Chapter 3

723 41 7
                                    

Chapter 3

 

Pabalik balik ang aking tingin sa pintuan sa office ni Papa. Bawat pagbukas sarado ng pinto ay inaabangan ng aking mata. My eyes would fell in dismay if the person I wanted to see so bad isn't the one entering.

Napabuntong hininga ako. Mag aalas onse na nang umaga at halos tatlong oras na akong naghihintay sa kaniyang pagbabalik.

"Katkat kumain ka na ba? Pumunta ka muna sa canteen at mag meryenda." salita ni Papa nang napansin ang aking kalungkutan.

"Mamaya na pa. Busog pa naman ho ako." Napabalikwas ako ng upo nang bumukas ang pintuan at pumasok si Don Vicente pero sumarado ito nang walang Khal na pumasok. Ganoon talaga siguro ang mayayaman, sa dami ng kinaaabalahan sa buhay ay madalas nakakalimutan ang mga maliit na bagay. Sino ba naman ako para pag ukulan niya ng pansin at panahon. Binati ko ang Don at di na nagtanong pa.

"Magmemeryenda nalang muna ako Pa." Pagbukas oo ng pintuan ay isang pares ng sapatos ang aking nakita kaya tinunton ko ito pataas.

"Morning." Khal greeted me with his serious face. Somehow I felt butterflies in my tummies.

"A-ah... akala k-ko." I stammered.

"Sorry I'm late. Nagpunta pa kasi kami ni Lolo sa isang store sa bayan para bumili nito." Inangat niya ang kaniyang kamay at kumunot ang aking noo sa dala niyang mga board games. Madami, may scrabble, domino, snakes and ladders at kung ano ano pa.

"P-para saan to Khal?" I asked.

"To keep us busy obviously." He uttered.

"Di naman kailangan."

"Araw araw akong sasama kay Lolo dito kaya mas mabuti na rin to. Besides, this is for me... w-wag kang assuming." Tumikhim siya at umiwas ng tingin.

"Let's go." Tumalikod na ito at sumunod naman ako nang may nakakalokong ngiti sa labi.

 
Khal is a very straightforward kid. His words are direct at kung di mo siya lubusang intindihin ay iisipin mong napakasama niyang bata pero I know na deep inside mabait siya.

 
"Akala ko maglalaro tayo? Bakit ako lang?" Tanong ko sa kaniya. Napaangat siya ng tingin saka nagpabalik balik ang mata sa akin at sa chessboard na nakalatag sa mesa. I arched my brows waiting for his response.

Binaba niya ang cellphone na hawak saka lumapit ng husto sa banda ko. Napangiti naman ako nang maamoy ang kaniyang pabango.

"You know how to play this?" He asked as he arranged the pawns on the board.

"Hindi." Nakangiti kong tugon habang di parin inaalis ang tingin sa kaniya na kinakunot ng kaniyang noo.

"Then how are we suppose to play this?"

"Edi turuan mo ko!" masaya kong sabi. Napabuntong hininga nalang siya.

Agad niya naman akong tiniruan. Hindi ko alam na ganito pala ka komplikado ang larong ito.

"The King is important because if its exposed, it's game over." He explained.

"Importante rin naman ang Queen ah! Bakit ang hari lang kailangang protektahan?" pagkaklaro ko.

"Because that's the rule. Of course the Queen is important too but the game will be over once the King is checked." He defended.

"Hindi! That is called gender discrimination, nabasa ko yan sa book ni Ate. Nakalagay pa don... Stop stereotyping!" May paninindigan kong sabi.

"We're talking about Chess Katkat, hindi gender sensitivity. Saka alam mo ba ang kahulugan ng stereotyping?"

"Aba! Oo n-naman. A-ahmm ano yan... yung ano ba." napakamot ako ng ulo.

Chasing After A De Buenavista (Hacienda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon