16

12 0 0
                                    

"puffy mukha ni ara!"asar na sabi ni mika nung nagkita kita kami sa edsa walk. Napasimangot naman ako at hinawakan mukha ko.

"kumain kasi ng noodles bago matulog"singit ni nicholas kaya tinignan ko naman sya ng masama.

"ikaw nga nalasing nila charles eh"sabat ko kaya nagtawanan na sila.

"Pakiss ako ara"biglang sabi ni reign kaya napailing naman ako at tinignan sya ng masama.

"PDA ka?"irita kong tanong kaya lalo sila nagtawanan.

"why ka badtrip today?"tanong ni mika sakin kaya napasinghap ako at umupo.

"may mens"sagot ni nicholas kaya nagtawanan sila ulit.

"Captain! kain daw!"biglang sigaw ni wendy kaya napalingon ako sa gawi nila nakaupo sa grass habang may mga pagkain sa gitna nila.

"ay sana all madaming baon!"parinig ni mika kaya bigla sya hinampas ni reign kaya napatigil naman sya.

"are you going to eat with your volleyball team or dun kana sa practice kakain?"tanong ni nicholas kaya napalingon naman ako sakanya.

"sa practice nalang baka may dalang samyup si jihoon eh"sagot ko kaya natawa si nicholas. Nagsign ako sa volleyball team ko na pass kaya nagtanguan naman sila kaya umayos na ako ng upo.

"Ganda ng outfit mo today sis ah"sabi ni kirsten kaya tinignan ko naman suot ko. I was wearing white tube inside at beige cardigan na crop top.

Black Trousers and black high converse at naka braid buhok ko na isahan lang. "ganyan ba pag nagkamens?"asar na tanong ni ivan pero di ko na sya pinansin.

Tumunog na yung bell kaya tumayo na ako pati na din si kirsten. "palagi na napapa aga yung bell ah"sabi ni paolo kaya nagtanguan naman sila.

"baka may event tayo kaya napapa aga?"sabi naman ni charles kaya napatango ulit sila.

"may lakad kayo mamaya?"tanong ni ivan nung papunta na kami sa kabilang building. Thursday ngayon kaya kaklase ko mga pinsan ko sa french class.

"Practice kami sa ice rink after"sagot ko kaya napatango naman si ivan at lumingon sa iba pa namin pinsan.

"maghahabol ako sa project"sagot naman ni paolo kaya napalingon kami sakanya.

"which class pao?"takang tanong ni mika. Never naghabol yan si paolo sa project. Sya nga laging nauuna samin magpasa eh.

"Sa class ni elide"sagot ni paolo kaya nagkatinginan kami nila kirsten.

"hala?yung project na pinagawa ni elide documentary lang naman about sa self mo ah"sabi ni kirsten kaya napatango ako dahil tama sya.

"Halos lahat ng year level iisa lang ang project na pinapagawa ni elide"sabi ko naman kaya nagtanguan naman sila habang si paolo nanahimik.

"Hindi ko nga alam gagawin ko eh"sabi ni paolo at napahawak sa batok nya.

"Sabihin mo lang hobbies mo ganun kung san ka sanay or kung ano yung happiness mo"sabi ni charles kaya napatango naman kami habang si kuya ash nagthumbs up kay charles kaya natawa sila.

Umakyat na kami dahil puno sa elevator. Bigla naman tumakbo si jacob at kirsten paakyat kaya napalingon ako kay gab at francis na tumatawa.

"ang taas ng pride ng dalawang yun"sabi ni francis. Bigla nagvibrate phone ko kaya napatigil ako sa pag akyat at kinuha yun.

Mommy Lianne:
what time uwian mo anak?

Napalingon naman sakin sila paolo na naka abang na sakin. "mauna na kayo"sabi ko kaya napatango naman yung dalawa kaya niring ko sya.

She is the mother of my ex boyfriend who died from the accident when we're 1st year college. Sinagot nya naman yun kaya napa ayos ako sa pagsandal.

"Did you forgot? death anniversary na ni louis"bungad na sabi ni mommy lianne kaya napasinghap ako.

"I'm sorry ma nakalimutan ko icheck calendar ko dahil ang dami kong ginagawa"mahina kong sabi kaya narinig ko syang napasinghap.

"do you have time to go with us?"tanong ni mommy lianne kaya kinuha ko yung isa kong phone at tinignan ang schedule ko today.

7pm pa naman start ng practice ko sa ice rink. "I have 4 hours after my class"sagot ko.

"Daddy Rob will fetch you after class he's with the two kids when he fetch you"sabi ni mommy lianne.

"Akiara!"biglang tawag ni kirsten kaya napasinghap ako at umakyat na dahil onti nalang ang estudyante sa campus.

"Ma I have to go...may prof na kami sa taas"paalam ko, hindi na sya umimik kaya inend call ko na yun.

Nung nasa floor na ako napalingon na ako at nakita si sir jaimee na nagklaklase na kaya dumaan kami pareho ni kirsten sa likod.

"what happen akiara?do you have emergency call?"tanong bigla ni sir jaimee nung nasa likod na kami kaya napalingon naman sakin mga pinsan ko.

"Louis's mom called sir..."sagot ko kaya napatango naman si sir jaimee. Sir Jaimee knows that louis is my ex boyfriend dahil sya yung adviser namin nung 1st year college kami.

"Take a sit akiara"sabi ni sir jaimee kaya tumango ako at pumunta na sa upuan na nireserve ni kirsten sakin kaya umupo na ako at nilabas na gamit ko.

Bigla lumingon si paolo sa harap ko. "don't tell me that you forgot louis's death anniversay?"mahinang tanong ni paolo kaya napatango ako kaya napailing naman sya sakin.

"hindi ko na check calendar ko"mahina kong sagot kaya napatango naman si paolo at binalik na yung tingin sa harap kaya napasinghap ako at sinulat nalang yung mga nakasulat sa board.

Napansin ko sir jaimee tingin ng tingin sa wall clock nung natapos sya magdiscuss. Bigla sya nagbilang gamit ang mga daliri nya kaya napalingon din ako dun. Nung saktong tumapat sa 1:20pm bigla bumukas yung pintuan at bumungad ang adviser namin.

"Okay class listen! Hineram ng adviser nyo yung oras ko dahil may kailangan kayong pag usapan"sabi ni sir jaimee at kinuha na yung gamit nya at kumaway na palabas.

Nag unat unat na yung iba. Bat ko pa kasi naging kaklase mga pinsan ko? "okay class...alam kong napansin nyo nang bat ang aga lagi tumunog ng bell natin?Magkakaroon tayong event"

Bigla naghiyawan mga kaklase namin kaya inayos ko na gamit ko at tinignan si nicholas na tahimik lang pero nakikinig sa daldal ni daniel.

Bigla kong naalala na birthday pala ni daniel ngayon kaya nag open ako ng palihim sa ig at naghanap ng picture namin ni daniel.

Akiara_
Happy Birthday Buddy! Thankyou for making me always laugh during the days that i suffered doing the Axel Jump. Treat us some samyup later 😚 @danielkim


Pinost ko agad yun at lumingom kay daniel na hawak na yung phone nya. Napalingon sya sakin at ngumiti kaya ngumiti din ako ng matipid at binalik na yung phone ko sa bulsa ko.

--------------------------------------------------------------------------------

Meet Me At KatipunanWhere stories live. Discover now