37

10 2 0
                                    

Narrator VIII

"Dammit!" Pigil ang galit na saad ni Jickain matapos mabasa ang chat ng kaibigang si Iazone. He sent a photo of him with Freia. Larawan kung saan magkasama silang dalawa ng babae sa loob ng night club. Isa ito sa mga naging kaibigan at ka-fling niya noong college pa lamang sila. Birthday ng babae at gustuhin man niyang tumanggi ay napilit siya nito sa kadahilanang naging close rin naman sila noon.

Nagbabagong-buhay na nga ako eh!

Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa ginawa niyang pagpayag na pumunta sa birthday celebration nito habang naka day off siya. Hindi naman niya akalain na magpopost ang babae ng litrato nilang dalawa kung saan inaalalayan niya ito nang muntikan ng matumba dahil may tama na ng alak ang buong sistema ng babae. Magrereply pa lamang siya kay Iazone nang makarinig ng tila ingay na nagmumula sa isang bahagi ng night club. Agad siyang napatayo nang makilala ang pinagmumulan ng ingay.

'Pyry?'

What the hell is she doing here?

"Jicks where are you going?" Pagpigil sa kanya ni Freia ng akma siyang aalis sa tabi nito. Mahigpit na hawak nito ang kamay niya at tila ayaw siyang pakawalan ngunit mas importante sa kanya ang babaeng nakikita ngayon. May lumapit na dalawang lalaki kay Pyry, hindi niya marinig ang sinasabi ng dalawa sa dalaga ngunit sa galaw nito ay mukhang ayaw nito na naroon ang dalawang lalaki.

"I'll be back, Frei." Iyon lang saka inalis niya ang kamay ng babae sa braso niya pagkatapos ay lumapit kay Pyry at sa dalawang lalaki.

Why is she crying?

Nagulat siya nang makitang umiiyak ito paglapit niya. Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki sabay tumayo.

"Did you make her cry?" Seryosong tanong niya sa dalawa. Parehong nagtaas ng kamay ang dalawa tanda ng pagsuko.

"Dude, chill. She was crying when we approached her. Swear. You can check the cctv to make sure," paliwanag ng isa sa mga ito. Mukhang nagsasabi naman ng totoo ang dalawa kaya tinanguhan na lamang niya saka nilapitan si Pyry.

"Pyry." He called her name but she did not look at him. He sat next to her and gently rubbed her back because she's still crying for some reason.

"Hey, what happened?" He softly asked  but didn't get any answer from her but he was surprised when her head suddenly leaned against his chest. The girl just fell asleep due to drunkenness.

Alam niyang nakainom na rin siya kaya nagtawag na lamang siya ng chauffer upang maghatid sa kanila ng dalaga. Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigang kasama lalo na kay Freia. Si Pyry ang dapat niyang unahin.
Hindi niya alam ang address nito kaya ang address na lamang ng condo unit niya ang binigay niyang address dahil iyon ang pinakamalapit sa night club.

Nasa likod sila ng driver's seat nakaupo habang nakasandal pa rin ang ulo ng dalaga sa dibdib niya. Maingat na inipit niya ang nalaglag na buhok nito sa tainga upang makita niya ang mukha ng dalaga.

God. She looks like an angel while sleeping.

Makailang beses siyang napalunok dahil habang pinagmamasdan ang mukha ni Pyry ay may kung anong kakaiba siyang nararamdaman sa katawan. Damn! No.
His whole body suddenly felt burning even though the air coming from the air conditioner inside the car was strong.

"Sir, nandito na po tayo." Pagtawag pansin sa kanya ng chauffer. Saglit niyang kinalma ang sarili bago maingat na binuhat palabas ng sasakyan ang walang malay pa ring dalaga. Kasunod ang chauffer ay umakyat sila sa 15th floor ng condo unit hanggang sa marating ang unit niya. Nagpasalamat muna siya rito bago marahang nilapag sa kama ang buhat na dalaga. Pagkalapag ay mabilis siyang tumakbo sa loob ng banyo. Tangina. Nagtagal siya ng halos ilang minuto sa loob bago naisipang lumabas. Mahimbing pa rin ang tulog ni Pyry. Halatang maraming nainom ang dalaga. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit naglasing ito ay masaya pa rin siyang makita at makasama ang dalaga kahit pa nakablocked pa rin siya sa messenger nito.

Can I keep you, Py? Will you allow me?

Jickain the Jerk [an epistolary]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang