Chapter 2

850 51 15
                                    

Siguro sa sobrang kapal ng mukha ko ay di ako nahiya. Biglang kumunot ang mukha ni Khal kahit na napuno na ng halakhak ng Donya ang buong kwarto.

"Apo narinig mo naman siguro ang tinuran ng batang ito." Ika ng Donya. Nakangiti kong nilingon si Khal na lalong bumusangot ang mukha nito at pasupladong umirap saka naglakad papasok sa opisina na sinundan ko lang ng tingin.

"Suplado talaga ng batang iyon."

"Okay lang ho Donya. Gusto ko parin siya." Himutok ko sabay ngiti na lalong kinatuwa ng matanda. Di nagtagal ay pumasok na sila sa loob. Gustuhin ko mang manatili ay kailangan kong bumalik kay Mama.

Nang mga sumunod na araw ay lalong kumalat sa buong pagawaan ng pabrika ng mga De Buenavista ang tungkol sa pagkahumaling ko sa batang haciendero. Kaya naman tuwing ako'y masilayan ng mga manggagawa ay inuulan ako ng tukso at kantiyaw. Kahit ganoon pa man ay para akong nasisiyahan dahil sa lalong pagpapalapit sa amin ni Khal.

Dahil sa mura kong edad ay di naman ito lubusang sineseryoso nina Mama at Papa peron gayon pa man ay pinaaalahan nila ako tungkol sa tamang uugali at kontrol.

"O Kat malungkot ka ata? Di mo na naman ba nakita ang iyong sweetheart? Ilang araw na ba ang nagdaan?" Tanong ni Auntie Letty na kasamahan ni Mama sa accounting department isang araw dahil nadatnan niya akong malungkot na nag aabang sa bintana. Halos mag iisang linggo na rin simula nang makita ko si Khal. Di ko maitatanggi na lubos akong nalulungkot pero alam kong di naman niya tungkulin ang pumunta rito dahil busy ito sa pag eeskwela.

"Letty hayaan mo na ang bata
Kaya lalong nagpupursige eh." Naiiling na sabi ni Mama.

Nagpumiglas ako at agad na lumabas nang matanaw sa di kalayuan ang pagbaba sa kotse ni Khal kasama ang Lolo nito.

"Hi Khal! Hello po Don, magandang umaga!" Masaya kong bati nang makalapit ako sa kanila. Tumingin sa akin ang Don at lumapad ang ngiti.

"Magandang umaga din sa iyo munting prinsesa." Bati ng matanda na nagpangiti sa akin saka ako bumaling sa naka busangot na mukha ni Khal. He looked away when he realized I'm ogling him.

Patuloy silang naglakad at para naman akong tutang sumunod sa kanila.

"Hanggang anong oras kayo dito?" Tanong ko habang nakangiti. Akala ko ay di siya sasagot subalit binuka nito ang kaniyang bibig.

"Alas singko." Tipid niyang sabi.

"Kung gayon ay sasamahan muna kita." Nabigla siya sa aking sinabi kung kaya't huminto siya saka tumingin sa akin pero nagpatuloy din hanggang sa makapasok kami sa kanilang opisina.

"Katkat?" Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Papa nang makita niya akong nakasunod kay Khal.

"Sinamahan ko ho Papa si Khal." Magsasalita pa sana si Papa pero inunahan na siya ng Don.

"Hayaan mo na Romeo at naranasan mo rin iyan ng kabataan mo." Halakhak ng matandang Don kay Papa at sabay silang pumasok sa office ng Gobernador at naiwan kami ni Khal.

Pumunta siya sa mahabang couch at umupo naman ako sa di kalayuan. He's sitting like a young prince habang ako naman ay nakangiting pinagkamasdan siya na parang asong naghihintay ng atensyon ng kaniyang master. His brows met the moment he gazed at me, I smiled widely. We're like two kids trapped inside a room na walang imikan.

Sumapit ang tanghalian at lumabas ang Don.

"Khal go to the canteen and grab a lunch, Romeo and I have a long talk."

"Mamaya na Lo. I'm full." He answered. Habang ako naman ay pabalik balik ang tingin sa dalawa.

"Don't oppose me. You haven't eaten your breakfast young man so go on. Let Katkat accompany you." Ngiti ng Don namg bumaling sa akin na kinalapad ng ngiti ko. Di na umangal si Khal at tumayo na ito at lumabas na sinundan ko naman.

Chasing After A De Buenavista (Hacienda Series #2)Where stories live. Discover now