Chapter 45

162K 7K 3.3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG45 Chapter 45

"Jersey?"

Halos hindi ako maka-hinga nang mapa-tingin ako kay Nikolai. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak iyong cellphone ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tingin doon... kung umaasa ba ako na mali iyong nabasa ko.

Baka naman ibig sabihin niya lang na wala na sa firm... pero hindi ganoon si Ching. Hindi siya magbibiro sa ganoong bagay.

"Jersey, what's wrong?" tanong niya matapos maupo para magpantay ang mga mata namin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ilang beses kong sinubukan na magsalita, pero walang lumalabas na kahit na ano sa bibig ko... hanggang sa kunin niya iyong cellphone sa kamay ko at basahin ang naka-lagay doon. Kitang-kita ko iyong pagka-lito sa mukha niya... hanggang mapagtanto niya iyong nangyayari.

"Nikolai..." pagtawag ko sa pangalan niya dahil parang sobrang lalim ng paghinga niya. Nababahala ako sa itsura ng mukha niya.

"I—" Agad siyang huminto na para bang hindi niya alam kung paano sasabihin... tumingin lang ako sa kanya at tahimik na naghintay kahit na parang sasabog na rin ang isip ko sa dami ng pumapasok dito. "Shit. I... I talked to my mom about—" Muli siyang napa-hinto. "This... this can't be a coincidence."

Napaawang ang labi ko.

"Ano'ng... sinabi mo sa nanay mo?"

Agad siyang tumayo. Naglakad nang pabalik-balik. Problemadong sinuklay ang buhok niya.

"Fuck," muli niyang sabi. "Fuck. Did I kill him, Jersey? It can't be a conincidence... that I just talked to my mom about him and the next day, he turned out dead. No. It can't be. Fuck."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Sinabi niya ba sa nanay niya na si Atty. Marasigan iyong nagsabi? Kasalanan ko ba? Na sinabi ko kay Nikolai? Tangina. Nasa kamay ko ba iyong pagkamatay ni Darius?

"Jersey." Agad akong napa-tingin sa kanya. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa amin habang naka-upo kami sa loob ng sasakyan niya. Tinawagan namin si Ching kanina para ikumpirma kung tama ba ang intindi namin sa text niya... Mas lalo lang bumigat nag konsensya ko nang sabihin niya na papasok sa trabaho si Darius nang biglang may huminto na riding in tandem at basta na lang siyang barilin habang naka-upo siya sa driver's seat. Ni walang laban. Dead on the spot. Tadtad ng bala ang katawan.

Tangina.

Tangina.

Paano nakaka-tulog sa gabi iyong mga gumagawa ng ganito?

"Jersey, promise me you won't die." Kumunot ang noo ko. "You have to promise me."

Napaawang ang labi ko. "Nikolai—"

Agad siyang umiling. "You can't die on me, Jerusha Leigh. You know how all the villains in the movies have a story on why they turned out that way? Don't be my villain backstory. Please."

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak.

Para na talaga akong masisiraan ng bait.

Bakit ba laging may ganito kapag may magbabar exam sa aming dalawa?! Hindi ba pwedeng mag-exam kami nang mapayapa?!

"Susubukan ko," sagot ko sa kanya.

"Not enough."

"Ano'ng gagawin ko, Nikolai? Pinili natin 'to. Bakit ba tayo nandito? Mag-aaral ka ng ilang taon, magpapaka-hirap pumasa sa BAR... tapos papatayin ka lang para patahimikin?"

Wreck The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now