Chapter 5

442 14 4
                                    

Chapter 5

"K-Khal..." I accidentally uttered.

Nakita ko ang kaniyang mabagal na paglingon.


Kaya bago pa man siya tuluyang makaharap sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin at awtomatikong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinago ko rin ang papel na hawak sa aking likuran.

"Khal... u-uhmm Khal- kalye! T-tama kalye! Sa kalye mo nalang ako hintayin Papa. Palabas na ako sa iskul." Kunyari kong kausap sa telepono. Napapikit ako sa naisip na palusot.

Di ko siya nilingon dahil baka mamukhaan niya ako?

Kilala pa kaya niya ako?

Ewan pero sa mga nakalipas na taon siguro nga di na niya ako maalala.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kaniyang mapanuring tingin pero kalaunan ay parang nabunutan ako ng tinik nang nagpatuloy siya sa paglakad palayo.

Mula sa malayo ay tinatanaw ko ang kaniyang paglakad. Ang kaniyang malapad na balikat. Ang kaniyang mahabang biyas. Tila sariwa parin ang kaniyang pabango sa aking ilong.

Napangiti ako.

"Hala! Tumigil ka nga gaga! Dapat galit ka Katkat dahil iniwan ka niyang di man lang nagpapaalam." Pangaral ko sa sarili.

Hanggang sa pagdating sa bahay ay ginugulo ako ng aking isipan.

"Bakit siya bumalik?"

"Dito na talaga siya mag aaral for real?"

Bakit kaya sila umalis?"

"Hoy! Kakain na! Naka nganga ka diyan." Istorbo sa akin ni Ate sabay hampas ng mahina ng unan sa aking mukha na agad ko ring ginantihan.

Habang nasa hapag ay dala dala ko ang mga palaisipan.

"Nakabalik na pala ang pamilya ni King De Buenavista dito sa Antique. Mabuti naman at naisipan nilang bumalik." Rinig kong sabi ni Mama kaya napa alerto ako at nag focus sa pakikinig. Napansin ko rin ang pagngisi ni Ate nang mapansin niya ang aking biglaang pag uusyoso.

"Oo noong nakaraang linggo pa sila nakabalik. Laking tuwa nga ng Don dahil may kaakibat na siya sa pamamahala sa kanilang negosyo at mga lupain." sagot ni Papa.

"Kailangan niya talaga ng tulong mula sa anak na si King dahil bali-balita na tatakbo sa mas mataas na posisyon ang Don sa susunod na halalan."

"Nandiyan rin si Khal. Kahit sa murang edad ay di maitatanggi ang kakayahan." Napa angat ang aking mukha sa tinuran ni Papa.

"Ang panganay?"

"Oo. Balita ko'y dito na mag aaral ang batang yon, sa NAU." sagot ni Papa.

"Naku napakagwapong bata non! Yan ba yung dating crush mo Katkat?" mapaglarong tingin ang pinukol sa akin ni Mama kaya nabulunan ako bigla na labis nilang kinatuwa.

"Anong crush dati Ma? Crush parin hanggang ngayon!" Tawa ni Ate kaya biglang uminit ang aking pisngi.

"Ate! Hindi ah! Bata pa kami non. Di nga ako kilala non. Di ko rin siya kilala. Umalis ba namang di nagpapaalam." Bulong ko sa huling salita.

At hanggang sa matapos ang hapunan ay sentro ako ng tukso.

Napahiga ako sa kama at nakatingin sa mga glow in the dark na mga bituin na pinaskil ko sa ceiling ng bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing After A De Buenavista (Hacienda Series #2)Where stories live. Discover now