ASWANG

64 0 0
                                    

"ASWANG"

elementary ako that time.. ang sarap ng tulog nmin kasama ko mga auntie ko at lolo at lola sa bahay nila.. around 1am bigla nagising isang auntie ko at my naglalakad daw sa bubong ng bahay kaya ginising nia kami lahat.. at pagkagising nmin narinig nga nmin my naglalakad sa bubong at take note ang bigat bigat ng apak nila sa bubong ung aakalain mo my mabibigat sila na dala..yes sila means 2( sa huli malalaman nio baket nasabi ko na 2) tumawag na ng mga pulis mga kamag anak nmin kasi di nmin alam kung tao ba un or ano ung nasa bubong.. then si tatay ko nagpasya na umakyat sa bubong para malaman kung ano ba un..my dala sya na air gun(uso pa air gun nun) at sa pag akyat nia nagtaka sya dahil ang nakita nia sa bubong ay pusa na naglalaro.. so  wala sya nakita sa bubong kung ano ung naglalakad na napaka bigat ng mga apak.. at sa bandang malapit sa palaisdaan nmin ung lolo ko may nakita na 2 lalaki mga nakahubad kina usap nia dahil akala nia ung 2 uncle ko un.. sabi daw nia baket andito kayo? di daw sya pinansin at di sumagot ung 2 lalaki lumakad lang daw palayo papunta sa dagat tawid nun mga bahayan na mga squater na karamihan mga galing visayas.. so ending wala kami nakita or nahuli kung ano man ung naglalakad sa bubong na sobrang bigat ng mga apak.. kahit mga pulis wala nakita..then kinabukasan nabalitaan  nmin ung 2 kamag anak nmin na mga buntis mga nakunan sila namatay anak nila while nasa sinapupunan.. and  yun ang alam nmin inaswang sila at yung naglalakad na mabigat sa bubong at pusa na naglalaro sa bubong at 2 lalaki na nakita ng lolo ko na nakahubad ay aswang.. 2 sila at 2 din kamag anak nmin sabay na nakunan ng time na un..

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now