Chapter 3B

6.6K 217 2
                                    

YAMOT na napapalatak si Linster. Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa dapat ay meeting place nila ni Mrs. Welsh at ng apo nitong maganda nga, Klepto naman. Medyo naiinis din siya sa sarili na ini-offer pang maging pasyente ang babaeng iyon ng pinsan niya. Ang concern lang naman niya ay ang bracelet. Pero nang makita niya na ganoon nalang ang higpit ng pagkakahawak nito sa bracelet niya, naisip ni Linster na hindi ganoon kadali na maibalik sa kanya ang pag-aari.

So, kung magagawa naman ng pinsan na maging balanse ang utak ng prinsesa ng mga Welsh, may pag-asang mapasakanya ulit ang silver chain bracelet niya.
Dahil sa totoo lang, wala siyang balak na ibenta sa kahit na anong halaga ang regalo na galing pa sa pinakamamahal na ina.
Nag-ring ang cellphone ni Linster na nasa ibabaw ng coffee table. Number ni Mrs. Welsh. Matapos ang magalang na batian ay:

"Wala pa din ba diyan ang apo ko?"

Medyo nagtaka si Linster sa tanong. Hindi ba at ang usapan ay kasama ito ng pasyente?

"More than an hour late na nga po kayo. Nasaan na po kayo, Mrs. Welsh? At ang pasyente niyo?" wary na tanong niya.

"Ah, nandito ako sa office at may biglaan akong importateng aasikasuhin. Pero ipinahatid ko na si Sythia sa driver. Hihintayin niya din kayo after ng consultation so...."

Madami pang sinasabi ang ginang na parang gusto nitong ipaalam na wala namang magiging problema kung hindi nito masasamahan ang apo.
Pero mukhang mali ang palagay nito. Ang mahigit isang oras palang na pagiging late ni Sythia sa usapan ay nagdadala na kay Linster ng madaming alalahanin. Paano kung on the way sa meeting place, may nadaanan ito at napagnakawan? Baka wala siyang kaalam-alam na ang hinihintay pala niya ay laman na naman ng police station.
Bigla tuloy rumagasa sa dibdib ni Linster ang pag-aalala. Hindi na siya mapakali habang naghihintay. Ilang beses na lumipad ang kanyang mga mata sa entrance ng coffee shop.

Na naisip din niyang medyo off yata para maramdaman niya. Hindi naman siya sobrang compassionate na tao. Sakto lang. Pero itong makaramdam siya ng pag-aalala sa isang totally stranger sa kanya, idagdag pa na ninakawan siya nito, at kung tutuusin ay malaking pabor na ang ginagawa... Aba! Eh talaga namang nakakapagtaka. Hindi naman siya talaga dapat na makaramdam ng pagkaaburido habang naghihintay.

Siguro, dapat naiinis siya dahil ang unprofessional naman yata ng mga ito. Siya pa ang pinapaghintay e ang mga ito nga ang may atraso sa kanya.

Patuloy si Linster sa pagtuligsa sa sariling damdamin ng marinig ang ilang beses na pagso-sorry ng ginang. Medyo naaawa siya rito dahil parang puro sakit na yata ng ulo ang ibinibigay dito ng apo. Dahil nga first hand na naranasan niya ang mabiktima ng Klepto na apo ng mga Welsh, na-curious tuloy siya sa magandang babae. Laman pala ito madalas ng mga balita. Pero dahil bihira na nga siyang makapanood ng balita at kulang pa ang oras sa pagbabasa ng mga medical history ng mga pasyente, kasama na ang pag-aaral sa kondisyon ng mga iyon, wala na siyang alam sa mga kasamaang nangyayari sa mundo.

But on the other side, naisip din ni Linster na may pagkakamali ang ginang. Mas mahalaga pa ba dito ang kung anong urgent sa office nito kaysa sa kondisyon ng apo?

"I'll call you again, Doctor San Victorio. Tatawagan ko lang ang driver ng apo ko para alamin kung nasaan na sila---"

Ni hindi na niya naintindihan ang sinasabi ng ginang dahil naagaw na ang kanyang atensyon ng magandang babaeng papasok. Nililipad ng hangin ang alon-alon at brunette nitong buhok habang naglalakad at hinuhubad ang suot na sun glasses. Lalo yata itong gumanda sa mga paningin niya nang sandaling luminga-linga ito sa paligid.

And when she finally found him, their eyes locked. As if he was under her magic spell. Never that he found such beauty as compelling as hers. Sandaling parang tumigil siya sa paghinga at nang makabawi ay agad na nagpaalam sa kausap.

"Nandito na po siya, Mrs. Welsh." aniya sa kausap na agad na ding nagpaalam.

Para namang hindi talaga iyon interesado at pakitang-tao lang ang pagtawag sa kanya.

Huminto ang babae sa tapat niya. Agad naman itong ipinaghila ng upuan ng service crew. Kasunod na iniabot ang menu ng cafe.

"Later nalang." sabi nito sa pinaka-sweet na yatang boses at nginitian ang service crew na bigla nalang umalis.
Sunod nitong binalingan ay siya. Ngumiti din ito ng ubod-tamis sa kanya. At dahil doon, muntik na niyang makalimutan ang pangalan.

Now he knew what pushed him to offer his help. She had this rare charm that no man could ever resist. Ang ganda yata nito ay may witch spell na kung sino man ang tumitig sa makamandag na kagandahan ay hindi basta-basta makakawala.

"So... How are you, Doc?" malambing na tanong nito.

Medyo napaarko ang kilay niya. "Hindi ba ako ang dapat na nagtatanong sa 'yo niyan? Sa ating dalawa ay ikaw ang pasyente." papormal na sambit niya. Naninibago kasi siya sa approach ng dalaga.

She seems different now.
Oo at kahapon lang sila nagkatagpo ng landas nito. Pero sa sandaling mga oras na iyon ay nakita niya ang isang bahagi ng pagkatao nito. Maldita, suplada at hindi madaling pasunudin. Determined din itong hindi pakawalan ang bagay na nagustuhan. Which is, he knew na normal sa isang kleptomaniac.

Pero ibang-iba ang aura nito ngayon kaysa kahapon. She seems friendly. Sweet and nice. Parang submissive din itong tingnan sa paraan ng pagtango-tango nito.

"Well, I am perfectly fine. Naiisip ko nga kung bakit gusto na naman ni Lola na patingnan ako sa doctor. I mean, I regularly attend to my treatment. Hindi din ako uma-absent sa pag-inom ng gamot ko. I don't think I really need a doctor." mahabang sabi nito na hindi naman mahahalata ang pagrerebelde. She is actually calm while talking to him.

Napabuntong-hininga si Linster.

Nah! You really need a doctor, sweetheart.

Mukhang hindi nalang mentally imbalanced ang babae. Mukhang pati ang mood swings nito ay rapid ang pagbabago. Kahapon lang ay para itong handang makipagdigmaan kapag inagaw ang hawak na bracelet. Pero ngayon ay heto at ang sweet and calm kausap.

San Victorio Doctors 4: Stealing Heart Where stories live. Discover now