Passenger

177 4 0
                                    

"PASSENGER"

I don't mean to scare all of you but I just want to share this. Third year college ako non sa Cavite State Unicersity, (diko na lang sasabihin kung saang branch), but yeah, around 6p.m. dinismiss na kame ng prof namen but I had to attend to a dance org para sa event na pinaghahandaan namen. 7:20, natapos ang practice. Umalis agad ako ng campus at naghintay ng jeep. Medyo matagal din nung may dumaan na isa. Walang pasahero si tatang. To be honest I didn't contemplate to ride cause I was hungry and all I could think of was to get home and eat so I didn't mind. Plus, muka naman mabait si tatang. Sa unahan ako ng jeep umupo. I smiled kay tatang and he smiled back at me, then I occupied the seat which I thought all "for" me since ako lang naman ang pasahero. Maya maya, tumigil ang jeep, I looked out if may sasakay, wala naman. From my perspective, nakatingin si tatang. I looked back with "yes?" look on my face. Medyo creepy na si tatang this time cause he tilted his head na para bang may tinitingnan sya sa direction ko. "Bakit po?" Sabi ko, nakakailang kasi. Tumingin sya saken tapos ngumiti. "Neng, umusod ka ng konti." Sabi ko, "Po? Bakit po?" Sabi nya, "Basta, umusod ka ng konti." Ako naman, naguhuluhan na kung bakit ako pinapausod eh wala naman sasakay. Tumawa na lang ako ng nakakaloka sabay sabing, "okay". Seconds passed, umandar na yung jeep. Ewan ko kung bakit pero medyo malamig. Huminto ulit ang jeep at nagsakay ng dalawang pasahero. Yes! Medyo pumatag ang pakiramdam ko pero nilalamid pa den ako. Bago lumiko sa kanto si tatang, tumigil ulit sya at ayun na naman, tumingin na naman sya sa direksyon ko bago nya pinaandar ulit ang sasakyan. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko non. Siguro magkakasipon lang ako kaya ako biglang nilamig. Naglakas loob na ko magtanong kung bakit sya tingin ng tingin sa tabi ko pero sumegway muna ako ng konti para di halata, "Tay, medyo malamig na po panahon ngayon no?" Sabi nya, "Normal lang yan neng." Nagtaka ako kasi ineexpect ko na sasalungat sya, since magsusummer na non, dapat mainit. Sa sinabi nyang yon, napaisip ako na siguro di lang ako ang nakaramdam ng lamig. Tumingin ako sa kanya na para bang may malaking question mark sa muka, "Ano po?" Tapos sumagot sya ng may kahinaan, "May sinakay akong pasahero ko kanina." Tumingin ako sa side mirror, "ah, sila po?" Sabi nya, "hindi neng. Yung sinakay ko sa tapat ng Ve***** hospital kanina." Dedma lang ako, maya maya nagrecall saken ang nangyari kanina. Sa Ve***** hospital sya tumigil at nagsimulang maging creepy. Holy &#@#! "Wala naman pong sumakay kanina ah." Sabi ko. "Meron neng. Pasahero ko yun matagal na panahon na bago sya naaksidente." ASDF*CKINGTAPEGHJKL kinikilabutan na ko ng malala! "Ah, gumaling na po sya?" Tanong ko pa kahit na alam ko na ang nangyari. Malamang ss malamang, espiritu ang nakita ni tatang kanina at yun din ang tumabi saken! "Hindi nga neng eh. Namatay din matapos ang isang araw." AYUN NA NGA BANG SINASABI KO! GUSTO KO NA TUMALON SA JEEP NA SINASAKYAN KO. Natatae na ko na ewan, di ko na kina kaya sinasabi ni manong. Di na ko nakapagsalita, pinanalangin ko na lang na makababa na ko sa destinasyon ko. Bigla namang nagsalita si manong, "Kaya ikaw, mag-iingat ka ha. Wag ka tatawid agad agad. Mahirap na sitwasyon ngayon." Nginitian ko na lang sya ng pilit at bumaba sa jeep. Di na ko tumingin sa kanya sa sobrang takot ko. Naglakad na ko ng palayo. Kakaibang ride ang naexperience ko non!

P.S: di ko na nakita pa ulit si manong simula non. Kaya kayo, mag-iingat kayo!

✓Phantom

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now