18

17 2 0
                                    

Narrator II

"We need everyone's support in the practice game later. So I'm expecting all of you to watch the practice game at 12 in the afternoon. Our company's shuttle will drop you off at the venue later."

Napatigil sa pagta-type si Jickain nang marinig ang sinabi ng Supervisor ng team na katabi nila. Lihim siyang napangiti matapos ang narinig. Ilang sandali pa ay mabilis siyang nag-clock out at lumabas ng production area. Pasipol-sipol pa niyang tinungo ang locker area nila.

"You seem happy, jerk. What's up?" It was his co-worker and bestfriend, Iazone Toussaint.

"Nothing. Just happy."

"And you sound suspicious to me, Jickain. Something happened, right?" usisa pa nito sa kanya. Napangisi na lamang siya hanggang sa maisara niya ang locker. Hinarap niya ang kaibigan at akmang may sasabihin sana nang makita ang dumaan sa likuran nito. Pinigilan niya ang sariling sundan iyon dahil malamang ay pipigilan siya ng kaibigan sa balak.

"It looks like you're about to scream the hell out of you. Para kang tanga." Natatawang wika pa ni Iazone sa kanya. Nakangisi naman siyang iniwan ito sa tapat ng locker area at tumungo sa tapat ng entrance ng production area malapit sa tabi ng guard. Nagsalpak siya ng airpods sa magkabilang tenga habang hinihintay ang kaibigang lumabas sa locker area. Abala siya sa pagbabrowse sa internet ng biglang mapahinto saka sinundan ng tingin ang babaeng lumabas mula sa locker area.

'There she is.' anang isip niya. Akmang susundan niya ito nang makitang palapit na sa kanya ang kaibigan. Tiningnan siya nito pagkatapos ay ang babaeng naglalakad patungo sa elevator.

"Ah, I get it now. Dude, wala kang mapapala kay Pyry." Imbis na magalit sa pagiging negative ng kaibigan sa lovelife niya ay nakatawang inakbayan na lamang niya ito at tinungo ang elevator.

Jickain the Jerk [an epistolary]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant