CHAPTER 11

249 10 2
                                    

JACOB POV

"Tigil-tigilan mo na lang at wag kanang pumatol" pag sasaway na sambit ni Lucas kay Oliver.

Nandito kame ngayon sa white house kung saan kame madalas tumambay.

"Lucas. Iba ang sitwasyon mo sa sitwasyong meron ako wag mo kong pangunahan" sambit sa kaniya ni Oliver.

"Oliver pinag sasabihan ka lang ni Lucas wag kang magalit agad sa kaniya at saka isa pa ikaw ang nag hahamon hindi sila"

Seryosong sambit ko sa kaniya at ininom ang natitirang juice sa baso ko.

"Parehas lang tayo Jacob! Akala mo ba hindi ko alam."

"Mag kaiba tayo dude!. Ikaw ang nag hahamon ako hinahamon mag kaiba yun!"

"Tumigil na kayong dalawa." Pag sisita ni Ace.

"Tumigil na kayo baka kayo pa ang mag away"

Sambit ni Neczeus habang nag lalagay nang bandage sa kamay niya. Pati siya na dadamay na sa mga gulo ni Oliver.

"Neczeus wag kang masyadong mag sama-sama kay Oliver baka pati ikaw madamay sa gulong pinasok niya." Sambit ni Lucas sa kaniya.

Tinignan naman siya ni Oliver at saka umiling at tumayo sa kinauupuan.

"Ang mag kakaibigan nag tutulungan!" Seryosong sambit ni Oliver.

Sumagot naman sa kaniya si Lucas dahilan nang pag tatalo nilang dalawa.

"Dude ang saamin lang ayaw namin nang gulo!" Inis na sambit ko sa kaniya dahilan nang pag taas ng boses ko.

Sa inis ni Oliver ay Lumabas na lang ito at hindi na namin alam kung saan siya pupunta.

********

"Di mo man lang tinanung kung saan pupunta yung tatlo?" Takang tanong ko kay Kaiden nang bigla na lang umalis si Archius, Ace at Ezekil.

"Hindi diyan lang naman sila sa Council building nag pupunta hindi ba?"

"Si Ezekil nasaan?"

Napalingon agad ako nang biglang lumapit si Lurein sa puwesto namin at hinahanap si Ezeki.

"Ayun lumabas" matipid kong sagot sa kaniya.

"Ah sige" maikli niya ring sambit at saka bumalik agad ito sa puwesto nila.

"Hakob!!.. pahiram naman nang notes mo sa History" tinignan ko nang masama si Nam nang tawagin nanaman niya ako sa pangalan binansag niya saakin.

"Here ito na lang notes ko ang gamitin mo" sabay abot ni Kaiden nang notebook niya kay Nam na agad din naman niya kinuha.

"Wala ka bang notes sa History" pag tatakang tanong saakin ni Nam.

"Meron wala nga lang sulat nakakantok yung history subject kaya tinutulugan ko na lang."

"Meron hindi mo maintindihan kaya wag mo nang balaking hiramin pa" sambit ko sa kaniya.

Pagka irap niya saakin ay bumalik na siya sa tabi ni Cheska.

"Manghihiram na nga lang galit pa?"

Napatingin kame nang pumasok si Lucas kasama niya si Kise at Kyle.

"San kayo nang galing?" Salubong na tanong sa kanila ni Kaiden.

Oxford Academy II (The Only Girl In The Oxford Academy)Where stories live. Discover now