REINCARNATION

59 0 0
                                    

"RE INCARNATION"

  Hi! Gusto kolang i share experience ko about sa re incarnation. Feeling ko re incarnation ang nangyari sa akin . Hindi po talaga ako marunong mag kwento pero i want to try na sabihin sainyo , baka kasi may kapareho akong naka experience ng ganito. So eto nanga.

   Naalala ko first time kong napanaginipan to 8 years old palang ako non syempre diko pinapapansin akala ko kasi wala lang at normal na panaginip lang yon. Pero hindi, dahil yearly ko siyang  napapanaginipan sa isang taon 3 times or 4 times ko siyang napapanaginipan  same scenario walang labis walang kulang. ( So fast forward nanatin) 24 years old napala ako, year 2000.

  Noong nag 17 years old nako don ko na nalaman na hindi to simpleng panaginip lang,   kasi paulit ulit na ganon ang scenario ng panaginip. Hangang nag 20 years old nako napapanginipan ko parin siya pero diko alam kung bakit. Halos 12 years kona siyang napapanaginipan. Eto panaginip ko.
( may malaking bahay na puti , madaming puno, shadow ng bata nakasilip sa bintana, diko nakikita yung mukha nya as in shadow lang siya. Pero alam ko sa sarili ko na ako yon, Yes opo alam ko sa sarili ko na ako yung shadow nayon. Kasi every time na magigising ako yun na yung nasa utak ko , na ako yung batang yun pero shadow lang siya. Nakatingin siya sa labas tapos umiiyak )
every time na magigising ako sa panaginip kona yan sumasakit dibdib ko naparang binabangungot.

  21 years old ako,  sinilang ko ang  baby girl ko,  panganay ko.( Pinanganak ko siyang may balat sa dibdib ) this time napanaginipan ko ulit siya , nasa ospital ako  that time kung saan ako nananganak. Same panaginip ganon padin pero this time nadagdagan,  mas matindi sa nakagawiang panaginip ko may dumagdag na scenario na mas nakakakot. Till now habang nag ku kwento ako nanginginig ako.

Panaginip
umiiyak yung shadow na bata sa bintana. (Kala ko magigising nako kasi usually jan ako nagigising sa part nayan pero hindi) habang umiiyak yung bata sa bintana biglang hinila siya ng lalaki. Shadow din itsura , pero kilala ko. Tatay siya ng bata. (diko din alam bakit kilala ko eh shadow lang naman) biglang hinagis sa lapag at sinipa sipa at sinaksak ng kutsilyo sa puso!!!! Biglang tumingin sakin yung bata umiiyak! ( Bigla akong nagising kinakapos ako ng hininga, ang bilis ng tibok ng puso ko. Umiiyak napala ako bigla kong naisip ako yung bata, ako yung bata sabi ko. Hindi ko alam ba't ko nasabi ako yon pero yun yung sinasabi ng bibig ko!)

  Nakauwi nakami galing ospital ng baby ko. Hindi siya mawala sa isip ko. Napapaisip ako bakit? Bakit ganon? Ano nangyare? Sobrang na curious ako! Sobra akong napapraning. Pero nawala isipin ko dahil may inaalagan akong baby. After 8 months, mas matindi ang nangyari! Yes nakita ko yung bahay! Yung matagal konang napapanaginipan, yung  simula pag ka bata napapanaginipan kona.  Nakita ko na siya personally at literal sa hindi inaasahang pag kakataon.

   Mag 1 taon na anak ko so need ko mag handa sa 1st bday at binyag. Sa isang Online live selling umorder ako ng damit sabi ko meet up konalang siya kasi mag sm din kami at dadaan kami malapit sakanila.  Sabi ko sa asawa ko wait nalang nila ako sa sm dadaanan kolang yung order ko. So pinasakay nya ako tricycle.  Nakaupo ako sa back seat ng driver kaya kita ko ang dinadaanan.  Habang umaandar bigla kong nakita yung malaking bahay sa panaginip ko,  nadaanan ko! Hindi ko alam anong reaksyon ko, pero isa lang nasabi ng bibig ko yung bahay ! Bigla kong nag para sabi ko bababa naako! Tumakbo ko pabalik don sa bahay! GRABE GULAT NA GULAT AKO, HINDI KO ALAM KUNG ANONG REAKSYON ANG MARARAMDAMAN KO!  PERO KINIKILABUTAN AKO HABANG NAKATITIG. NAMAY KASAMANG MURA.

     Kung ano ang kinaganda sa panaginip ko ng bahay ayun ang kinaluma ng bahay! Opo sobrang luma pero malaki pala talaga kagaya sa panaginip ko. Sobrang lumot ng bahay at sira sira na ang gate pati narin ang mga bintana. Nung umatras ako don ko nakita yung bintana kung saan ako madalas nakadungaw (yung batang shadow na feeling ko ako yun) nanlambot ako. Matagal na akong curious sa bahay nayon at sa panaginip kong paulit ulit. Kaya dinako nag dalawang isip na tanungin ang mga katabing bahay at harap ng bahay nayon.

