26

11 0 0
                                    

"TANGA BAWAL NGA DIBA MAGDIVE"sigaw ni mika na nasa pool na, natawa naman kami.

Si adam kasi nasa second floor tas magdadive daw sya eh may sign na bawal. Wala ako magagawa dito kay adam matigas bungo nito kahit ma aksidente pa yan.

"Isa lang!!"sigaw ni adam sa taas kaya napailing kami magpipinsan..

"akiara patulong"biglang tawag sakin ni kuya oliver kaya tumayo na ako at lumapit sakanya.

Nag iinihaw sya kaya tumulong na din ako. Bigla ako napaubo nung bigla umusok kaya natawa naman si kuya oliver sakin at inabot sakin yung tubig.

"kuya naman eh wag mo kasi ipaypay dito sa gawi ko"sabat ko kaya natawa si kuya oliver at lumapit na sa pwesto ko at dun nagpaypay.

"may luto na?"sulpot na tanong ni kuya arthur. Tumango naman ako at nag abot sakanya ng luto na bbq.

"Aki usog ng onti"sabi ni kuya oliver kaya tumango naman ako at umusog ng onti dahil inuusog ni kuya yung ihawan.

"Ang tanga mo naman!"sigaw ni reign kaya napalingon naman kami dun. Nagulat kami nung nakahawak na si adam sa railings kaya nagpanic ang mga pinsan ko.

"ADAM ANG KULIT TALAGA NG LAHI MO NO"galit na sigaw ni charles kaya napailing naman ako at kumain ng bbq at pinanuod nalang mga pinsan ko magpanic kay adam.

"sabi ko sayo wag ka magrent ng private pool eh"sabi ko kay kuya ash kaya napailing ang kapatid ko at kinausap sila charles.

"Oliver patulong nga!"tawag ni ivan kay kuya oliver kaya inabot na sakin ni kuya oliver yung pamaypay.

Kuya oliver was the tallest. Ivan was second I guess nasa mga 6'5 height ng mga pinsan kong lalaki? It really was from our family genes. Kuya oliver was one of our familys friends that why they have a trust on him.

At first I was not really close with him because I was not sociable before but when I met kuya oliver I became a little bit friendly?

Bigla may umagaw ng pamaypay sakin at si tristan yun, Nahiya naman ako at umusog ng onti dahil sobrang lapit nya sakin.

"umupo kana"mahinang sabi ni tristan kaya napatango naman ako at bumalik nalang sa pwesto ko at ininom yung softdrinks ko na sobrang lamig dahil may gagong naglagay ng madaming yelo sa baso ko.

"akiara swimming kana kasi!"tawag sakin ni briann. Napailing naman ako dahil may mens ako at ayaw ko magswimming.

"May dala kaming mentruation cup"sabi ni margo kaya natawa sila habang ako napairap dahil ayaw ko ng ganun.

"ayoko"inis kong sagot kaya nagtawanan na sila at nagwisik wisik na sakin ng tubig kaya napairap naman ako at kinuha na yung inumin ko at pumunta nalang sa kwarto.

Nung pagpasok ko ng kwarto nakita kong bulagta si paolo kaya natawa ako at hinampas sya ng unan at dinaganan sya kaya napadaing sya.

"Ara! nahihilo ako wag ka magulo!"inis na sabi ni paolo kaya nagtaka naman ako at bumaba na at tinignan sya.

"hindi ka naman uminom ah?"sabi ko kaya napatango naman sya at umiwas na ng tingin sakin.

"Dont tell me inaatake ka ng migrain?"gulat kong tanong, Natawa naman si paolo at tumingin sakin at tumango kaya napasimangot ako at kinuha yung bag ko dahil may gamot dun.

Nung nakuha ko na yun inabot ko na sakanya yun pati na din yung tubig nya. Napahiga na ako at niyakap nalang ulit yung unan.

Kinuha ko na ulit phone ko at nag open sa ig, Natawa ako ng mahina nung nakita ko nag post si kirsten kasama si jacob na nagswiswimming.

kirstenshaine_
Napilitan ka lang ata🙄

200 likes     20 comments  

francis_:
kaya pala nawala kanina

Gabby_:
whoa asan yung credits??

Hineart ko nalang yung post at nilapag phone ko at kinuha yung Ipad ko at yung Ipencil ko at ginawa na yung sketch kung ano magiging itsura ng booth namin.

"ang simple naman ng booth ara"singit ni paolo na nakatingin pala sa ipad ko kaya inirapan ko naman sya.

Gusto kasi ng mga kabatch ko na simple lang yung booth namin pero aesthetic sya tignan. Nilagyan ko ng LED lights sa may entrance ng booth namin. Nung okay na sinend ko agad sa gc namin para mag antay kung sasang ayon ba sila sa ginawa ko.

I have rights naman kaso muse lang ako ng batch namin. Francis has the highest position at the class while Gab was the escort.

Bigla may kumatok kaya napalingon kami dun ni paolo, Bumukas na yun at bumungad si tristan na pawis na pawis kaya natawa si paolo.

"kung ako sayo bro magswimming kana"asar na sabi ni paolo. Ngumisi lang si tristan at lumapit sa may gamit nya at naghubad ng t shirt kaya napaiwas naman ako at binalik na ang tingin ko sa ipad.

"The boys were fighting because of adam"biglang sabi ni tristan kaya pareho kami nagkatinginan ni paolo at natawa.

"what do we expect?"mahina kong sabi kaya natawa si paolo at binato sakin yung unan kaya agad ko naman niyakap yun at ngumiti.

"Who's cooking the bbq?"tanong bigla ni paolo kaya napalingon naman ako kay tristan na nakabihis na at nakatingin samin.

"arthur was the one"sagot ni tristan kaya napatango naman kami. Inayos ko yung pagkadapa ko sa kama at naghanap nalang ng laro dahil wala ako magawa.

"nagcocod ka nanaman?"tanong ni paolo kaya napalingon naman ako sakanya at pinakita yun.

"lalandi lang ako bakit?"sagot ko kaya natawa si paolo sakin kaya natawa na din ako at inayos nalang load out ko.

"pakitaan mo nga kami sa four fingers"hamon ni paolo sakin kaya napangisi naman ako at sumandal sa headboard kaya lumapit sya sakin.

Nagulat din ako nung lumapit si tristan sa tabi ko kaya huminga ako ng malalim at inayos lang saglit yung sniper ko.

Pinatunog ko muna daliri ko at shinake shake yun at instart na yung game kaya nung nagstart na nagfocus lang ako.

"slayer ka?"tanong ni tristan, napatango naman ako kaya napasipol si paolo kaya umirap ako at nagfocus nalang.

***
"hoy gising na"tawag sakin ni margo kaya napadilat na ako at nakitang madilim na sa bintana.

Napa unat ako kaya natawa si margo at hinila ako paupo kaya natawa na din ako ng mahina.

"halika na magdidinner na tayo"mahinang sabi ni margo sakin kaya napatango naman ako at napalingon sa kabilang kama at nakitang bagsak si tristan dun.

"sige sunod ako"mahina kong sabi kaya napatango naman si margo at lumabas na kaya nag unat unat ulit ako at pinagmasdan mukha ni tristan na mahimbing na natutulog.

Umupo na ako sa dulo ng kama at inayos nalang comforter ni tristan at tumayo na para lumabas.

------------------------------------------------------------------------

Meet Me At KatipunanWhere stories live. Discover now