Exodus 11: Zoey In The Bottle

3.4K 75 2
                                    

Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang pinasok namin na secret passage. Is this for real or I'm just having a dream?
 
Nandito na kami ni Mikaela sa ibaba ng pintuan na natuklasan namin kanina sa kuwartong pinasukan para hindi kami makita ni Zoey.
 
Tila isang lumang bodega ang pinasok namin. Buti na lang at may dala akong maliit na flashlight sa aking bulsa. Sa tulong ng aking flashlight ay nakita namin ni Mikaela ang nakakahindik balahibong shelves sa pader na may samu't sari na mga body organs. Hindi ko alam kung sa tao ba ito galing o baka sa mga hayop.  Nakakasuka. Ito rin ang nakita kong mga body organs na nakalagay din sa loob ng mga bote sa isang kuwartong pinasukan ko ng isang beses.
 
Naglakadlakad ako umaasa na makikita ko ang switch on button ng ilaw sa kuwartong ito.
 
"Nakakadiri. Bakit may mga ganitong klaseng bagay sa hotel ng Villa Exodus Resort?" Nagtatakang sabi ni Mikaela. Mayamaya pa ay may nakita akong switch sa pader. Pinindot ko ito. At sa wakas nagkailaw na rin sa buong kuwarto. Pero isang nakakagimbal na bagay pala ang amin matutuklasan.
 
May nakita kami ni Mikaela na isang mahabang lamesa. May nakapatong sa ibabaw nito na iba't ibang uri ng halaman dahon. Mga karayom. Itim na mga kandila. At mga manyika. Parang voodoo dolls ng isang mangkukulam. Hanggang sa biglang napabalikwas ako sa tabi ni Mikaela. May naulinigan akong boses ng babae. Isang pamilyar na boses. Parang nanggagaling ito sa kabilang shelves sa tabi ng isa pang shelves na may mga boteng naglalaman ng mga body organs kagaya ng puso, atay, mga eye balls at marami pa.
 
Ang nakakapagtaka naman sa shelves na ito ay may talukbong ng isang puting tela na satin ang nakatakip dito.
 
Lumapit ako sa shelves at biglang napaatras nang marinig kong dito nanggagaling ang boses.
 
"Mikaela naririnig mo din ba iyon?" Tanong ko kay Mikaela.
 
"Oo." Bulong niya.
 
Lumapit ulit ako sa shelves at lakas loob kong hinila ang puting telang satin na nakasaklob dito. Sa pagkakatanggal ng tela ay sumambulat sa amin ni Mikaela ang daan-daan mga piraso ng bote sa shelves na nag lalaman ng mga maliliit na nilalang.
 
"Ell! Mikaela! Tulungan ninyo ako!" Dinig namin na nagmumula sa isang bote. Pinagmasdan ko ang boteng iyon at namilog ang aking mga mata sa nakita. Nasa loob ng boteng iyon si Zoey!
 
"My God! Ano ang ginagawa mo diyan Zoey? Paano ka napunta diyan?" Bulalas ni Mikaela. Ako naman parang naparalisa sa aking kinaroroonan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita.
 
"Tulungan ninyo ako! Ikinulong niya ang kaluluwa ko sa bote na ito! Ayokong makulong nang habang buhay dito! Do something guys!" Nagmamakaawang sabi ni Zoey sa amin.
 
"Paano ka nakulong diyan? And who is the Zoey that we saw a while ago?" Nagugulumihan sabi ni Mikaela kay Zoey.
 
"Hindi ako iyon. May nanggagaya lang sa akin para mapagkamalan ninyo na ako. Nangongolekta sila ng kaluluwa ng mga mortal beings na kagaya natin. They are not real humans. They want to create a new world in exchange of collecting human souls that will soon offer to their own god!" Saad sa amin ni Zoey.  "At ang nag kulong sa akin dito pati sa iba pang mga human souls na nasa loob ng mga bote ay walang iba kundi si Kai. Sa oras na nakakolekta na siya ng limang daan na kaluluwa na nakakulong na sa bote iyon na ang hudyat para muling maibalik niya ang nawawalang pahina sa aklat ng propesiya at tuluyan na rin sasakupin ng impiyerno o mas tinatawag nilang Devonia ang buong sankatauhan!" Pagpapatuloy ni Zoey. Naramdaman ko naman na nagsipag taasan ang mga balahibo sa akin magkabilang balikat. Dahil sa mga isiniwalat ni Zoey sa amin.
 
"Pero paano mo nalaman ang mga detalye na ito tungkol kanila Kai?" Nagtataka ko naman tanong kay Zoey.
 
"Sa mga ibang human souls na nakausap ko rito simula nang ikinulong nila ang kaluluwa ko sa tinatawag na Devonian Bottled Glass. Mas nauna pa sila sa atin na magbakasyon dito sa Villa Exodus Resort. At wala pa ni isa sa mga bakasyonistang ito na human souls ang nakatakas." Paliwanag naman ni Zoey.
 
Pinagmasdan ko ang daan-daan na mga boteng naglalaman ng mga kaluluwa ng ibang taong naunang nagbakasyon na sa Villa Exodus Resort. May ibang tumatangis ng pag iyak. Nagagalit. May ibang pilit sinusuntok ang boteng salamin nagbabakasakaling mabasag para makawala sila.
 
"Tulungan ninyo kami!"
 
"Pakawalan ninyo kami rito!"
 
"Maawa kayo sa amin!"
 
Ang daming mga boses ng mga kaluluwang nakakulong sa loob ng mga bote na humihingi ng saklolo sa amin. Nakakabingi sila. Sabay-sabay na nagsasalita.
 
Nang biglang nagkatitigan kami ni Mikaela. May narinig kami na yabag ng mga paa. Mukhang may papunta ngayon sa loob ng silid na ito. Nagmadali kami ni Mikaela na sakluban ng puting telang satin ang mga bote sa shelves. Nagtago kami sa ilalim ng mahabang lamesa.
 
"Kinakabahan ako Ell." Bulong sa akin ni Mikaela.
 
"Ako rin kinakabahan at natatakot na." Tugon ko sa kanya.
 
Naramdaman kong nanginginig na sa takot si Mikaela. Inakbayan ko na lang siya sa balikat. Hanggang sa may narinig kami na kumalampag nang napakalakas. Ang pintuan ng silid. Sa pagbukas ng pintuan ay iniluwa nito sina Kai at ang bellman na si Lay. May mga hinihila silang pitong itim na sako.
 
"Lay, ibaba mo na rito ang mga sako. Siguraduhin mong nakatali ng maayos ang mga nasa loob niyan. Baka matakasan pa tayo ng mga iyan." Maawtoridad na sabi ni Kai kay Lay.
 
"Opo, kuya Kai." What? Totoo ba ang narinig ko? Tinawag ni Lay si Kai na kuya? Magkapatid pala sila. At bakit pinapasigurado ni Kai dito kay Lay na dapat nakatali ng maayos ang mga nasa loob ng sako. Bigla akong kinabahan. Hindi kaya ang nasa loob ng mga sako ay---hindi masyado lang akong paranoid. Hindi maari ang iniisip ko na baka ang nasa loob ng mga itim na sako ay walang iba kung hindi ang amin mga kaibigan.
 
"Ilalabas na ba natin sila para masimulan na ang orasyon?" Tanong ni Lay kay Kai.
 
"Mamaya na. Hanapin muna natin ang dalawa pa nilang kasamahan. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan ng babae ay Mikaela at ang lalaki naman ay nagngangalan na Ell."

Exodus (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें