Chapter 29: Is this the Epilogue?

4.5K 84 10
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nang natalo at napatay ni Zayne si Kai.
 
Maraming namatay at napinsalang mga istruktura sa Fire Castle Institute of Learning. Pero dahil sa mga makabagong kagamitan dito ay agad naitayo muli ang mga gumuhong gusali at ibang parte ng institute.
 
Bumalik na rin ang dati kong sigla at lakas. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Buti na lang iniligtas ako ng halo. Si Zayne.
 
Ipinagtapat ko na rin kanila Zayne ang totoo kong pagkatao at kung paano ako napunta sa institute. Sinabi ko na nasa isang misyon ako. Nagmula talaga ako sa taong 1999. Ang tunay kong pangalan ay Ell. Noong una ay sobra silang nagulat sa aking mga kinuwento. Natakot pa nga ako na baka kapag nalaman nila ang katotohanan sa aking pagkatao ay magalit at paalisin nila ako sa institute. Pero tinanggap pa rin nila ako. Totoong kaibigan na ang turing nila sa akin.
 
Dahil sa nabunyag na rin ang totoong kapanyarihan ni Zayne sa amin lahat ay mas naging bukas pa siya sa amin sa maraming bagay. Pinayagan na rin siya ni Mr. Light na gamitin ang kanyang kapanyarihan. Kinuwento niya rin sa akin na sa kanyang panagip ay parating may nakikita siyang lalaking may hawak ng setro. Nagpakilala ang lalaki na Elijah. Kabilinbilinan sa kanya ng Elijah na kapag may nangyaring hindi maganda ay isigaw niya lang ang salitang Exodus. 'Yon nga ang ginawa ni Zayne nang pinakawalan niya ang kanyang kapanyarihan ng nag tapat ang mga kapanyarihan nila ni Kai. Malakas ang kutob ko na ang lalaking nagpakita sa panaginip ni Zayne ay ang ama niya na si Haring Elijah ng kaharian ng Exodus. Siguro ginagabayan lang siya ng kanyang ama sa panaginip.
 
Sinabi rin sa akin ni Zayne na may kapanyarihan din siyang gumawa ng itim na portal kagaya ng kay Cassiopeia. Tinanong niya ako kung gusto ko pa bumalik sa panahon na aking pinanggalingan. Tutulungan niya daw ako na makabalik sa totoong panahon na dapat kong kinabibilangan. Pero sabi ko sa kanya hindi na kailangan. Wala na rin akong babalikan sa totoong panahon ko. Wala na ang mga kaibigan ko at ang babaeng pinakamamahal ko. May bago na akong buhay ngayon sa hinaharap. Mas nanaisin ko pang mabuhay sa hinaharap at makasama ang mga bago kong kaibigan na sina Zayne, Ayesa, at Helen.
 
Kung minsan sinisilip ko pa rin ang panahon na dapat kong kinaroroonan ngayon sa tulong ng kuwintas na ipinagkaloob sa akin ni Cassiopeia.
 
Nakahiga lamang ako ngayon sa kama habang nakikinig sa makabagong computer na tinatawag nilang tablet sa future. Eto nag so-soundtrip lang ako ng mga kanta ng paborito kong banda ng Eraserheads habang sinasabayan sa pagkanta.
 
"May isang umaga, na tayo'y magsasama. Haya at halina sa alapaap. O, anong sarap, haa..."
 
Habang sinasabayan ang kanta ng Eraserheads ay biglang bumukas ang pintuan. Nakita kong iniluwa ng pintuan si Zayne.
 
"Hanggang sa dulo ng mundo. Hanggang maubos ang ubo. Hanggang gumulong ang luha. Hanggang mahulog ang tala..."
 
"Ell, pinapatawag ka ng dean sa kanyang opisina." Sabi sa akin ni Zayne.
 
"Bakit daw?" Nagtataka kong tanong kay Zayne.
 
"Hindi ko alam. Pumunta ka na lang."
 
"Ngayon na ba mismo?"
 
"Oo."
 
Tumayo na ako ng kama at pinatay muna ang sound ng tablet. Lumabas na ako ng kuwarto at papunta na sa opisina ng dean.
 
Habang naglalakad sa hallway ay napapaisip ako ng malalim kung bakit ako pinapatawag ni Mr. Light.
 
Bakit kaya?
 
Ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng opisina ni Mr. Light. Hindi ko alam kung kakatok na ba ako sa pinto.
 
Kakatok na ako siguro. Ayoko na patagalin ito para malaman ko na ang dahilan kung bakit ako ipinapatawag ni Mr. Light.
 
Kumatok na ako ngunit walang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob at sinubukan ipihit ito. Hindi ito nakalock. Binuksan ko na ang pinto. Sa pagkakabukas ko ng pinto ay bigla akong napakunot ng noo. May narinig kasi akong tugtog na kanta ng Erasherheads sa opisina ni Mr. Light.
 
"Alapaap." Bulong ko sa aking sarili. Iyon ang kanta ng Eraserheads na pinakikinggan ko kanina.
 
"Masdan mo ang aking mata. 'Di mo ba nakikita. Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama?"
 
"Mr. Light nandito na po ako. Pinapatawag ninyo daw ako." Nakatalikod na naman ulit si Mr. Light habang nakaupo sa kanyang swivelling chair.
 
"Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya. Hindi mo na kailangan humanap ng iba. Kalimutan lang muna ang lahat ng problema. Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na. Handa na bang gumala..."
 
"Ang ganda ng kanta no." Bigla kong narinig na sabi ni Mr. Light.
 
"Alam mo paborito kong kanta ang Alapaap pati na rin ang bandang kumanta nito na Eraserheads." Pagpapatuloy ni Mr. Light.
 
