Exodus 17: Nostalgia

3.1K 67 0
                                    

Kasama ko ngayon si Ayesa na naglalakad sa hallway ng Fire Castle Institute of Learning. Maayos na ang pakiramdam ko kaya pinayagan na ako ng nurse na makalabas ng clinic.
 
Habang naglalakad sa hallway napansin kong puro berde lahat ng bagay. Ang mga pader, kisame, classroom ng mga estudyanteng nag aaral sa Fire Castle Institute of Learning at kung anu-ano pa.
 
"Ayesa, curious lang ako. Bakit puro berde ang halos lahat ng mga bagay sa Fire Castle Institute of Learning?" Tanong ko kay Ayesa.
 
"Ah, iyon ba? Green minded kasi ang founder ng Fire Castle Institute of Learning hahaha!" Natatawa niya na sagot sa akin. "Joke lang haha. The real reason kung bakit green ang motive ng institute,  green color signifies wealth, power, vigor, knowledge, and youth."
 
Iyon pala ang dahilan kung bakit green ang motive color ng Fire Castle Institute of Learning.
 
Dadalhin ako ngayon ni Ayesa sa dean ng institute para malaman kung ano ba ang dapat gawin sa akin lalo na't nagpanggap ako na may amnesia.
 
"Medyo may kalayuan pa Migz ang opisina ng dean namin." Sabi sa akin ni Ayesa.
 
"Ayos lang." Sabi ko sa kanya na may kasamang matipid na ngiti.
 
Habang naglalakad ay may nakasalubong kami na isang lalaki na mabilis na tumatakbo. Mukha siyang nerdy guy. May makapal na salamin sa mga mata at may daladalang patong-patong na mga aklat sa kanyang dibdib. Mukhang may humahabol sa kanya. Hanggang sa may narinig na kami ni Ayesa na mga yabag ng paa at sigawan ng boses.
 
"Ayun siya!" Sigaw ng lalaking may payat na pangangatawan.
 
"Bilisan natin baka matakasan tayo ng lampa na iyan!" Sigaw naman ng lalaking napakataba na tatawatawa pa.
 
Apat silang mga kalalakihan. Batid kong mga estudyante rin sila rito sa institute. Mukhang hinahabol nila yung nerdy guy na nakasalubong namin kanina.
 
Hanggang sa bigla na lamang napansin kong nagsipag lutangan sa ere ang apat na estudyanteng humahabol kay nerdy guy. Nakita ko naman si Ayesa na nakataas ang isang kamay sa ere. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong pinapalutang sa ere ni Ayesa ang apat na estudyante.
 
"Kayong apat na naman? Binubully ninyo na naman si Zayne? Gusto ninyo ba na dalhin ko kayo ngayon sa disciplinary office ng institute nang sa ganun ay ipatawag ang mga magulang ninyo?" Maangas na turan ni Ayesa sa apat na estudyante.
 
"Hindi na po! Hindi na po!" Sagot ng matabang lalaki.
 
"Siguraduhin ninyo lang. Dahil kapag nahuli ko pa kayo na binubully si Zayne alam ninyo na ang mangyayari." Banta ni Ayesa. Tumango naman ang apat na estudyante kay Ayesa. Pagkatapos ay dahan-dahan na ibinaba na ni Ayesa ang apat na estudyante sa sahig ng hallway at nagsipag tagbuhan na ang mga ito papalayo sa amin.
 
"Cool. Paano mo iyon nagawa?" Namamangha kong sabi kay Ayesa.
 
"Telekinesis." Sagot niya sa akin.
 
"Lahat ng estudyante na nag aaral dito sa institute ay may iba't ibang kakayahan." Sabi ni Ayesa. "Si Zayne yung estudyanteng mukhang nerd na hinahabol kanina ng mga bully, we have the same power. However he doesn't show it to anyone. Only me and the admin of Fire Castle Institute of Learning knows his power." Kuwento pa ni Ayesa.
 
"Pero bakit?" Nagtataka kong tanong.
 
"Ayaw niya lang. He's coward to show what he have. Kaya iyan madalas binubully siya ng iba niyang classmates. Nagtataka kasi ang iba kung paano nakapasok ng institute si Zayne mukha naman daw kasi siyang pangkaraniwan tao unlike the other students here that have peculiar powers."
 
Bigla akong nawirduhan sa mga sinasabi sa akin ni Ayesa.
 
Ganito ba talaga ang mangyayari 30 years from the present? Nanggaling ako sa taong 1999 and I assumed that I am already at the year 2029. Pero paano nagkaroon ng mga kakaibang kapanyarihan ang ibang tao sa future? May kinalaman kaya ang nawawalang pahina ng epilogo rito? Ang dami na naman ulit tumatakbong mga katanungan sa aking isipan.
 
Naiba naman bigla ang takbo ng isip ko nang may maulinigan akong boses ng isang babae na kumakanta kasabay ang isang piano. Mukhang nanggagaling ito sa susunod na kuwartong amin madadaanan ni Ayesa.
 
"Wise men say only fools rush in. But I can't help falling in love with you. Oh shall I stay, would it be a sin. Oh if I can't help falling in love with you..."
 
Ang ganda ng boses niya. Ang lamig sa tainga. Sino kaya ang nag mamay ari ng boses na iyon?
 
"Oh like a river flows surely to the sea. Darling so it goes some things are meant to be..."
 
Habang pinapakinggan ko ang boses may naalala akong biglang isang tao. Ganyan na ganyan din ang kanyang boses kapag kumakanta.
 
"Gusto mo muna sumilip sa classroom na iyon?" Tanong sa akin ni Ayesa.
 
"Okay lang." Sagot ko sa kanya.
 
"Take my hand, take my whole life too. Oh for I can't help falling in love with you..."
 
Ang boses na iyon katulad sa boses ni Mikaela. Hindi kaya---naku imposible ang iniisip ko. Hindi maari na nandito rin si Mikaela. Malamang nagkataon lang na mag kaboses sila ng kumakanta.
 
Nasa labas na kami ng classroom. Nakasilip kami ni Ayesa sa may pintuan.
 
"Ang ganda ng boses niya no." Puri ni Ayesa sa kumakanta. Tumango lang ako sa turan niya.
 
Tila napatanga naman ako sa aking kinakatayuan. Yung babaeng kumakanta kasi hindi niya lang kaboses si Mikaela, kamukha pa niya ito!
 
"Sino siya?" Tanong ko kay Ayesa habang nakatuon ang buong atensyon ko sa kumakanta.
 
"Siya si Helen. Her power is to possess people using her voice that seems like a liquid gold because of its beauty." Sagot sa akin ni Ayesa.
 
Para silang pinagbiyak na bunga ni Mikaela. Magkamukhang-magkamukha talaga sila pati ang magandang boses ay pareho rin.
 
Natapos na rin sa pagkanta si Helen. Nagsipag tayuan naman ang mga estudyante sa loob ng classroom at ginawaran si Helen ng masigabong palakpakan.
 
"Tapos na. Tara na ulit sa office ng dean para makilala ka na niya. Kanina pa siya nag hihintay sa atin."
 
"Sige." Sagot ko at nagpatuloy na kami muli sa paglalakad sa hallway.
 

Exodus (Completed)Where stories live. Discover now