8

31 1 0
                                    

Nandito na ako sa hospital kasama si kuya ash dahil magpapatest sya ng dugo nya, ewan ko sakanya kung bat pa sya magpapatest kung parehas lang naman kami ng blood type??

Magpapacheck up din ako kasi mahigit 4 months na ako di nagkakaroon ng mens, panira diba??

Nakaupo lang ako dito sa hospital bed habang pinagmamasdan si kuya ash na nakapikit dahil iniinda yung sakit kaya napangiti ako at hinaplos yung singsing na binigay sakin ni sunghoon oppa.

Kanina ayaw pa nila umuwi pero nung nalaman nila na magkikita pa kami bukas sa birthday ni kuya ash nag uwian agad sila tas si jake oppa tinanggay si peaches buti nalang hinayaan ni yasmin na dalin si peaches sa dorm nila.

"Akiara halika kana!"tawag sakin ni yssable kaya sumunod na ako sakanya papunta sa office nya.

"Bruha ka ang dami nagtatanong sa co-models ko kung engaged kaba! Ang dami nagpapanic sa pinost mo sa ig!"sulpot ni yasmin kaya natawa ako dun at pumasok na sa office ni yssable.

"but why sunghoon gave you a diamond ring??"takang tanong ni yssable habang inaayos yung machine nya.

"Gift"tipid kong sagot at umupo sa kama nya kaya lumapit naman sakin yung nurse at nilagyan ako ng swero, habang si yasmin napasandal habang nakatingin sakin.

"gift?e parang engagement ring nga!"sabi ni yasmin habang nakasimangot na kaya natawa ako at sinearch yung singsing na ito sa google.

Nanglaki mata ko nung nakita ko yung presyo ng singsing na binili ni sunghoon oppa sakin! "omo...unnie?that was 500k??"gulat na tanong ni kenzie kaya lumapit samin si yssable at yasmin at tinignan yung nasa phone ko.

"Sabi na nga ba! engagement ring yan eh!"sabi ni yasmin kaya napakunot naman si yssable dun.

"Did you confess??"takang tanong ni yssable kaya umiling naman ako dun kaya napatili si yasmin at inalog alog si yssable na kunot pa din.

"Omg!! Crush back na si akiara!!"sigaw ni yasmin at inalog alog si yssable kaya napatigil ako dun habang si kenzie natatawa na samin.

"We can't be sure about that!!"sita ko sakanila kaya tinaasan ako ng kilay ni yasmin habang si yssable natauhan na at lumapit na sa gilid ng kama at kinuha na yung machine.

"Akiara is right yasmin..."sang ayon ni yssable sakin kaya tinaasan ko ng kilay si yasmin kaya natawa na lalo samin si kenzie.

****
Natapos na ako magpacheck up at sabi sakin ni yssable delayed lang daw kaya niresetahan nya ako ng gamot kaya bumalik na ako sa kwarto ni kuya ash nakitang may kausap na syang lalaki na matangkad at maputi.

Pumasok na ako dun kaya napalingon sakin si kuya ash at ngumiti sakin kaya ngumiti na din ako pabalik sakanya "ano?delayed ka nanaman no?wag ka kasi kabahan!delayed lang naman eh"bungad na sabi ni kuya ash kaya inirapan ko sya at umupo sa sofa.

"tanga kala ko nga buntis na ako eh"sabat ko kay kuya ash kaya natawa sya dun at binato ako ng unan kaya tinignan ko sya ng masama.

"boang ka?di pa nga nagagalaw yan! pero subukan mo baka mapatay ko yung lalaki na kumuha ng v mo"inis na sabi ni kuya ash kaya natawa nalang din ako at sinandal ulo ko.

Nakaramdam nanaman ako ng hilo nung kinuhaan din ako ng dugo kanina, practice lang daw sabi ni yssable?buang diba?? hindi na sya estudyante para magpractice sa pagkuha!

"kuya si yssable kinuhaan nanaman ako ng dugo"mahina kong sabi at pumikit kaya narinig kong tumawa si kuya ash.

"Do you feel dizzy??"tanong nung lalaki kaya napadilat ako at nakita syang nakaupo sa tabi ni kuya ash, Tumango ako dun kaya napakunot naman yung lalaki.

Meet Me At KatipunanWhere stories live. Discover now