Chapter 7B

7.3K 232 49
                                    

“KAANO-ANO niyo po ang pasyente?”

Gustong mairita ni Sythia. May pasyenteng iniistima ang nurse pero obviously ay nagpapa-cute ito kay Linster habang nagtatanong ng ilang information. Ngali-ngali tuloy niyang hilahin ang buhok nito.

Nakaupo siya sa hospital bed. Siya ang pasyente pero mas nasa binata ang atensyon ng walangya! Matapos niyang sabihin na ang suspetsa niya ay may UTI na naman siya, hindi na siya binigyan ng atensyon ng nurse.

“Girlfriend ko siya.”

Nanlaki ang mga mata ni Sythia sa narinig na sagot ni Linster. Napansin din niya na napairap ang nurse sa kanya at sandali lang ay mapanghusga na siyang hinahagod nito ng tingin.

Alam na niya kung bakit! Dahil sa sagot ni Linster, malamang na kung ano na ang iniisip ng nurse. Isa kasi sa cause ng Urinary Tract Infection ang pagse-sex after menstruation.

Darn!

Pinamulahan tuloy siya ng mukha. Kung sa inis o pagkapahiya ay hindi niya alam.

“Anong girlfriend?!” asik niya kay Linster para naman malinis na sa utak ng nurse ang malamang ay maduming iniisip nito sa kanya.

Ngumisi bigla si Linster sa pagkairita ni Sythia. Mukhang nahuhulaan nito ang takbo ng sitwasyon. At naaaliw pang sakyan ang panghuhusga ng nurse. Siguro ay dahil humupa na ang pag-aalala nang marinig sa kanya na UTI at hyperacidity ang suspetsa niya sa nararamdaman sa sarili.

“Alangan sabihin kong fiancee eh hindi mo pa tinatanggap ang marriage proposal ko kahit para na din tayong mag-asawa. Sige, miss. Ilagay mo nalang nga na asawa niya ako.” baling nito sa babaeng obvious ang pagpapa-cute.

Napasinghap bigla ang nurse. Parang gusto naman niyang kalmutin ang walanghiyang si Linster pero naramdaman na naman niyang sumasakit ang kanyang tagiliran. Napalamukos ang kamay niya sa bedsheet.

“Miss, nasaan ba ang doktor niyo dito? Baka pwede niyo na akong bigyan ng pain reliever. Masakit na kasi talaga.” Kahit ayaw ni Sythia ay nakikiusap na ang tono niya sa nurse.

May sinabi si Linster sa nurse na pangalan ng pain reliever na suggested nito at sinabing doctor din ito. Siyempre ay hindi naman ito pwedeng basta makialam sa gamot, tutal ay isinugod na siya sa ospital. Nagsu-suggest lang ito. At dahil doon, kuminang na naman ang mga mata ng nurse. Bwisit na bwisit na naman si Sythia na sinasabayan pa ng sama ng pakiramdam..

Pakiramdam niya ay mawawala na siya sa ulirat sa pinaghalo-halong sama ng pakiramdam, kirot, sakit at paninikip ng dibdib. Mataas pa ang lagnat niya at nahihilo siya sa ginagawang pakikipagtalo kay Linster at pagkairita sa nurse.

“I-rate po muna natin Ma'am kung gaano kasakit. From one to ten.” sabi ng nurse at biglang pinukpok ang kanyang tagiliran.

Napaigik sa sakit si Sythia at mahigpit na napahawak sa bedsheet. Ngali-ngali niyang sampalin ang nurse para makaganti man lang sa ginawa nito sa kanya.

Pero alam din naman niya na trabaho lang iyon kaya:
“Ten! Ten na talaga!” sabi niyang napapikit ng mariin.

“Ma'am kapag ten na po, sumisigaw na sa sakit.” giit ng nurse.

Nainis na siya sa nurse. Marunong pa ito sa kanya eh siya itong nakakaramdam. “Ten na nga! Ayoko lang sumigaw pero sobrang sakit talaga.” angil na niya sa nurse at gusto na niya itong sampalin.

Siguro at napansin nito na naiinis na siya kaya nag-record na nga.

Naipaikot ni Sythia ang mga mata. Pansin naman niyang nangingiti si Linster. Pinagtatawanan pa nito ang pagkapika niya. Inirapan nga niya ito.

San Victorio Doctors 4: Stealing Heart Where stories live. Discover now