19

13 2 0
                                    

Narrator III

"Woah. She's here?" Napahinto sa pagsasalin ng malamig na tubig si Jickain at nilingon ang teammate na si Helios. May nginuso ito sa kung saan at nang sundan niya ng tingin ang direksyon ay mabilis na napangiti siya.

"My boss is here," malakas na wika niya sapat upang marinig ng mga kaibigan. Nagkatinginan ang mga ito sabay nag-high five ngunit masamang tingin amg pinukol sa kanya ng bestfriend na si Iazone. Nginisihan lamang niya ang kaibigan at tinapos na ang ginagawa.

"Kailan mo pa naging boss si Pyry? Hindi ka nga nirereplyan," mapang-asar na tanong ni Luck sa kanya. Asar na binato niya ang face towel dito at nasapul ang mukha kaya ilang mura ang lumabas sa bibig nito. Hindi pa nag-uumpisa ang practice game kaya malaya niyang napagmasdan ang babae mula sa malayo. Nasa dulong bahagi nakapwesto ang team nila habang malapit sa entrance ng court ang dalaga. Katabi nito ang ex-girlfriend na kanina pa palinga-linga at mukhang may hinihintay.
Ilang minuto niyang tahimik na pinagmasdan si Pyry bago alisin ang atensiyon dito.

Nang mag-umpisa ang practice game ay nakita niyang lumabas ang dalaga kasama ang ex-girlfriend na si Heaven. Sa kamasalan at pagsunod ng tingin niya sa babae ay muntik ng tumama ang bola sa mukha niya kung hindi lamang siya binangga ni Iazone.

"Hey! Focus will you?!" sigaw nito. Tinaas lamang niya ang kamay at muling nagpatuloy sa laro.

Ilang sandali pa ay nakita na niyang pabalik si Pyry bitbit ang ilang bottled mineral water. Agad na nagtawag ng break ang referee kaya saktong pagdating ng dalawa ay lumapit ang mga ito kay Iazone.

"Here. Para sa inyo," aniya ni Heaven sabay abot ng mineral water kay Iazone.

"Oh.You didn't have to do this Heaven but thanks." Nakangiting wika ng kaibigan dito. Isa-isang nagsilapit ang mga teammates niya sa dalawang babae at kumuha ng tubig maliban sa kanya. Inubos na lamang niya ang tubig sa tumbler at nag-refill sa mineral water na dala ng kabilang team na galing din naman sa company nila.

"Dude, ano pabebe lang? Bakit hindi ka kumuha ng tubig na dala nila Pyry?" usisa sa kanya ni Helios. Tumabi ito sa kanya habang umiinom.

"I'm good. I bring my own water as well."

"Weh? Baka dahil nandoon si Heaven?"

Sa halip na sagutin ang kaibigan ay minabuti na lamang niyang tumahimik. Pasalamat na lang siya dahil natapos ang break at balik na ulit sa practice game.

Jickain the Jerk [an epistolary]Where stories live. Discover now