29

9 0 0
                                    

"di ka tatayo o papatayin ko yung aircon?"napadilat agad ako nung tinanong ni akiro yun kaya tinignan ko sya ng masama.

"akiro 20 minutes"mahina kong sabi at niyakap pa yung hotdog. Tinignan lang ako ni akiro at napasinghap.

"sino ba nagsabi na mag inom ka?"tanong ni akiro kaya napasimangot naman ako.

"Sinamahan ko lang naman si kirsten eh broken diba"sagot ko at tinakpan mukha ko.

"Imbis na sya nalasing ikaw yung nalasing eh alam mo naman ang baba ng alcohol tolerance mo"sabi ni akiro kaya napailing naman ako.

Kaya eto ayaw ko pag naka inom. Imbis na sila mommy ang manenermon sakin. Naging si akiro na ang nanenermon sakin pero wala nasanay na ako.

"Tumigil kana akiro pag ayos kana ng gamit mo sa kwarto"singit ni mommy kaya tinanggal ko agad ang pagkakatakip ko ng mukha at tinignan si mommy na nakapamewang na.

"Mommy naman eh! lagi ka late pag sinesermonan na ako!"sabi ko kaya natawa na si mommy sakin habang ako napasimangot na.

"Hindi ko naman alam na dederetso sya dito sa kwarto mo eh"sabi ni mommy kaya napasimangot ako lalo at umupo na.

"Mag ayos kana uuwi tayong antipolo"sabi ni mommy kaya napasinghap naman ako at tumango nalang at bumangon na sa kama.

"Mommy pacheck nalang kung dumating na yung order ko sa baba"sabi ko kaya tumango naman si mommy at lumabas na ng kwarto ko.

Kaya dumeretso na ako sa banyo para maligo. Nung natapos ako maligo nagbihis agad ako. Sinuot ko naman yung black dress na niready ni mommy. Kinuha ko naman agad yung fila ko.

Bigla ko naalala na nasa baba pa yung mga medyas na nilabhan ni manang. Kaya napasinghap ako at sinuot tsinelas ko at agad lumabas ng kwarto ko.

Napasilip naman ako sa baba at nakita si akiro nag aayos na ng gamit nya. Habang si manang nagtutupi ng damit kaya agad naman ako bumaba.

"Manang may medyas kabang nalabhan?"tanong ko, natawa naman si manang at inabot sakin yung kakatupi nya lang kaya natawa na din ako.

Umupo ako sa tabi ni manang at sinuot na yung medyas na yun. "bibili ako snacks sa may 7/11 wala kayo ipapasabay?"tanong ni ivan na hawak hawak na susi ng kotse nya.

"energy drink tas pringles lang akin"sagot ko kaya napatango naman si ivan at tumingin kay marco.

"Malboro red"sagot ni akiro kaya tinignan ko ng masama si akiro. Natawa naman si ivan at umalis na kaya hinampas ko sakanya yung tsinelas ko kaya natawa naman sya.

"titigil ka lang ba pag nagkajowa ka ha?"inis kong tanong, Natawa ulit si akiro at lumapit sakin para pakalmahin ko pero inirapan ko sya at hinampas yung kamay nya.

Tumayo na ako at sinuot tsinelas ko at dumeretso sa kusina para initin yung mac & cheese na natira kagabi.

"ARAAAA"biglang sigaw ni mika galing sa sala kaya napairap naman ako at kinuha na yung mac & cheese ko sa microwave.

Sumulpot naman si reign dala dala pusa nya kaya natawa naman sya nung nakita nya ako na ngayon pa lang mag brebreakfast.

"Mahaba sermon ni kiro?"tanong ni reign. Tumango ako at napanguso kaya natawa si reign sakin at pumunta na sa sala.

Sumulpot naman si mommy hawak hawak yung phone nya. Nakita nya naman ako at agad inagaw sakin yung tinidor para makisubo kaya napasimangot ako lalo.

"I messaged our stylist to go in antipolo to do our make up for the family gatherings"sabi ni mommy kaya tumango lang naman ako at hinayaan sya.

Inagaw ko na kay mommy yung tinidor kaya natawa naman sya sakin kaya pumunta na ako sa sala para dun kumain.

Meet Me At KatipunanWhere stories live. Discover now