Chapter 1

1.7K 67 24
                                    

"Baby Kat halika na! Ma le-late na tayo sa misa!" Rinig kong malakas sa sabi ni Ate Mira habang kinakatok ang aking pintuan saka umalis din siya kalaunan.

"Andiyan na Ate." Dali dali kong kinuha ang aking maliit na dilaw na backpack na may naka imprintang hello kitty.

Lumabas din agad ako at dali daling pumunta sa kanila ni Mama na palabas na ng bahay.

"Bakit ang tagal ng baby ko?" Malambing na tanong ni Mama sa akin habang pumangko ako sa kaniyang hita sa loob ng traysikel. Katabi namin si Ate na pinipigilan ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Pormang porma nga Ma. Tingnan niyo ho, lahat ata ng gamit niya na may hello kitty sinuot niya." Ate chuckled. Lumawak naman ang aking ngiti sa pagbanggit niya ng hello kitty. Suot suot ka kasi ang terno na yellow na tshirt at skirt na binili ni Papa ng nakaraan. Pinares ko din ang sapatos na sky blue, relo, at malaking headband at bag na lahat ay may hello kitty na design.

"Akalain mong may naglalakad na Christmas lights sa umaga." Hagalpak na tawa ni Ate kaya napanguso ako.

"Hayaan mo na nga Mira. Ikaw talaga, walong taon palang itong kapatid mo kaya hayaan mo na. Saka nang bata ka nga parang araw araw Valentine's day kasi parati kang naka pula at naka Mickey Mouse." Tumawa din si Mama kaya napabusangot ng mukha si Ate saka tumahimik. Ate Mira is already fifteen years old, tiningnan ang suot niyang puting tshirt na may mukha ng mga lalaking may hawak na gitara saka pantalon na parang di na magkasya sa kaniya. Ganoon din ang pormahan ng anak ng kapitbahay namin na kaedad niya. Di ko maintindihan pero di hamak na mas maganda ang suot ko.

Habang nagbabyahe papuntang bayan ay binuksan ko ang bag at kinuha doon ang lollipop saka ko pinasok sa aking bunganga. Halos pitong minuto lang kasi ang distansya ng bahay namin sa bayan. Tumingin ako sa daan at nag aabang kung may dadaang sasakyan. Madalang lang kasi ang sasakyan dito pero ang inaabangan ko talaga ay ang mga maiingay na motorsiklo na nilalabasan ng itim na usok ang tambutso. Di ko alam kung baliw ako o adik pero nababanguhan talaga ako sa usok na iyon o di kaya ay sa amoy ng gasolina. Siguro sa kalsada ako ginawa nina Mama at Papa o di kaya ay pinaglihi ako usok. Ewan ko ba.

"Baby Kat maaga pa. Mamaya na yan, papasok pa tayo ng simbahan." Mama warned me kaya binilisan ko ang pagdila sa lollipop saka binalik ko ang balot saka nilagay sa bag.

Linggo ngayon kaya magsisimba kaming tatlo. May trabaho kasi si Papa sa hacienda, isa siyang assistant supervisor. Doon din nagtratrabaho si Mama kaso bakante siya tuwing linggo di gaya ni Papa na all time. Kaya mapalad kami dahil di man kami maituturing na sobrang yaman, kahit papano ay nakakaluwag kami sa buhay.

Sa nakalipas na taon ang Hacienda De Buenavista na ang bumubuhay di lamang sa amin kundi gayon din sa buong bayan ng Bugasong. Dahil ang bayan ng Antique ay sagana sa likas ba yaman at malawak na lupain, di maitatangi na dito nabibilang ang mga mayayaman at kilalang Hacienda sa buong bansa. Gaya na lamang ng Hacienda Aragon na kilala sa mangga, Hacienda Salazar sa produktong saging, Hacienda Alarde sa mais at marami pa. Ang Hacienda De Buenavista naman ay kilala sa produktong niyog.

Ika ni nanay, suwerte daw kami dahil mabait ang mga De Buenavista at maliban rito ay kilala rin sila sa larangan ng pamumuno dahil ang mga ninuno daw nila ay magagaling na lider. Sa kasalukuyan, si Don Vicente De Buenavista ang siyang namumuno sa hacienda na siya ring Alcalde ng bayan.

Nang makababa kami sa tricycle ay hawak hawak ni Mama ang aking kamay habang papasok sa simbahan. Di pa gaanong matao dahil may oras pa naman kaya agad na namasyal ang aking mata sa buong paligid. Huminto kami at pupuwesto na sana sa ika-apat na hanay ng mahabang silya sa bandang unahan nang may binati si Mama.

"Magandang umaga ho Don Vicente, Donya Crisanta." Ngumiti ang dalawang matanda. Don Vicente? Parang kapangalan niya ang Alcalde namin.

"Magandang umaga din Karina, hali kayo at dito kayo umupo sa tabi namin." Alok ng Donya. Napansin ko na malawak pa nga ang espasyo sa upuan nila. Di naman nakatanggi ang Mama at umupo na kami. Sa dulo ay ang Don tapos ang Donya, ako, si Mama at sa kabilang dulo ay si Ate Mira.

Chasing After A De Buenavista (Hacienda Series #2)Where stories live. Discover now