Chapter 7A

6.3K 196 7
                                    

MASAMA ang pakiramdam ni Sythia pero kailangan niyang bumangon para magbanyo.
Pero maski ang pag-ihi ay napakahirap para sa kanya. Sobrang pula na naman ng kulay ng inilalabas ng katawan niya. At napakahapdi ng kanyang harap. Masakit din ang dibdib niya dahil siguro sa hyper acidity. Masakit ang lower back niya, ang tagiliran. Ang buo niyang katawan. Mataas pa ang lagnat niya maski nakainom na ng gamot. Halos gumapang si Sythia pabalik sa kama.

Hindi na siya nag-abalang mambulabog ng mga kasama sa bahay. Sanay naman na siya na kapag nagkakasakit ay mag-isang ipinapagamot ang sarili dahil wala namang may pakialam sa kanya.
Kaya ayaw niya ng nagkakasakit. Walang mag-aalaga sa kanya kundi ang sarili.

Pagkalapit sa may cabinet ay kumuha siya ng pamalit dahil pakiramdam niya, basa siya ng pawis.

Kahit hirap na hirap ay pinalitan niya ng suot ang sarili. Button down shirt pa ang nakuha niya kaya naman kung paano nalang niya iyon naibutones.

Napansin ni Sythia na bahagyang nakabukas ang sliding door na kasunod ay ang second floor balcony.
Alam niya na wala namang magtatangka na pumasok doon pero mabuti na ang sigurado. Tumayo siya at pilit na naglakad palapit sa sliding door. Pero hindi pa siya nakakarating, nahilo na siya sa sama ng pakiramdam. Nilamon si Sythia ng sahig. Pero pinilit pa din niyang gumapang palapit.

It was when she heard foot steps. Kinabahan ang dalaga. Sino ang pwedeng gising pa sa kalaliman ng gabi at nasa second floor?

Tulog na ang lahat ng mga kasama niya sa bahay!
Mas lalong nagpilit si Sythia na makagapang palapit sa sliding door. Ang tindi ng kaba ng kanyang dibdib na nahahaluan na ng takot. Kailangan niya iyong maisusi bago pa may makapasok.
Who knows? Kahit saan ay maraming halang ang kaluluwa. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon.

"Sythia!"

Napasinghap si Sythia nang mula sa sahig ay may pumulot sa kanya at dinala siya sa kama.

"Narinig kong may kumalabog dito. Anong nangyari sa 'yo?" parang naaalarma ang boses ni Linster na nagpalinga-linga sa buong silid.

For a reason she couldn't explain, she felt as if protected while she was inside Linster's arms. Bagay na ni minsan ay hindi pa niya naramdaman kahit kanino. Kahit sa pamilya niya.

Bakit kay Linster? Bakit sa isang estranghero pa?

Gusto niyang sampalin ang sarili para mahimasmasan. May mali na naman sa kanyang mga nararamdaman.

"Anong nangyari? Napasok ka ba dito? Bakit mo ba kasi iniiwang bukas ang pintuan mo?!" parang galit nang sita nito sa kanya.

Napasiksik tuloy sa headboard si Sythia dahil sa nakakakabang timbre ng boses nito. Palagi naman siyang nasisigawan ng Lolo at Lola niya pero parang nakasanayan na niya iyon. At hindi ganito ang impact sa kanya. Na para bang ang bigat sa dibdib na pinagtataasan siya ng boses ni Linster, kasabay pa ang pagtatagisan ng mga bagang nito. But she felt the hint of concern. Kahit paano ay nakabawas iyon sa bigat ng impact ng reaksyon ni Linster.

Nagbuntong-hininga ang binata saka tinitigan siya.

"Ano ang masakit sa 'yo at naabutan kitang gumagapang sa sahig..." mababa na ang boses nito at parang natigilan.
Parang may naalala na dinama nito ang noo niya. Ang leeg at ang braso.

"May lagnat ka!"

Pinalis niyang bigla ang kamay nito. Dahil kasi sa ginawa ni Linster, she felt that unfamiliar warmth creeping inside her heart. At natatakot siya sa hindi kilalang damdamin.

"I'm fine. Just leave me alone." Napapagod na sabi ni Sythia.

Nagpalit lang naman siya ng damit at nagtangka na isara ang sliding door na hindi naman niya nagawa, pero pakiramdam ng dalaga ay sumalang siya sa napakabigat na gawain.

Pasimple niyang natampal ang dibdib na naninikip na naman. How she wished na mag-umaga na. Para ang hindi natuloy na pagpapa-check up ay magawa na niya. Hindi na niya kayang tiisin ang sakit. At may suspetsa siya na urinary tract infection na naman iyon. May duda na din siya na baka may tama na ang kanyang bato, kaka-softdrinks. Pero umaasa pa din siya na mali ang hinala.

"You're not fine!" giit ni Linster na biglang sumalampak sa kanyang tabi.

Nadagil nito ang kanyang tagiliran at napaigik siya sa sakit. Pinaghahampas nga niya sa braso si Linster dahil sa inis niya. Masakit na nga ang lahat sa kanya ay madadagil pa nito.

"Lumabas ka na, please? Gusto kong magpahinga." Nakikiusap man ang kanyang tono pero matalim pa din ang tingin niya dito.

"Ano bang ginawa mo at masakit ang tagiliran mo? Nahulog ka ba o napahampas? Nadulas? What?" parang taranta at frustrated na ang boses ni Linster.

At hindi niya mapigilan ang masarap na pakiramdam nang makita kung paanong nag-aalala ang gwapong mukha nito sa kanya. Wala pa yatang kahit sino ang nagpakita sa kanya ng concern katulad ng nakikita niya kay Linster ngayon.

Wala naman kasi siyang kaibigan. Naging mailap na siya sa tao magmula nang mangyari ang nakakahindik na kaganapan sa buhay niya. Hindi siya nagtitiwala sa kahit kanino. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap o nakikipagkaibigan. Who knows, baka konektado iyon sa mga demonyong nanloob, bumaboy at pumatay sa kanyang mga magulang. Lalo pa nga at nananatiling malaya ang mga iyon magpahanggang ngayon. Wala kasing lead na nakuha para malutas pa ang kaso.

"Lumabas ka na, please..."

"Uminom ka na ba ng gamot sa lagnat?" tanong nito na hindi pinapansin ang mga sinabi niya.

Nagsimulang mag-ransack sa side cabinet niya si Linster. Naghahanap siguro ng gamot. Nang walang makita ay nagtangkang pumasok sa bathroom. Naihilot tuloy ni Sythia ang isang kamay sa sintido. Sumasakit ang ulo niya kay Linster. Ang gusto lang naman niya ay makapagpahinga na. Pero heto ang binata at kandakumahog sa paghahanap ng gamot. Kunsabagay, doktor ito. Instinct na iyon ng mga doktor na manggamot ng may sakit.

Naramdaman na naman ni Sythia ang pagkirot sa kanyang tagiliran. Pati sa kanyang balakang. Napaungol siya at natampal ng malakas ang sariling dibdib. Nakikisabay pa naman kasi sa pagsikip iyon.

Na-realized niya na baka kailangan na nga niyang magpadala sa ospital. Baka hindi din siya maka-survive sa sakit na nararamdaman sa buong magdamag.

"Bring me to the hospital, Linster..." Naiungot na niya rito nang balikan siya sa kama. May bitbit nang mga gamot.

Parang nataranta si Linster dahil sa matinding pag-aalala. Paano nga naman. Sapo niya ang dibdib na naninikip at umuungot dito na dalhin sa ospital, samantalang kanina lang ay itinataboy niya ang binata. Naisip siguro nito na baka emergency na.

Walang sali-salitang isinalya nito ang mga hawak at dali-dali siyang binuhat palabas ng silid. Deretso sa Vios nito.

"Hold on, Sythia."

Pinasibad ni Linster ang sasakyan, papunta sa pinakamalapit na private hospital. Pero pinilit niya itong ilipat siya sa public. Kaya lang ay hindi naman siya nanalo kay Linster. Sandali lang kumunot ang noo nito at sapilitan siyang dinala sa emergency room.
Nakakainis lang dahil kapag nalaman ng mga doktor doon kung sino siya, malamang na maitimbre kaagad sa Lola niya.

Alam naman niyang hindi ang mga iyon totoong mag-aalala pero malamang na sumugod sa ospital para magpakitang tao sa madla na alalang-alala sa kanya. Na para bang totoong tine-treasure siya ng mga ito.

Kung sa public hospital, less chance na may makakilala sa kanya at magkaroon ng pakialam. Doon nalang siya. Sa mas sanay siya. 'Yong walang pakialam sa kanya.

San Victorio Doctors 4: Stealing Heart Where stories live. Discover now