JACOB

237 12 0
                                    

JACOB POV

Pag pasok namin dito sa Wendy's nakita nga namin sila Nam na nandito kasama yung iba pa nilang kaibigan na taga ibang section.

"Dito na lang tayo" sambit ni Kyle at nauna nang umupu.

Sila Lucas At Kise nadin ang nag order nang kakainin namin pag balik nilang dalawa nakita naming pumasok sila Oliver. At pumuwesto sa kabilang gilid at saka siya ulit tumayonat lumapit sa puwesto nila Krishna.

Tinitignan lang namin sila hanggang sa may biglang dalawang dumating at lumapit sa puwesto din nila Krishna.

Nagulat kame nang halikan nung isang lalaki si Krishna sa pisngi.

"Sino yun?" Biglang tanong ni Kyle habang naka tingin padin sa puwesto nila Krishna ying isang lalaki naman ay lumapit kay Nam at nakipag besohan sa kaniya.

"Teka si Khairo Darious yung bumeso kay Nam?" Kunot na sambit ni Kise agad naman napatingin sa kaniya sila Ace at Kaiden

"Kilala mo?" May pag tatakang tanong ni Kaiden sa kaniya.

Tumango naman agad sa kaniya si Kise at sinabe niya kung paano niya na kilala si yung Khairo.

"Kaya pala" walang ganang sambit sa kaniya ni Kaiden.

Nakita namin na tinawag ni Lurein yung lalaking humalik sa pisnge ni Krishna pag tapos nun ay binatukan na lang siya bigla ni Lurein.

"Boyfriend siguro ni Krishna yun" seryosong sambit ni Archius kaya napatingin sa kaniya si Ace.

Kanina ko din na hahalata na ang sama tumingin ni Kaiden at Ace sa dalawang lalaki na kararating lang maski si Oliver ay ang sama din nang tingin sa lalaking humalik kay Krishna.

Sakto naman na pag tapos naming kumain ay tumayo din sila Luxeen nang maglakad sila ay tumayo naman agad si Ezekil at hindi sinasadyang nag kabangan sila nung Khairo

Agad namang nag sorry yung Khairo kay Ezekil, pero hindi niya ito pinansin dahil kay Sydney siya naka tingin.

"Woi!! San kayo?" Biglang sambit ni Kyle nang lumapit ito sa tabi ni Ezekil.

"Uuwi na bakit hahatid mo kame?" Pag sisingit naman na sambit nung isang babae na katabi ni Lurein.

"Pauwi na" maikling sambit din ni Sydney sa kaniya at ngumiti nang pilit.

"Ah guys mauuna na kame nila Yvy At Eunoia ah" biglang sambit naman ng kapatid ni Krishna at ngumiti ito saamin.

"Hatid nanamin kayo, diba Clyden" pag aalok na sambit naman sa kanila ni Christopher sumang ayon naman sa kaniya yung dalawa din naming kaklase. Kaya na palingon naman agad sila Reiss sa kaniya na naka kunot ang noo.

"Khairo, Calix hindi ba sasamahan nyo sila Yvy at Lili sa VCM?" Ngiting sambit naman sa kanila ni Christopher. Nag tatakang tumingin sa kaniya yung Calix.

"Oo nga pala anong oras nga ulit yun Vy?" Biglang tanong ni Khairo sa kaniya at ngumiti ng pilit..

Napatingin naman ako kay Lurein nang tignan niya ang mga kaibigan nila na nag tataka hindi niya siguro alam na may biglaang lakad ang mga ito

Mga nag papalusot pa!.

"Sige mauuna na kame Luna una na kame. Bro pwedeng favor? Kayo na bahala kila Luna ah salamat" sabay alis nila Christopher at nung mga kasama din nila Lurein kaya ang ending naiwan sila Luxeen sa harapan namin na nag tataka.

"Saan daw sila pupunta?" Pagtatakang tanong ni Sydney sa kanila habang naka tingin sa pintuang nilabasan ng mga kaibigan nila.

"VCM daw san yun" kunot din na tanong ni Reiss sa kaniya.

"Victory Central Mall" kunot noong sagot sa kanila ni Lurein.

"Huh?... Victory Mall lang ang alam kong meron ah" kunot din na sambit sa kanila ni Cheska napalingon naman agad sa kaniya si Lurein.

"Yun nga yun di mo lang sinabe yung Central" singhal na sambit sa kaniya ni Lurein

Agad naman napalaki yung mata ni Cheska nang magulat ito'ng tumingin kay Lurein

"Ang layo nun ah gagawin nila doon" pag tatanong padin ni Cheska kay Lurein

"Bakit si Luna tinatanong mo?" Natatawang tanong sa kaniya ni Reiss.

"Bakit alam mo ba?" Takang tanong sa kaniya ni Cheska habang naka taas ang kabilang kilay niya. Pag tataray.

"Hindi" maikling sagot niya kay Cheska.

"Sino yung mga yun" takang tanong ni Ezekil habang naka kunot ang noo.

Nag salita din ang buong akala ko tititigan niya lang si Sydney mag hapon.

"Ex ni Sydney yung Khairo na nang liligaw na kay Nam ngayon. Fiance naman ni Krishna yung isa" seryosong sambit ni Cheska

Kunot noo naman akong na patingin kay Nam. Takang tumingin naman sila Ace kila Krishna.

"Luna Pasok!!!" Natatawang pang aasar na sambit ni Reiss sa kaniya. Napa irap na lang si Lurein

"Bakit nasa labas ba ko?" Pag tataray ni Lurein.

"Anong Fiance?" Pag tatakang tanong naman ni Luxeen at tumingin kay Lurein

"Ewan ko diyan kay Cheska kung ano pinag sasabe. Si Nam lang ang alam ko diba nang liligaw sayo si Khairo?" Seryosong sambi ni Lurein at tumingin na nag tataka kay Nam nang tanungin niya ito.

Tumingin ako ng seryoso kay Nam nang tumango ito. At biglang tumingin kay Kaiden na naka tingin lang din sa kaniya na walang expression.

"Diba Fiance mo si Calix Krishna" pag tatanong ni Cheska sa kaniya.

"Huh? Hindi ah" pag tatangi'ng sambit sa kaniya ni Krishna

"Bakit ka niya hinalikan sa pisnge?" Biglang tanong ni Ace sa kaniya kaya na patingin agad si Krishna at Cheska sa kaniya.

"Nakita nyo?" Natatawang tanong ni Cheska.

"Nang aasar lang si Calix" biglang sambit ni Lurein " mag kakilala sila ni Oliver"

"Magka kilala sila?" Pagtataka ni Cheska.

"Oo naging tanga ka lang sa part na pinakilala mo pa sila sa isa't isa."

Grabe naman mag salita tong si Lurein napaka literal!. Walang preno ang bibig.

"Tara na may gagawin pa ako" pag yayang sambit ni Lurein sa kanila at nauna nang lumabas.

Sumunod naman agad sa kaniya sila Luxeen kaya naiwan kaming nakatayo pa dito.

Hindi na namin sila sinundan dahil pag labas namin ay si Luxeen na lang ang nag paalam na mauuna at mag ta-taxi na lang daw sila.

"White house?" Takang tanong ni Kise.

"Tara" bagot na pag sasangayon naman sa kaniya ni Ace.

Hindi talaga magandang sundan ang mga taong hindi dapat sinusundan. Bakit nga ba kase kame sumunod sa mga yun.

TO BE CONTINUED..

Oxford Academy II (The Only Girl In The Oxford Academy)Where stories live. Discover now