TATLONG KATOK

43 1 0
                                    

TATLONG KATOK

Hello admin, silent reader ako dito sa spookify. Pakitago nalang po identity ko. Maraming salamat! First time kong magseshare ng mga nararanasan ko pang-gagambala ng di ko malaman kung anong elemento siya (di ko alam kung multo ba o maligno or ewan, ayoko nang mas matakot pa.) Natuto nalang akong tumapang, o balewalain twing nararamdaman o nagpapakita sya kasi pag naaapektuhan ako mas napapadalas ang pagpaparamdam niya.

Laking Manila ako, since elementary hanggang college pati unang job ko sa Mandaluyong at Makati pero di ako kontento sa sinasahod ko bilang normal na empleyado na araw-araw mapapagod ka sa biyahe dahil sa traffic at mahahabang pila papasok at pauwi kaya nag-apply ako ng ibang work na malayo sa kurso ko (Public Service) dumayo ako sa Nueva Ecija para magproseso ng mga documents ko at kailangan daw sa papel ay madeclare ko na taga doon ako. Actually lugar naman ni Papa iyon kaso ang parents ko nagsettle for good sa province ni Mama (Dumaguete) kaya nakitira ako sa Bahay ng Tito ko (kapatid ni Papa), pagpasok mo sa malaking gate, malawak na bilaran ng palay makikita mo kaya medyo lalakad ka pa ng malayo papunta sa main house, tapos iba pa yung pagsstayan ko na guest room na malayo rin from the main house. (isang fishpond ang layo mula doon sa bahay) Di ako sanay lalo na pag gabi kasi sobrang dilim sa paligid tapos ang aga magsitulog ng mga tao. Jusko! Pagkatapos kumain ng dinner from the main house lalakarin ko nakaflashlight yung papuntang guest room. Kanta-kanta nalang ang lola mo kunwari di tumitindig ang mga balahibo.

So yun na nga, may dalawang kama ang guest room pinili ko yung malapit sa pinto at bintana kasi ayoko don sa isang kama na makikita mo yung lawak ng kwarto, twing natutulog ako tinatalikuran ko yung isang kama kasi feeling ko may kasama ako. Sa sobrang bwisit ko nilagay ko sa kama na yun lahat ng bags ko para iisipin ko di sya maoccupy ng kahit na sino o ano. Pero ganun pa man, may nararamdaman parin ako. Pangatlong gabi ko sa lugar na yun, nagpapatugtog ako ng worship songs kasi ala-una na ng madaling araw ang bigat bigat parin ng pakiramdam ko. Feeling ko isang pikit ko lang babangungutin ako. Ewan ko ba bakit ganun. Pero natalo parin ako, di ko na napigilan nakatulog na ko, at sa di ko inaasahang pangyayari. Nagising ako, alas tres pasado (3:35AM) bukas ang pinto, sobrang takot ko gusto kong umiyak pero nilabanan ko kasi sabi ko di na to biro, meron talaga. Pag nagpatalo ako dito, baka mabuang ako. Promise!

Naglakas loob akong tumayo mula sa kama ko para isara yung pinto, ayokong lingunin ang labas kasi napakadilim pero nung malapit ko nang maisara yung pinto natukso ako lingunin ang maliit na space bago pa tulyan maclose, napamura ako ng malakas... nakakita ako ng parang shadow na lalaki mga 2M away from the guest room. Dali-dali kong nilock yung pinto. Hinarangan ko ng upuan at isang maleta.

Nagtataka ako pano pa ako nakakita ng anino samantalang napakadilim na. Di na ko nakatulog ulit hinintay ko nalang yung umaga.

Kinabukasan, sakto namang natapos ko na mapasa yung mga documents ko. Nagpaalam na ko kay Tito na diretso na ko uuwi ng Manila, babalik nalang kako ako pag tinawagan na ko or kailangan ko nang magreport.

Paguwi sa Manila, dahil nga nasa Dumaguete na ang parents ko, magisa lang din ako nakatira sa bahay. Mula nung umalis na sila mama, tinakpan ko na ng mga kumot yung mga sofa sa living room. Isang kwarto at yung kitchen nalang talaga ang nagagamjt ko sa bahay gawa ng sobrang busy ko papasok sa trabaho tapos uuwi lang para matulog. May boyfriend naman ako, 6 years na kami that time, pero busy rin sya kasi working student.

Nung nagpapahinga na ko sa kwarto, bigla ko naalala yung nangyare sakin kagabi. Kaya ang ginawa ko, binuksan ko lahat ng ilaw sa bahay. Pati natulog ako na bukas yung ilaw. Pero, nagising ako 2:10 AM dahil sa tatlong katok sa kwarto. Ang pangit ng pagkagising ko kasi yung parang nabigla. Nagpray ako ng malakas, sobrang lakas para mawala yung takot na nararamdaman ko hanggang sa nakatulog ulit ako. Kaso nagising nanaman ako sa katok ng 4:00 AM pero that time, mula sa pagkakahiga, umupo ako para pakiramdaman kung uulit pa ba yung katok. Pero mula sa maliit sa space sa ilalim sa pinto napansin ko na may gumagalaw na shadow sa sala (kasi nga binuksan ko lahat ng ilaw sa bahay diba?)

Sumigaw ako, nakiusap ako na layuan ako.
Kinabukasan, kahit na dapat papasok na ko sa office dahil mahaba-haba na yung niliban ko, diretcho ako ng simbahan. Nanalangin ako, kahit wala na ko masabi kay Lord, nandon lang ako. Iyak ako ng iyak. Don ko lang narealize na kahit nagpupumilit tayo maging matapang, o kahit na napakatibay nating tao dahil wala naman akong ibang masasandalan dahil magisa lang ako, may ibang nilalang na makakapansin talaga ng lungkot mo (kahit na everyday masaya ka humaharap sa ibang tao)

Ngayon ay Mindanao base na ko, madami pa syang pagpaparamdam. Next time ko nalang po ikukwento yung nasa TAWI-TAWI ako.

-Sgt Wolve

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now