Chapter 14

224K 10.6K 16.2K
                                    




Chapter 14

Marami ang bumati sa akin sa social media accounts ko, nag-chat, at nag-send ng friend request. Halos mag-lag ang luma ko nang telepono dahil sa sunod-sunod na notification mula sa mga kakilala at mangilan-ngilang estranghero.

Karamihan sa mga nag-chat ay mga lalaking hindi pamilyar sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang pakay nila. Imbes kasi na maputol ang usapan pagkatapos ng palitan ng pagbati nila at pasasalamat ko, ang iba ay nagtatanong na tungkol sa personal kong buhay.

It was a nuisance. I even had to uninstall most of my apps just to stop getting a constant stream of useless push notifications. Hindi naman malaki ang sakop ng pageant para makakuha ako ng ganitong atensyon. For Christ's sake, it was just a college event!

"Saan ka?" tanong ko kay Mari nang mapansing bihis na bihis na siya.

She heaved a sigh as if the thought had already drained her. "Client."

Hindi ko maiwasang mapaawa sa kanya. She was tired from the event last night, and she had to go to work first thing this morning. Kahit pigilan ko siyang magtrabaho ngayon, alam kong hindi siya papayag. She was a workaholic. I barely saw her during the day. Pagkatapos mag-umagahan, gabi ko na ulit siya nakikita.

"Ikaw? Hindi ka papasok?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok.

Umiling ako at lalong niyakap ang throw pillow sa dibdib ko. "Ang dami kong paltos. Hindi ko kayang suotan ng sapatos."

"Sigurado ka? Sabado ngayon. Sayang naman." Naglakad siya palapit sa akin, sumilip sa paa ko at bahagyang napaurong. "Oh, by the looks of it, mukhang hindi mo nga kaya. Bibili akong cream mamaya bago ako umuwi. Baka magpeklat pa 'yan."

Tumango ako. "Kumuha ka ng pera sa wallet ko."

"How much?"

"Bahala ka. Kumuha ka na rin ng pambili ng mga kaartehan mo."

Lumapat ang malawak na ngiti sa labi niya. "Really?"

Muli akong tumango. Sa Lunes ko pa maasikaso ang prize money ko dahil sarado ang mga bangko kapag weekend. 'Yong freebies na products ay ipagbebenta ko na lang sa mga kaklase ko. Hindi rin naman kasi magagamit.

"Ano'ng gusto mong dinner? Mamamalengke ako mamaya."

She pursed her lips, her eyes bright with excitement. Simula nang mawala sa puder namin si Karsen ay hindi na kami masyadong nag-iisip ng uulamin. Kung ano ang nand'yan, 'yon ang kakainin namin. Kaya kapag wala, parehas na lang kaming natutulog.

I sighed when I realized that the last few days Karsen was here, we didn't really have much. There wasn't even enough rice and hot food to go around. Kadalasan ay iniinit na lang namin ang kanin nang ilang araw dahil wala na kaming bigas. Sa mga ulam naman ay halos mapurga ko na sila sa instant noodles at itlog.

Kaya ngayong nakikita ko ang saya sa mga mata ni Mari dahil lang mailuluto ang gusto niyang pagkain, hindi ko maiwasang makonsensiya. I was throwing a lot of money away on my vices, especially my cigars.

"Paghatian n'yo ni Kat 'yong prize money kapag naasikaso ko na," kaswal na saad ko.

Nanlaki ang mga mata niya, tila naputol ang pag-iisip. "Baki—"

"'Wag mo 'kong artehan. Ipambayad mo na lang sa internship mo kung gusto mo. May ipon pa 'ko. Baka maubos ko lang 'yon sa alak."

Sasagot pa sana siya pero tumayo lang ako at kinuha ang mga gamit niya. Dinala ko iyon sa labas ng apartment kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Nagsimula lang siyang magbunganga nang maglakad na kami pa-kanto. Hindi ko na lang pinagtutunan ng pansin dahil ibibigay at ibibigay ko rin naman sa kanila ang pera.

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now