LUMANG ELECTRIC FAN

73 3 0
                                    

Lumang Electricfan"

Hi silent reader po kami ng partner ko dito matagal na and hindi ko po ineexpect na magshare din ako dito ng creepy experience ko. hindi ko na dapat i-ishare at gusto nalang kalimutan but, sabi ng partner ko kwento ko daw dito kaya pinagisipan ko mona. pasensya na hindi po ako magaling magkwento hehe so here it goes.

Going to bataan po kami nung April 8 to 9, 2024 kasi magswimming po kami.

(April 8, 2024)
Pagkadating po namin doon sa beach namin pupuntahan akala namin doon po kami mismo sa resort mag room pero hindi  po pala sa tapat po pala mismo lang ng resort yung bahay na tutuluyan namin takenote bahay po pala, and dilang siya basta bahay "Lumang bahay" kaya pagpasok mopa lang halatang mabigat sa pakiramdam kasi dahil sa kalumaan nito at pati nadin ang mga gamit na parang mga antigo na. yung iba mga nakatakip na ng mga puting tela gets niyo po? parang yung napapanood natin sa mga horror movies sa mga hindi po nakakaalam.

Ff, gabi na at nagpipilian na kami ng kwarto kasi madami kami kasama family ko, kaibigan namin na dalawa ng partner ko and family ng partner ko. tatlong kwarto yung pagpipilian namin. and eto kami kung ano ano talaga mapapansin mo kasi nga halatang mga antigo na yung mga gamit at ultimo yung mga table na may salamin na lumang style? and isa pa sa nakakamangha yung mga electricfan na standard na lumang style na halatang matagal na kasi may mga kalawang na yung electricfan pero gumagana at umiikot pa. kaya nagbiro ako sabi ko gumagana paba to? not intention na makaoffend kasi alam mo yon parang nakakabelieve lang kasi yung mga electricfan sa bahay namin ang bilis nasisira unlike dito sa electricfan nato na matagal na? tapos umiikot at malakas pa kaya tawang tawa talaga ko and biglang nagsalita ate ng partner ko, sabi niya huwag daw ako magpansin ng kung ano ano kasi baka may nakatira sa bahay na ito. natakot ako pati ate niya sabi ko huwag kang ganyan ate. sabay kaming napatingin sa taas ng aparador na may maliit na lumang upuan sa taas at alam mong meron Huhu

Ff. natutulog na ang lahat. btw ang pwesto namin dahil madami kami yung kasama namin sa kwarto yung byeanan ko, ate ng partner ko and yung dalawang bata sila sa kama, kami sa baba natulog pati nadin yung dalawa pang ate niya. so bago kami matulog inopen ko yung pinto na halos nakikita ko sa labas gawa ng mainit at kulob ang kwarto.
Tulog na kaming lahat ng bigla akong magising na parang may humahawak ng mahigpit sa kaliwang kamay ko kaya nagising agad ako (btw mabilis pala ko magising kahit masarao tulog ko konting kaluskos lang) akala ko panaginip pero hindi kasi gising na gising talaga ko at ginigising ko partner ko sabi ko may humahawak sakin pero yung partner ko ang sarap ng tulog gawa ng nakainum. kaya nagtuloy tuloy yung paghawak sa kamay ko. takang taka ko kasi wala akong makita kung sino yung humahawak sakin. dahil walang nagigising pa nung mga oras nayon sinubukan kong umupo at lumalaban ako doon ko talaga napagtanto na hindi lang talaga panaginip totoong totoo dahil pagkaupo ko sinisipa naman ako papunta sa asawa ko na habang nakahawak sa kamay ko and wala padin akong nakikita ngalay na yung kamay ko at buti nalang nagising yung byeanan ko sa ingay ko. sabi niya ano nangyare? tapos biglang natigil yung gumagawa sakin. akala niya binabangungot ako pero hindi totoong totoo yung nangyare dahil namanhid yung kaliwang kamay ko kakalaban. ang sabi nalang ng byeanan ko huwag ako tumihaya kasi nakatihaya daw ata ako pero sabi ko naman hindi nay, may humawak kasi sakin nay pero dahil sa antok ng byeanan ko natulog na siya ulit at lumipat ako sa kabilang pwesto ng asawa ko sa takot ko nagdasal ako ng nagdasal pero hindi padin ako makatulog kaya naglakas loob ako na check ang phone at sakto 3:26 am at doon ko naisip na kaya pala at lalo kong natakot kaya humiga at nagdasal ulit ako hanggang sa nakatulog ako. kaya hindi din pala ko makatulog kasi non iniisip ko na baka may saktan din siya sa pamilya ko kaya nagdasal ako ng paulit ulit at walang naman na nangyare (ang akala kolang pala)

6:00am, gising na ang lahat kaya nagkwento nako sa family ng partner ko kung ano yung nangyare sakin kaninang 3am, sabi ko buti nalang talaga nagising si nanay yung byeanan kong babae. lahat sila bakas yung takot sa mga mukha at nung nagkwento ko nagulat yung isang ate ng partner ko (yung nagsabi sakin huwag akong magpansin ng kung ano ano) nalaman ko na hindi lang pala ako yung naka experienxe ng nakakatakot. nakakakita kasi siya dati pa ng mga bagay na kakaiba pero hindi naman ganun kadalas. shinare nya na nagising daw siya ng mga 4:30am dahil nagaalarm yung phone at papatayin sana niya at iiusad yung isang bata kasi nasisikipan siya pero bigla siyang may nakita na matandang babae na nakatapat sa salamin na mahaba ang buhok at kulay itim. (yung table na may salamin na lumang style) sa takot niya di siya makagalaw at nagdasal nalang daw siya at naghintay na may magising at nakaidlip na siya ulit ng maguumaga na. ang sabi baka iyon yung nanakit sa akin dahil siguro daw sa pagpuna ko sa electricfan kaya sabi niya manghingi nalang daw ako pasensya baka nagalit. kaya ginawa namin bago kami umuwi ng hapon kasi, nagswimming pa kami. nanghingi ako ng pasensya.

Lesson learned nadin po sa akin ito, at sana sa iba din na may mapupuntahan kahit nagagandan or di okay sa paningin mo much better nalang na sarilinin nalang natin lalo't wala tayo sa lugar natin.

hanggang ngayun pag naaalala ko, kinakalibutan padin ako kasi first time kong nakaexperience ng ganto. nakakaramdam naman ako but ito yung pinakanatakot ako. what if kung hindi nagising byeanan ko? huhu pero Thank God kasi hindi niya ko pinabayaan! manalig lang palagi.

Salamat admin sana mapost po ito kahit medyo magulo. Thankyou and Godbless!

-LB

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