Chapter 6A

7.1K 209 33
                                    

.
MAGANDA ang umaga ni Sythia. Finally, makakapaglangoy na din siya sa dagat.

Kahapon, hindi siya nakapag-swimming at inapoy siya ng lagnat. May pakiramdam siya na aatake na naman ang UTI niya dahil para na namang red ice tea ang ihi niya. Masakit na din kapag umiihi. Pero sa bukas na siya magpapatingin. Hindi na kasi niya maalala ang gamot na reseta sa kanya dati kaya magpapacheck up nalang ang dalaga. Every two years, nagkaka-UTI siya.

Paano ba naman. Hindi niya maiwasan ang softdrinks. Every meal ay naka-coke siya. Hindi na niya mapigilan. Parang hindi buo ang meal niya kapag wala noon. Pahamak pa ang commercial at parang nang-iinggit. Kaya ayun. Kahit alam niyang bawal na, sige pa din siya.

'Di bale, nakukuha naman sa gamot. Iinom nalang din siya ng madaming tubig. Na actually ay madalas niyang makalimutan. Mabilis makabusog ang coke.
Coke is life!

Papalabas na siya ng front porch nang mapansin ang pamilyar na sasakyan. Vios. Walang may Vios sa pamilya niya na mukhang secondhand pa.

Isa lang namang tao ang nakikilala niya na may ganitong sasakyan.

Bigla siyang inatake ng kaba.
“Beautiful morning!”

Kamuntik nang mapalundag si Sythia sa pamilyar na gwapong timbre ng boses. Sa paglingon niya ay agad ngang nakita ang kanyang kinatatakutan.

But the fright was easily change into heat. Dahil ang maiinit na mga mata nitong humagod sa kanya mula ulo hanggang paa ay parang literal na humahaplos sa kanya. To think that she was almost naked in her skintone two-piece swimsuit. Pakiramdam niya ay para siyang hubad sa mga paningin ng lalaki.

“L-Linster?”

Umarko ang mga labi nito sa isang napakagwapong ngiti. Sabay taas ng mug nito na may lamang umuusok na kapeng-barako.

Nakakagising na ang amoy ng usok ng matapang na kape. Pero mas nakakabuhay ng himaymay ang mga ngiti ni Linster. Kung ganito ba naman kagwapo ang sasalubong sa iyo sa umaga, hindi ba mabubuhay ang iyong...

Takot?

Agad ngang pumaligo ulit kay Sythia ang kaba. Anong ginagawa ng magaling na lalaking ito dito?

“Baka naman mausog ka diyan sa suot mo? Hindi ka muna magkape para mainitan ang sikmura mo. Ang sarap nitong kape na luto ni Aling Josie---”

“Why are you here? Paano ka nakapasok? Bakit ka nila pinapasok? At nakuha mo pa talagang magkape sa bahay ko?!”

Kahit kinakabahan na ay nakuha pa niyang magmaldita at hindi inintindi ang mga pinagsasabi nito.  Nagtatapang-tapangan lang siya pero sa totoo lang, parang umiikot ang utak niya sa pagtataka. Bakit nandito ang magaling na lalaki? Akala pa naman niya ay nakatakas na siya nang kuntsabahin si Doc. Sanchez at bayadan ng malaki para sabihan ang Lola at Lolo niya na pagbakasyonin siya, anywhere she decides. Pwede naman siyang lumabas ng bansa. But she always found her peace in Quezon Province. Sa ancestral house na minana ng kanyang Lola sa ninuno nito kasama na ang farm ng dragon fruits, niyog, mangga at kung anu-ano pang prutas.

She wasn't born as a farmer but she loves the farm. Parang ang tahimik kasi doon at ang simple. Masarap mabuhay ng simple. Kumakain lang tatlong beses isang araw. Naliligo. Naglilibang at lumalanghap ng sariwang hangin. Parang walang nakakatakot sa lugar. Isa pa, may city din naman doon na hindi nahuhuli sa kalakaran ng mundo. Kaya nga naipa-courier niya ang bracelet ni Linster. 'Pinangalan niya lang sa kompanya ng Lolo niya para kunwari, ang mga iyon ang nagsoli. She was so genius, right? Lusot na siya dahil sa accessibility ng probinsya.

Hah! Ang probinsya ay pinaghalong sinauna at modern. Sa mga farms, feeling mo nasa makalumang panahon ka na lahat ng bagay ay simple pero pwede mong mai-enjoy ang city life sa paglabas mo sa kabihasnan.
But anyway. Maibalik nga ang topic kay Linster...

San Victorio Doctors 4: Stealing Heart Where stories live. Discover now