Chapter 29

137K 7.2K 2.4K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG29 Chapter 29

"Ga..."

"...bakit?" tanong ko.

Tatlong araw na akong naghihintay ng kahit ano mula sa kanya. Sabi niya kasi sinusubukan niya naman. Alam ko naman na hindi madaling basta na lang tanggapin iyong mga nalaman niya tungkol sa akin...

Kaya nandito lang ako at naghihintay.

"I'm drunk."

"Halata nga."

"And girls keep on hitting on me," parang bata niyang sabi na nagsusumbong sa akin. "Though I told them I have a girlfriend..." Katahimikan. "You're still my girlfriend, right?"

Huminga ako nang malalim. "Oo naman."

"Can I go there?" tanong niya. Tumingin ako sa paligid ko. Kapag pumunta siya rito ay baka iba ang isipin niya. Baka isipin niya ngayon na tatakbuhan ko siya. Naka-empake na ang mga gamit ko. Kailangan ko nang umalis dito. Kasi kahit pa ako ang nagbabayad ng renta rito, hindi ko pa rin maipagkakaila na si Nick ang dahilan kung bakit napunta ako rito.

Parang magta-traydor ako kay Nikolai kung nandito pa rin ako.

"May kasama ka ba?"

"I'm all alone..."

"Paano ka pupunta rito?" tanong ko habang kinukuha iyong wallet ko. "Nasaan ka ba? Susunduin na lang kita."

"I'm—" Napa-hinto siya. "Where the hell am I?" tanong niya. Narinig kong sinabi nung kausap niya iyong pangalan ng isang club. Pamilyar sa akin, pero hindi pa ako nakaka-punta.

"D'yan ka lang. Puntahan kita."

"Okay, Ga..."

Huminga ako nang malalim. Tangina. Ang hirap naman nito. 'Di ko alam kung saan ko ilulugar iyong sarili ko.

Akala ko ay papasok pa ako sa loob para puntahan si Nikolai pero agad ko siyang nakita sa labas ng club at naka-upo sa isang gilid. Naka-takip iyong dalawang kamay niya sa mukha niya. 'Di ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Ngayon lang kami nagkita pagkatapos naming magsigawan sa parking lot. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko na hindi ako tumawag o nagtext sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko na hintayin siya na magparamdam sa akin.

Kasi gusto kong isipin niyang mabuti kung ano ba ang gusto niyang mangyari. Kung masyado ba 'tong mahirap sa kanya. Kagaya nung sinabi niya sa akin dati...

Na kung hindi na ako masaya sa kanya, iwanan ko siya.

Ganon din ako sa kanya—kung masyado 'tong mahirap para sa kanya, iwanan niya na ako.

Magiging okay din ako.

Magtetext din siguro ako sa kanya minsan... tatawag... pero magiging okay din ako.

Naupo ako sa tabi niya. "Nikolai."

Agad siyang tumingin sa akin. "You're here."

Tipid akong tumango. "Mabuti hindi mo naisipang magdrive kahit lasing."

Umiling siya. "I don't do that," sabi niya habang diretso pa ring naka-tingin sa mga mata ko. "You're really here..."

"Nasaan sila Vito? Wala kang kasama?"

Umiling siya. "They don't know." Hindi ako nagsalita. "I don't want to talk to them about this. I don't want them to know about this. They're my friends... but I don't know how they think... or what they'll think... It'll feel like betrayal if I'll talk to them about you... And I might get mad if they don't understand," sabi niya at bahagyang natawa. "What a fucking hypocrite, right?"

Wreck The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now