2

45 2 0
                                    

Naghihilamos ako nung bigla bumukas yung pintuan ng banyo ko at bumungad si francis na nakasimangot kaya napakunot naman ako

"asan nanaman yung iniwan kong damit huh??"bungad na tanong ni francis, natawa naman ako at nagbanlaw na at nagpunas ng tissue sa mukha ko

"nasa walk in closet ko"sagot ko at naglagay na ng skincare kaya lumabas na sya dun, sumulpot naman si reign na naka pantulog na

"di na pinauwi nila charles sila francis baka mahuli pa sila e"sabi ni reign, tumango naman ako at sinampal ng mahina pisnge ko kaya natawa naman si reign dun at tinignan yung products ko.

"gagi?diba walang dalang damit si gab??"bigla kong naalala yun, tumango naman si reign kaya lumabas ako ng banyo at pumunta sa walk in closet ko

"akiara pati ba naman boxer ko sinusuot mo??"reklamo ni francis kaya natawa ako dun at hinampas sya

"Paheramin mo ng damit si gab walang dala yun"sabi ko at kinuha yung malaki nyang sweater at kumuha ng dolphin shorts

"ayan ka nanaman sa sweater ko e"reklamo ulit ni francis kaya ngumiti ako sakanya at bumalik na sa banyo at nagbihis na dun habang si reign naglalagay ng clay mask

"Kailangan ko na ata umorder ng ganto ulit"sabi ni reign habang naglalagay ng clay mask, natawa naman ako dun at inayos ang buhok ko.

"kunin mo na yan di ko na yan nagagamit simula nung lumipat na ng kwarto si kuya e"sabi ko naman kaya bigla lumiwanag mukha nya kaya napailing naman ako dun at naglagay ng lip balm sa labi ko

"akiara asan toothbrush ko!?"sigaw ni francis sa labas kaya napasinghap naman ako at kinuha toothbrush nya at inabot sakanya yun

"easy lang!!"sigaw naman ni reign at tumawa, kumaway na sya palabas ng kwarto ko kaya hinayaan ko na sya

Napaupo naman ako sa gilid ng kama ko habang si francis hinanger yung uniform nya at lumbas para ibigay kay gab ang damit, Napasinghap ako na lukot lukot uniform nya.

"kelan kapa matututo magplansya francis?"mahina kong sabi at kinuha uniform at pants nya at tinayo yung kabayo at sinaksak yung plansya kaya nilagay ko na yung uniform nya at inantay ko muna uminit ng onti.

Bigla bumukas yung pintuan at bumungad si kuya ash na naka jogger pants at sweater lang kaya nagtaka naman ako dun

"Nag away ba kayo??"nag aalalang tanong ni kuya ash kaya natawa ako ng mahina at umiling

"hindi kuya...badtrip lang ata"sagot ko kaya plinansya ko na uniform nya, pinagmamasdan naman ako ni kuya ash dun

"sige tulog na ako...matulog kana din pagtapos mo"sabi ni kuya ash at hinalikan ako sa noo at niyakap ako, natawa naman ako dun

"sige kuya...sleepwell iloveyou"sabi ko at hinalikan sya sa ilong, natawa naman sya at lumabas na ng kwarto ko.

Hinanger ko na yung uniform nya, sinunod ko naman yung pants nya. Bumukas ulit ang pintuan pero si francis na yun.

"ako na dyan"sabi ni francis, umiling naman ako at pinagpatuloy yun

"masusunog pag ikaw nagplansya e"sabi ko naman kaya natawa na sya dun at umupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ako

"wag moko sermonan please?"sabi ni francis kaya natawa na ako dun at inoff yung plansya at sinabit sa sandalan ng upuan ko

Pumunta na ako sa kabilang side ng kama at humiga, inayos nya naman yung comforter pero nakatingin pa din sakin.

"Hey I might melt!"sita ko sakanya, natawa naman sya at naglagay na ng comforter hanggang sa tyan nya

"I really adore you too much..."mahinang sabi ni francis kaya natawa ako ng mahina at inayos ang unan nya sa likod nya

Meet Me At KatipunanKde žijí příběhy. Začni objevovat