Fast forward
   Tinanong kona lahat pero di nila kilala yung nakatira doon,  nan lumo nako sa oras nato at chat ng chat nadin asawako at yung seller.  Bigla sabi nung nag titinda ng lugaw "don mo itanong sa sari sari store nayon matagal nayun nakatayo baka alam nila "  dali dali ko pinuntahan kahit medyo malayo sa bahay , mga pang apat na bahay. Pag dating kodon bumili ako ng soft drinks kaso bata ang tindera. Mga 14years old lang ata yun. Pero hindi ako nawalan ng pag asa tinanong koparin siya.

Ako:  hi, may itatanong sana ako wag ka sana matakot sakin.
Siya: Ano po yon?
Ako: nakikita moba yung bahay na puti nayon yung malaki at luma. Kilala moba nakatira doon?
Siya: Ay hindi po e. Matagal napo yan jan wala naman po ata may ari nyan .

This time nang hina na loob ko..
Hayaan konalang sana. Pero ang Tadhana na siguro nag pasiya na need kona malaman ang totoo. (  bigla lumabas yung lola ng bata galing sa loob ng tindahan)

Lola:  Bakit nak? Bakit mo tinatanong yung bahay nayon?
( Dali dali akong sumagot sa tanong nya)
Ako: Po? Sobrang haba po ng kwento pero alam niyo po ba sino nakatira don?
Lola: 84 anyos na ako . Bata palang ako nanjan nayan hindi kona  na maalala edad ko non pero nasa 20 ata ako non nung may pinatay na batang 8 years old jan. Kaya yung iba lilipat pa sa kabilang daan wag lang dumaan sa gate nayan.  Tsaka bakit mo naitanong nak?
Ako: ( nabitawan ko yung softdrinks at sobrang na gulat halos maiyak at matulala ako ) "seryoso poba kayo lola? Hindi poba kayo nag sisinungaling? " Yan ang mga nasabi ko sa sobrang gulat ko! At sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Dahil nag start ko siya napanaginipan 8 years old ako nun tandang tanda ko at diko makakalimutan yun .
Lola: bakit naman ako gagawa ng kwento? Kilala yang bahay nayan kaso konti nalang nakakaalam ng kwento dahil sobrang tagal na. Tsaka bakit moba naitanong? Sobrang tagal na walang nakatira jan. Nasa singkwenta anyos  palang ata ako wala na nakatira jan kasi yung mag asawa umalis najan pero di ata nila binenta yan , hindi pinakulong ng asawa nya yung tatay ng bata,  Basta nalang sila umalis. Tapos non wala na , ganyan na siya.
Ako:  Alam niyo poba  kung paano pinatay yung bata? ( Diko alam bakit ko tinanong basta ayan lumabas sa bibig ko)
Lola: Sinaksak  yung puso nung bata , kutsilyo daw ang ginamit  . Pero,   ang sabi naman ng iba noon, ang kinamatay ataki sa puso! Pero ako hindi ako naniniwala. Alam namin dito pinatay talaga! Dahil may sakit daw sa ulo yung bata kaya pinatay nalang.
Ako: (hindi ako nakapagsalita,  napaupo lang ako at bigla huminga ng malalim. Dahil may balat ako sa ilalim ng nipple ko . (Boobs) Nung bata ako dati kala ko dumi siya or libag lang  Since birth ang balat ko, at may problema sa heart ko may nakabara dahil hirap ako huminga kaya ever since excepted ako sa P.E . Tapos ang anak ko pinanganak kodin na may balat sa dibdib. Hindi kona kinuwento kay lola yung panaginip ko pati ang balat ko gusto konalang umalis sa oras nato)
Lola: Bakit mo naitanong? Kilala moba yang may ari? Matagal nadin simula nung may nag tanong jan sa bahay nayan, pero iba iba naman kwento basta ako alam ko yan yung totoong nangyari.
Ako: salamat po lola sobrang salamat po.

  Umalis nako at binalikan yung bahay nag paalam ako sa bahay kahit kinikilabutan ako sabi ko sa bahay " please kung ano man ang koneksyon natin ayoko na , natatakot naako. Gusto konang matahimik. Sana ganon kadin" umalis nako tumakbo ko papunta don sa pilahan ng tricycle kukunin kopa yung order ko! Kinikilabutan ako habang papaalis na feeling ko may nakatingin sa akin papalayo.

Fast forward
  Di naalis sa isip ko ang nangyari nayon , kung ano ano na ang naiisip ko. Miske kahit kanino na feeling ko papatayin ako. Sasaksakin kaya nag pa psychiatrist ako. Sinabi ko lahat binigyan ako ng medisina dahil nag kaka roon naako ng panic attack. Ultimo kutsilyo ayoko mahawakan or kahit makita. Hanggat may nag payo saakin na kalimutan at i let go na lahat ng nakaraan.
At nabuntis ulit ako sa pangalawa ko. Don kona nabaling lahat ng atensyon ko sa dalawang bata halos wala naako iniisip kundi silang dalawa lang, now 24years old nako. 4 years nadin ang nakalipas. Simula nung nalaman kona yung storya ng bahay nayon at nakita kona yung bahay,  never kona siya napanaginipan as in never! Ultimo anino wala na! Sana mag tuloy tuloy na to. I have heart problem , at mayron balat sa dibdib malapit sa heart. Feeling ko ako talaga yung bata. Hindi siguro feeling. Ako talaga yun.

-A.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now