Chapter 1B

8.7K 245 6
                                    

Many years later...

"AH! AATAKEHIN ako ng highblood ko sa batang ito, Simon! Nakakahiya!"

Panay ang pagbubusa ng kanyang abwela matapos nilang makapasok sa loob ng entrada ng napakalaking bahay ng mga Welsh... Oh! Hindi talaga iyon bahay dahil palasyo talaga iyon.

Maraming taon na ang dumaan matapos ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ni Sythia. Sa edad na walo ay nawalan siya ng mga magulang na maski bihira niyang makasama, alam niyang mahal naman siya. Kaya sobrang sakit at sobrang traumatic na sa mismong mga mata niya ay nakita ang karumaldumal na pangyayari. Tumatak iyon sa murang isip ni Sythia kaya halos gabi-gabi ay dinadalaw siya ng nakakatakot na eksena.

Ipinagamot naman siya ng kanyang Lolo at Lola. Sa yaman ng mga Welsh, ang pinakamagaling na doktor sa buong bansa ang kinuha para gawing psychological therapist niya. Pero kahit gaano iyon kagaling, hindi noon nagawang gamutin ang sakit, takot at galit na nabuo na sa dibdib niya.

Sa mga unang gabi, sa poder ng kanyang Lola sa mother side, kaunting kislot at kaluskos lang ay napapapitlig siya. Sa gabi ay nagwawala siya at madalas na binabangungot. Hindi din nakatulong ang pakikipag-agawan ng parents ng kanyang Daddy sa kanyang custody. Pero nanalo ang mga iyon dahil mas may pera. May lahing Russian ang kanyang Lolo. Fourth blood na yata ito mula sa mga eldest generation na full-blooded Russian na nakapangasawa ng Pilipina.

Mas maipapagamot daw siya ng mga ito. Hanggang sa pinetisyon na ang kanyang Lola ng kapatid ng kanyang ina at dinala sa New York. Gusto siyang isama ng matanda pero ang Uncle niya ay ayaw. Mayaman naman daw ang kanyang Lolo at lola sa father side, doon nalang siya at mas maibibigay ang kanyang kailangan.

Naiwan siya sa Pilipinas sa poder ng kanyang grandparents sa father side. Akala niya ay talagang nagmamalasakit ang mga ito sa kanya. Pero hindi. Palaging galit ang mga iyon sa kanya kapag hatinggabi na magigising siya at isisigaw ang takot at galit sa lahat ng nangyari sa kanyang mga magulang. Nabubulahaw daw kasi ang mga ito sa pagtulog. Pinapagamot naman daw siya, bakit hindi pa din siya maka-recover sa nangyari. Samantalang ang mga ito ay tapos na sa phase ng pagluluksa sa kamatayan ng kanyang Daddy.

Pinagawan siya ng ibang silid na soundproof para hindi siya makabulahaw sa gabi. Hindi din siya sinasamahan ng mga ito sa therapies niya. Palaging ang katulong. Parang katulad lang din ng sitwasyon sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nalaman lang niya ang dahilan ng pagkupkop ng kanyang grandparents sa kanya ay nang mapanood ang nationwide interview sa mga ito patungkol sa pangyayari. Ayaw ng mga ito na may masabi ang mga tao sa highest society na ginagalawan, kung hindi siya aalagaan.

Isang judge ang kanyang Lolo, politiko at businessman. Maingay ang pangalan lalo at nasa politika. Ang Lola niya ay maraming malalaking business na hindi pa niya noon naiintindihan. Basta ang alam niya, pamilya ng mga magagaling sa negosyo ang pamilya ng Daddy niya. Multi-millionaire ang mga ito.
Kung may ilang taon din ang therapy niya habang nag-aaral at natapos iyon nang mag-highschool na siya. Naging aloof na si Sythia sa mga tao at hindi nakikipagkaibigan. Ayaw niyang makipagkaibigan at napa-paranoid na baka kamag-anak iyon ng mga lalaking naka-bonette at nagnakaw sa bahay nila.
Sinanay na ni Sythia ang sarili na mag-isa at walang may pakialam. Tutal, 'yon naman ang kinamulatan niyang buhay. Pero aaminin niyang madalas ay naiinggit siya sa mga kaklase na may niyayakap na pamilya, kapatid o pinsan.

May tatlo nga siyang pinsan pero mga inis sa kanya. Kakompetensiya ang tingin sa kanya dahil nasa poder siya ng kanilang grandparents. Lagi siyang pinagti-trip-an kapag may mga family gatherings. Madalas pa ay ipinapahiya sa mga bisita.
Kaya nga mas gusto niya ang magkulong sa kwarto kapag may okasyon. Pagod na pagod na siyang maki-mingle sa mga socialite niyang pamilya. Kung pamilya nga iyong matatawag.

San Victorio Doctors 4: Stealing Heart Where stories live. Discover now