"Ako rin po paborito ko rin ang kantang iyan pati ang banda ng Eraserheads." Tugon ko sa kanya.
 
Ang weird ng feeling habang kausap ko ngayon si Mr. Light. Parang may kakaiba sa kanya.
 
"Ahhhhmn, Mr. Light bakit ninyo nga po pala ako pinapatawag?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na bigla siyang tumayo sa kanyang swivelling chair at humarap sa akin.
 
"Salamat." Bigla niyang sabi na may kasama pang ngiti. Katulad ng dati may suot pa rin siyang maskara sa kanyang mukha.
 
"Bakit kayo nagpapasalamat sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanya.
 
"Salamat kasi nagawa mo ang hindi ko nagawa noon." Mas nawiwirduhan na ako ngayon kay Mr. Light. Hindi ko na maintindihan ang kanyang sinasabi sa akin.
 
"Hindi ko po kayo maintindihan Mr. Light." Kunot noo kong sabi sa kanya.
 
Napansin ko naman na biglang itinaas ni Mr. Light ang kanyang dalawang kamay sa mukha niya. Dahan-dahan niya na hinubad ang kanyang suot na maskara. Bigla naman akong napaatras sa gulat nang masilayan ko ang mukha ninya na matagal ng ikinukubli ng maskara.
 
"Nagulat ka ba Ell?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
 
"Paano? Imposible ito. Ikaw...." Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.
 
"Ikaw ay ako..." Pagpapatuloy niya sa aking sasabihin dapat.
 
Si Mr. Light ay walang iba kundi ako rin pala. Siya ako 30 years from the future.
 
"Ang weird." Hindi ko makapaniwalang sabi.
 
"Weird nga siguro para sa'yo Ell. Pero maniwala ka matagal ko nang hinihintay ang pagdating mo sa panahon namin sa hinaharap." Sagot niya sa akin.
 
"Noong napunta ako sa institute parati kong iniisip kung nasaan ang Ell na 30 years from the future na version ko. Hindi ko alam na malapit ka lang pala sa akin. Hindi ko alam na ikaw pala ang nagtatag ng Fire Castle Institute of Learning." Saad ko kay Mr. Light.
 
"Natutuwa ako at nagkita tayo. Salamat din at napagtagumpayan mong mahanap ang nawawalang halo na si Zayne kahit hindi na muli pang nabuo ang aklat ng propesiya dahil sa nawawalang epilogo. At dahil sa tulong mo ay nagising ang kapanyarihan ni Zayne para tapusin ang kasamaan ni Kai."
 
"Hindi ba maaapektuhan ang panahon na pinanggalingan ko kasi hindi na ako babalik?"
 
"Hindi naman. Ang bawat oras ay may tinatawag na kanya-kanyang time space. Ang bawat time space ay may kanya-kanyang version ng isang Ell. Maari sa time space na pinanggalingan mo ay wala ng Ell na nag e-exist dahil pinili mo ng mabuhay sa time space na ginagalawan mo ngayon. At dahil hindi nabuo muli ang aklat ng propesiya sa pamamagitan ng pahina ng epilogo na ninakaw ni Enrys sa antique shop ay wala ng matatag pang Fire Castle Institute of Learning sa time space na pinanggalingan mo Ell. Wala na rin tatawaging mga nilalang na sphinx sa time space mo." Salaysay niya sa akin. Nalilito at naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi.
 
"Bakit ang dami mong alam? Naguguluhan ako." Sabi ko sa kanya.
 
"Marami akong nalalaman dahil pinagdaanan ko na ang time space kung saan naging 21 years old din ako at naranasan ang mga nangyari na sa'yo Ell. Ang pinagkaiba nga lang natin ay nagtagumpay akong maipatak ang dugo ng halo sa nawawalang epilogo kung kaya ay nalikha muli ang aklat ng propesiya noon. Ngunit winasak rin ng halo na si Zayne sa nakaraan ang aklat ng propesiya na naging sanhi ng kamatayan ni Kai. At lumikha nang napakalaking pagsabog ang ginawang pag wasak ng halo sa aklat ng propesiya noong 1999. Dahil sa pag sabog na ito ay maraming natamaan na mga tao at namatay. May ibang masuwerteng nakaligtas at nagkaroon ng kakaibang kapanyarihan na isinabog ng aklat ng propesiya. Pero iba ang ginawa mo Ell. Gumawa ka ng panibagong kasaysayan. Napanatili mo ang normal na sirkulasyon ng buhay ng mga tao sa iyong time space na pinanggalingan." Paliwanag niya.
 
"Medyo nalilito pa rin ako." Sabi ko habang napapakamot sa aking ulo.
 
"Huwag kang mag alala Ell normal lang iyan nararamdaman mo. Masasanay ka rin sa bagong buhay na meron ka na ngayon sa future. Mas marami kang matutunan na bagay sa mga darating pang araw ng iyong buhay." Sagot sa akin ni Mr. Light.
 
Napakamot na lang ulit ako sa aking ulo. Naguguluhan pa rin ako kahit ipinaliwanag na sa akin ni Mr. Light ang lahat.
 
Nag paalam na ako kay Mr. Light na babalik na ako ng kuwarto.
 
Paglabas ko ng dean's office ay napabuntong hininga na lamang ako at biglang natawa.
 
Naisip ko nakakabaliw din pala ang feeling ng makipag usap sa mas matandang version ko dito sa future. Pero sorry na lang kay Mr. Light mas guwapo pa rin ako sa kanya kahit iisa lang kami haha.
 
Gagawa ako ng panibagong kuwento ng aking buhay dito sa hinaharap.
 
Bagong prologue pero ano kaya ang magandang epilogue?
 
Bahala na haha!
 

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon