Exodus 18: Dean

2.9K 66 0
                                    

"Handa ka na ba Migz? Bubuksan ko na ang pinto ng dean's office." Tanong sa akin ni Ayesa.
 
Nandito na kami sa labas ng opisina ng dean.
 
Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit.
 
"Oo, handa na ako Ayesa." Sagot ko kay Ayesa.
 
Hinawakan na ni Ayesa ang doorknob ng pinto at pinihit na ito. Habang pinipihit ni Ayesa ang doorknob ay pakiramdam ko tila nag slow-motion ang lahat. Hindi ko alam kung bakit. Ang weird ng pakiramdam ko. Hanggang sa tuluyan nang nabuksan ni Ayesa ang pinto ng dean's office.
 
Unang humakbang papasok ng opisina mula sa pintuan si Ayesa.
 
"Good afternoon Dean! Nandito na ako kasama si Migz yung lalaking nakita kong walang malay sa garden." Rinig kong sabi ni Ayesa. Hindi pa rin ako pumapasok sa opisina hanggang sa tinawag na ako ni Ayesa para pumasok.
 
Nakayuko akong pumasok ng dean's office. Nang nasa loob na rin ako ng opisina ay nakita kong may swivelling chair na nakatalikod sa amin. May lalaking nakaupo rito. Malamang siya ang dean. Bigla naman itinaas ng dean ang kanyang kaliwang kamay at sumenyas ito. Bumulong naman sa akin si Ayesa na lalabas muna siya ng opisina.
 
"Labas muna ako. Hintayin na lang kita sa labas ng pintuan. Gusto ka makausap ng dean na kayong dalawa lamang." Sabi ni Ayesa.
 
"Sige."
 
Lumabas na si Ayesa at sinarado na ang pinto. Nabalot bigla ng katahimikan ang buong opisina. Hanggang sa narinig ko nang nagsimula mag salita ang dean na bumasag sa katahimikan sa loob ng opisina.
 
"Maligayang pagdating sa Fire Castle Institute of Learning. Ako nga pala si Mr. Light ang dean at founder ng buong institute." Pakilala niya sa akin. Nakatalikod pa rin siya sa kanyang upuan.
 
"Maari mo bang ipakilala ang iyong sarili binata?" Tanong sa akin ng dean.
 
"Ako po pala si Migz. Ahhhmn, pasensya na po pero wala akong matandaan na kahit ano. Nagka-amnesia po ako simula nang magkamalay na sa clinic." Pagpapakilala ko naman sa dean.
 
Pagkatapos ko magpakilala ay biglang tumayo ang dean sa kanyang upuan at humarap. Sa kanyang pagharap sa akin ay nakita kong may suot siya ng isang puting maskara na tanging natatakpan ang kanyang mga mata.
 
Naglakad papalapit sa akin ang dean. Habang naglalakad papalapit sa akin ang dean ay napansin kong nakasuot pala siya ng amerikanang itim at kurbata na kulay asul. Saka itim na pantalon na may makikintab na isang pares ng itim na sapatos.
 
Nang nakalapit na siya sa akin ay nag lakad naman ang dean ng paikot sa akin. Napansin kong malalim ang tingin ng kanyang mga mata sa akin. Mas lalo tuloy ako nakaramdam ng kaba sabay lunok ng aking laway sa lalamunan.
 
"Nararamdaman kong may kakaiba sa iyong aura Migz." Seryosong sabi sa akin ng dean nang biglang hinawakan niya ang pendant ng suot kong kuwintas. Pinagmasdan niya ito at matapos ang ilang segundo ay binitawan na rin ito.
 
"Maganda ang suot mong kuwintas Migz. Ingatan mo iyan. Mukhang walang katulad iyan." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay naglakad na siya pabalik ng kanyang swivelling chair at naupo na muli.
 
Nahihiwagaan ako kay Mr. Light. Nararamdaman kaya niya na dayo lamang ako? Na hindi talaga ako nag mula sa kanilang panahon? Sa hinaharap?
 
"Paaalisin ninyo na po ba ako Mr. Light sa institute?" Tanong ko sa dean.
 
Napansin ko naman na hinawakan niya ang isang ballpen sa kanyang desk at nilaro-laro ito sa kanang kamay. Bumuntong hininga ito at tila nag iisip ng malalim.
 
"Hindi. Dumito ka muna Migz. Nararamdaman kong may dahilan kung bakit ka napadpad sa aking institute. Kahit wala kang maalala tungkol sa iyong katauhan nararamdaman kong may tinataglay kang kakaibang kapanyarihan na ikaw lamang ang meron." Sagot niya sa akin.
 
Binanggit ni Mr. Light na may tinataglay akong kapanyarihan? Hindi kaya ang nararamdaman niyang kapanyarihan ay yung sa suot kong kuwintas na ibinigay sa akin ni Cassiopiea?
 
"Sige, lumabas ka na muna at pakitawag si Ayesa." Utos niya sa akin. Lumabas naman na ako ng opisina. Pagkalabas ko ng opisina nakita ko si Ayesa na hawak ang malapad na bagay na may malaking monitor. Pinipindot-pindot niya ito.
 
"Ayesa pinapatawag ka ng dean." Sabi ko kay Ayesa nang nakalabas na ako.
 
"Sige, hintayin mo lang ako rito sa labas. Pakihawakan din muna itong iPad Mini 300 Titus ko." Sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang kanyang gamit.
 
Habang hinihintay si Ayesa sa labas ng opisina ay hindi ko maiwasan maintriga sa hawak kong bagay. Ang lapad naman ng monitor nito. Parang computer. Hindi kaya ganito na ang magiging bagong anyo ng mga computer sa future? Mukhang marami pa akong bagay na dapat matutunan dito sa future para madali ako makipag sabayan sa kilos ng mga ibang taong nabubuhay dito.
 
Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na rin ng kuwarto si Ayesa. Ibinalik ko na kay Ayesa ang kanyang gadget.
 
"Thanks." Sabi ni Ayesa nang iniabot ko na pabalik sa kanya ang gadget.
 
"Walang ano man." Sabi ko.
 
"Tara Migz ihahatid na kita sa iyong magiging kuwarto simula ngayon sa Fire Castle Institute of Learning. Huwag ka mag alala hindi ka nag iisa doon. May roommate ka. Si Zayne." Sabi sa akin ni Ayesa. Ibig ba sabihin nito magiging estudyante na rin ako sa institute? At ang magiging room mate ko ay si nerdy guy.
 
"Sige." Sagot ko kay Ayesa.
 
Naglakad na kami ulit sa hallway.
 
Habang naglalakad sa hallway ay nakita namin na tapos na ang klase ng isang classroom. Nagsisipag labasan na kasi ang mga estudyante rito. Nakita ko rin lumabas dito si Helen. Nagkasalubungan kami. Napako naman ang aking tingin sa kanyang maamong mukha. Magkamukha talaga sila ni Mikaela. Hindi ko maipagkakaila.
 
Biglang sumagi naman sa isipan ko ang aking misyon. Dapat sa lalong madaling panahon ay matagpuan ko na ang nawawalang epilogo. Pero mas mapapadali ang aking paghahanap kung mag kukrus na rin ang landas namin ng halo. Ang halo daw kasi ang makakatulong sa akin sabi ni Cassiopeia para matunton ang kinaroroonan ng nawawalang epilogo.
 
Nasaan kaya ang halo ngayon sa future? Si Enrys.

Exodus (Completed)Where stories live. Discover now