28

11 2 0
                                    

Messenger

June 20,2021 | 7:45 PM

Iazone Toussaint
•Active Now

Iazone:

Are you sure you can work tonight?
You can file a leave if you can't.

Jickain:

I'm good. Why sent a wheel chair? I'm not injured and I can walk.

Iazone:

I know. The clinic just want to make sure that you'll not pass out again. What happened last night?

Jickain:

'Bro, I'm just tired. Naglaro lang ako ng bastketball pag-uwi.

Iazone:

Well, I think you should get more rest Jickain.

Jickain:

I can work tonight.

Iazone:

Then what? You'll let Pyry to bring you to the clinic again? Are you insane?

Jickain:

What? I don't understand.

Iazone:

Si Pyry ang nagdala sa'yo sa clinic. She saw you when you passed out.

Jickain:

WTF??
You let the girl do that?

Iazone:

Stupid. She's the one who insist.

Jickain:

Wow. I didn't know that.

Iazone:

Ayoko na ngang kausap ka.

Jickain:

Hoy. Teka. Seryoso ba?

Iazone:

Yes. Thank her later.

Jickain:

Of course!

seen by Iazone Toussaint

×××××

Narrator IV

"May sakit si Jickain?"

"Oo gurl. I saw him sa wheel chair kanina. He looks so tired and ang putla niya. Sabi raw dahil sa pagod?"

Napatigil sa paghuhugas ng kamay si Pyry nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae na katabi niyang nag-aayos ng make-up. Si Jickain Chapman ang topic ng mga ito. Ang lalaking makulit na dinala niya sa clinic kanina dahil hinimatay. Nakita niya ito habang nasa loob ng elevator. Nagkataon na silang dalawa lang ang sakay. Akala pa nga niya ay mangungulit ang pasaway na lalaki ngunit nagulat na lamang siya ng bigla itong bumagsak. Pawisan ang buong mukha at namumutla. Nang salatin niya ang noo ng lalaki ay nalaman niyang inaapoy ito ng lagnat. Sa huli ay dinala niya ito sa clinic ng company nila.

"Sana okay na siya ngayon."

"Kaya nga. Kahit medyo makulit at playboy daw ay mabait naman 'yon. He was my teammate before. Friendly lang talaga saka lapitin ng babae kaya napagkakamalang babaero. I think he's one of the best guy I've ever meet dito sa office."

Hanggang pag-alis ng dalawang babae ay si Jickain Chapman pa rin ang topic ng mga ito. Nang matapos ang paghuhugas ay lumabas na rin siya sa comfort room at dumiretso sa locker area. Ngunit napahinto siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa tapat ng locker niya.

"Pyry." It was Jickain. Hindi na ito nakaupo sa wheel chair.

Hindi agad siya nakapagsalita. Gumilid ito ng lumapit siya at buksan ang locker niya. Saglit lang ay may kinuha siya saka inabot sa lalaki.

"Binigay ng nurse kanina. Inumin mo raw pagkatapos kumain." Kinuha nito ang gamot mula sa kamay niya. Nakatingin lang ang lalaki sa kanya hanggang sa maisarado niya ang sariling locker.

"Thank you. I meant it." Pasasalamat nito sa kanya sabay ngumiti. Ewan niya pero bigla siyang nataranta ng makitang ngumiti ang lalaki sa kanya. Humampas ang likuran niya sa pinto ng locker.

Shet.

"Are you okay?" Hindi niya inaasahan ang biglang paghawak nito sa braso niya kaya mabilis niyang inalis iyon.

"Oh, sorry. I didn't mean to touch you-"

"It's fine."

Iyon lang saka siya mabilis na nilayasan ito. Napahawak na lamang siya sa dibdib sa sobrang lakas ng kabog niyon.

Nagpapalpitate ba ako?



Jickain the Jerk [an epistolary]Where stories live. Discover now