoong parte ang nakaraan ko.

Ang alam ko lang, madilim pa noong iniwan ako. Hindi ko sigurado kung anong oras 'yon o kung tama ba ang nasa alaala ko, pero tanda kong hindi ako umiyak o humabol manlang. Sinilip ko lang ang babaeng nagluwal sa akin, pinanood ang paglalakad niya palayo hanggang sa mawala siya sa linya ng paningin ko.

At that time, I knew I wanted her to turn around and look at me, even if it was just to wave goodbye or to run back and kiss my forehead and tell me she loved me... but she didn't.

She just walked away without taking a second look after telling me she had to be with my father and that staying with them would only cause me pain.

And now, after so many years, even if I had long forgotten the pain of being stabbed, the memory of being abandoned had stayed deeply embedded in my soul.

Tumanim sa akin ang realidad ng buhay— kailangan mong matutunan kung paano protektahan ang sarili mo, kasi kung hindi, maiiwan ka lang.

At lahat ng pang-iiwan, sa kahit anong mukha at oras, laging madilim.

"Munggo at pritong galunggong ang lulutuin ko. Mag-sangag ka ng kanin pagkauwi natin, Mari..."

Umaga matapos ang pakikipag-usap nang maayos kay Juancho ay nagpasundo si Kat sa amin ni Mari sa terminal, ni walang paabisong ngayon siya dadalaw. Nang makita kami ay pumagitna siya sa amin at agad na kumapit sa braso naming dalawa. May kakaibang ningning ang mga mata niya, at doon pa lang, alam ko nang masaya ang pamumuhay niya sa probinsya.

"Ikaw naman, Mill, magche-check tayo ng mga sira sa apartment ngayon," saad niya habang pinapara ang tricycle. "Sa loob na kayong dalawa. Ako na ang aangkas."

Iikot na sana siya papunta sa likod ng driver nang higitin ko siya. Parang tanga talaga 'to. Kitang nakapalda siya tapos magvo-volunteer na sumabit. Kahit pa hanggang tuhod 'yon, iba pa rin ang nagagawa ng hangin!

"Sa loob ka," sabi ko sabay tingin kay Mari. "Ayokong katabi 'to. Hindi pa naliligo."

"Excuse me? Ikaw nga galing pa sa jogging! Kadiri kaya ang pawis mo!"

Ngumisi ako. "Hindi naman magulo ang buhok ko."

She wrinkled her nose in annoyance as she ran her fingers through her silky, loose curls. Bagay naman sa kanya 'yon. Kahit nga walang suklay ay maganda pa rin siyang tingnan. Hindi ko lang sasabihin 'yon sa harap niya dahil masarap siyang inisin.

"Utak kasi ang magulo sa'yo!" she fired back.

Tumikhim si Kat. "Manong, pasensya na po..."

Sinenyasan niya ako na tumigil na kaya napangisi na lang ako sa nanlilisik na mata ni Mari. I shrugged and plopped down on the seat, still smirking foolishly.

On our way to the apartment, I couldn't help but realize that having people you could turn to for support when times were tough was a privilege people rarely acknowledged. It was a treat that was taken for granted.

Okay, may kaibigan. Okay, may kasama sa tawanan. Okay, may kakuwentuhan.

But a true friend... wasn't just there for the labels, jokes, and stories; they were there for the peaks and valleys, the yeses and no's, the smiles and tears.

Sure, money could buy a lot of things, but it couldn't buy you the kind of warmth that a person could provide when things went astray.

Gaya ngayon.

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now