42

8 2 0
                                    

Narrator IX

Masakit at tila binibiyak ang ulo ni Pyry nang magising siya. Unti-unti minulat niya ang mata at halos manlaki iyon ng mapagtantong nasa isang hindi pamilyar na silid siya. Sapo ang ulo ay inalis niya ang kumot na nakatakip sa katawan at bumaba sa kama. Where the hell am I? Hindi niya alam kung paano nakarating doon lalo pa at hindi iyon ang apartment nila. Wala namang nagbago sa katawan niya dahil ganoon pa rin ang suot niya. Wala ring masakit sa buong katawan maliban sa ulo niya. Okay, safe. Mabilis na tinakbo niya ang pinto at akmang hahawakan ang door knob ng bumukas iyon.

Jickain? Natulala siya ng makita ang binata. Paanong..

"Nasaan ako?' mahinang tanong niya habang nasa ibang direksiyon ang tingin. Hindi rin iyon ang bahay ng pamilya nito. Nasa hotel ba sila?

"You're here in my condo unit. I brought you here last night since it's the closest to The Green Valley."

"Ah." Wala siyang maapuhap na sasabihin kay Jickain. Ilang segundo silang magkaharap. Nakatingin lang sa kanya ang binata at mukhang hinihintay kung may itatanong pa siya.

"I need to go home. Salamat sa pagdala sa'kin dito-"

"Pwede ba tayong mag-usap?" Ewan niya pero lumakas ang tibok ng puso niya sa sobrang kaseryosohan ng boses ni Jickain. Napaatras siya habang nanatili ang binata sa kinatatayuan nito.

"N-nag-uusap na tayo 'di ba?"

"Yes. But.. damn. It's so hard."

"Huh?" Ano raw? Anong mahirap para dito?

"Gusto kita. Gustong- gusto Pyry Snow Montealegre. I know you don't believe it but it's the truth. I like you. You caught my attention the first time you stepped inside the production area. I understand I have a bad reputation at work, I'm an asshole, a jerk but I don't care because  none of those was true. All I care is that  I want to be with you, I want to see your smile and everything. I will wait, let's get to know each other first. Will you allow me?"

She was caught off guard. Hindi niya alam kung anong isasagot sa binata. Ito ang unang pagkakataon na naglakas loob itong magtapat sa kanya.

"Pyry?" Tila kabado si Jickain ng tingnan niya. Naroon pang pinagdaop nito ang mga palad habang hinihintay ang sagot niya.

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko?

Mataman niyang tinitigan ito. Ilang beses niyang nakita ang paglunok ng binata habang pinagpapawisan kahit pa malamig ang buong kwarto. Lihim siyang napangiti.

Cute.

"Alright, why not?" sagot niya.

Hindi agad siya nakapag-react ng mahigpit siyang yakapin nito.

"Thank you. Thank you, Py."

At sa unang pagkakataon pakiramdam ni Pyry ay nakahanap siya ng kapayapaan habang yakap ng makulit na lalaki.

Jickain the Jerk [an epistolary]Where stories live. Discover now