CHAPTER 13

193 7 0
                                    

LUXEEN POV.

"Anong ginagawa nang isang estudyante ng Oxford dito?."

Sambit nang isang doctora habang naka tingin sa chart ni Neczeus. Tumingin siya saakin na naka taasa ang isang kilay nang ibigay niya ang chart na hawak niya sa nurse na kasama niya.

"A-ah... Hello po kaibigan po ako ng Pasyente. A-ah.... Ano p-po wala... Na-naman na po k-kaming pasok"

na uutal na sambit ko sa kaniya. Siya ata yung sinasabe nila na si doktora Venus kung siya nga yun. Totoo ngang mataray at maldita nga siya.

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. bago sa lumabas ng kuwarto ni Neczeus.

"Woah...!!! Grabe! Nakakatakot siya para akong mahihimatayin dahil sa takot sa kaniya."

Sambit ko sa sarili ko habang naka hawak sa dibdib ko na parang aatakihin. Lumapit ako sa hospital bed ni Neczeus at naupo sa tabi nun.

"Grabe siya daig niya pa si miss minchin ng princess sara nakaka takot yung aura at mga tingin niya"

Sambit ko kay Neczeus na alam kong hindi niya ako naririnig dahil hindi pa naman ito nagigising hanggang ngayon.

"Teka woi. Neczeus baka gusto mo nang magising diyan ilang mag iisang taon kanang tulog!"

Sambit ko sa kaniya at saka siya tinapik sa braso niya baka sakaling gumising.

"Luxeen? Ikaw pala yan anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako nang pumasok si Lili at iniligay niya yung dala niyang paper bag sa mini table at yung bulak-lak.

"Wala binibisita lang naman sitong prince charming mo na hanggang ngayon di parin nagigising. Oo nga pala ikaw lang ba nag babantay dito kase di naman nag pupunta si Cheska."

Pag tataka kong tanong sa kaniya. Napapansin ko kaseng hindi man lang umabsent nang isang beses si Cheska.

"Tuwing gabi lang naman nag pupunta dito si Cheska, wala ba kayong pasok?"

"Meron nag half day lang ako. Di ka pala pumasok?" Ako naman ang nag tanong sa kaniya.

"Oum. Ngayon lang naman wala kase si Aling Felisa na nag babantay kay Neczeus kaya sabe ko kay tita ako na lang muna tutal di naman ako pumasok. Oo nga pala sila Luna? Kasama mo?"

Pag tataka niya nang mapansin niyang wala si Luna.

"Kasama ko sila. nasa office lang si Luna, nasa mommy niya. sila Cheska naman pupunta din yun dito bumili lang saglit."

Naka ngiting sambit ko sa kaniya. Maya-maya ay dumating na nga si Cheska at Reiss kasunid naman niya si Nam at Krishna.

"Si Luna?"

Pag tatakang tanong ko nang hindi ko nakita na kasama nila.

"Ah nasa labas may kausap na..., Ewan ko matandang lalaki eh"

sambit ni Reiss at naupo sa couch at binuksan yung isang biscuit.

"Oh ayan na si Luna." Sambit ni Nam at saka itinuro si Lurein na kapapasok lang nang kuwarto.

"Bakit?" Pag tataka niya. At tumingin saamin.

"Hanap ka ni Luxeen" maikling sambit ni Krishna kaya nag tatakang tumingin saakin si Lurein.

"Ano sabe nang mom mo?" Pag tataka kong tanong sa kaniya.

"Ganun padin, tulad nang dati si doktora Venus na lang daw ang bahala kay Neczeus" maikling sambit niya.

Oxford Academy II (The Only Girl In The Oxford Academy)Where stories live. Discover now