CHAPTER 28

141 5 5
                                    

LUXEEN POV

"Anong tingin mo kay Ace." Sambit ni Archius saakin habang nag lalakad kame sa hallway pa puntang deans Office.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya at nag tataka

"Huh bakit ano bang meron?" Pag tatakang tanong ko sa kaniya.

"May gusto ka ba sa kaniya" seryoso niyang tanong bigla.

"Ako" itinuro ko pa ang sarili ko nang huminto ako sa pag lalakad dahil sa biglang pagtanong niya.

Tumango lang ito kaya napatawa na lang ako sa kaniya.

"AHAHAHAHA... Gwapo si Ace, Matalino mayaman nasa kaniya na nga ata lahat ng ideal boyfriend ng mga babae pero HAHAHAHA. Hinding-hindi ako mag kakagusto kay Ace. Di ko siya trip marehas lang sila ni Lurein although na mas nakakatakot nga lang si Lurein HAHAHAHA bakit mo naman na tanong?" Takang tanong ko paden sa kaniya.

"Ah" maikling sambit niya.

"Bakit may gusto ka ba kay Krishna?" Biglang tanong ko sa kaniya. Pabiro lang yun pero seryoso niya agad akong tinignan.

"Ikaw ang gusto ko" Sambit niya napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabe niya.

Teka anong sabe niya ako?. Anong.... Bakit ako ang gusto niya? Seryoso ba siya.

"Huh?" Sambit ko na lang sa kaniya nag kunwaring hindi narinig yung sinabe niya

Sana wag niya na lang ulitin..

"Wala bilisan na lang natin mag lakad para maka balik tayo agad sa classroom." Sambit niya at saka ngumiti at nag lakad na nga kame pa dean office.

Grabe naman kase.

Pag balik namin nang classroom tahimik lahat ng mga classmate namin tapos naka tayo sila Lurein ant Ace sa harapan ng board.

Anong meron nawala lang kame saglit. Bakit tumahimik?

Bumalik kame sa puwesto ni Archius pagka upong pagka upo ko ay tumabi bigla si Kyle sa akin.

"Tagal nyo" Sambit niya lang sa akin kaya tinignan ko siya na nag tataka.

"Anong meron. Bakit ang tahimik nyo ata?" Pag tatakang sambit ko sa kaniya.

"Ayan nag hahamon na naman si Oliver nang away." Sambit niya lang sa'kin.

"Nag hahamon bakit?" Pag tatakang tanong ko pa din sa kaniya.

"Paano keso daw sinusulsulan daw nila Lurein si Krishna na wag daw siyang kausapin sinungod niya banaman si Lurein kanina." Pag kukwento pa din ni Kyle sa'kin.

"Anong ginawa ni Lurein, Nung sinugod siya ni Oliver" Tanong naman bigla ni Archius.

"Wala tinignan niya lang si Oliver na parang walang ng yayari" sambit niya padin. "Tapos ayun lumapit naman itong pinsan mong si Lucas tinanong niya si Oliver kung anong kaylangan niya nagalit naman agad si Oliver" pag kukwento pa din ni Kyle.

"May anger issue ang gago." Sambit na lang ni Archius.

"So anong ganap naman nitong ni Ace?" Pag tataka.

"Ayun na nga ang exciting part diba sinugod nitong Oliver si Lurein tapos lumapit din tong si Lucas eh Mag kasabay pumasok si Krishna at Ace ayun kay Ace binaling. Sinapak niya bigla si Ace kaya kaya naka tikim ng sampal si Oliver galing kay Krishna." Sambit pa din ni Kyle saamin lumapit din si Kise.

"Deserve sayang wala kayong dalawa lutong nang pagkakampal ni Krishna kay Oliver par.." Sambit naman ni Kise.

"Nasan si Krishna?" Pag hahanap ko ngayon ko lang din na pansin na si Lurein lang ang nandito. Nasan sila.

"Pagka sampal.na pagka sampal kase ni Krishna nag walk out sinundan naman din nila Cheska. Mabuti ma lang wala si Jacob teka na pansin nyo ba yung dalawa lumabas din kase kanina" sambit ni Kise

"Ang buong akala ko nandito lang kayong lahat sa classroom" sambit ni Archius sa kaniya.

"Edi kung nandito silang lahat mas malala pa yung mangyayari" sambit ko kay Archius na sinang ayunan naman nang dalawa.

"Pero teka nasan nga ba yung dalawa?" Pag tataka ko.

"Pumuntang Hospital saglit diba yung kay Neczeus" sambit naman ni Kise.

Oo nga pala hindi pa pala namin nadadalaw kakambal ni Cheska. Two weeks na din pala.

"Okay ka lang?" Sambit ni Archius sa'kin.

"Huh oum yayain ko na lang sila Cheska na dalawin din si Nec mamaya pag uwi" sambit ko sa kaniya at pilit na ngumiti.

"EH KUNG PINABABAYAAN MO LANG SANA SI KRISHNA AT DI NYO SINUSULSULAN EDI SANA KINAKAUSAP NIYA PA DIN AKO!." Biglang sigaw na sambit ni Oliver kay Lurein.

"Baliw." Sambit na lang ni Lurein sa kaniya at saka lumabas nang classroom.

"Oliver. Layuan mo si Krishna ayaw kana kausapin nung tao pinipilit mo pa din yang sarili mo" walang ganang sambit naman sa kaniya ni Ace.

"Kung ikaw ang lumayo kay Krishna. Pumapapel ka ding hayop ka!.." Galit na sambit ni Oliver sa kaniya

Tinignan lang siya ni Ace at napailing na lang bago ito bumalis sa puwesto niya sa bandang harapan ko.

"Kapal nang mukha" sambit ni Kyle at tumingin sa gawi ni Oliver.

"Wag mo na lang patulan" maikling sambit ko.

Baka pag pinatulan siya ni Ace paniguradong gulo nanaman to hindi na pwedeng masangkot sa away ang mga to kung hindi di na sila ga-graduate.

"Luxeen may nag hahanap sayo sa nasa canteen sila" sambit nang isa sa mga classmate namin pag pasok niya ng classroom

Sino naman kaya nag hahanap sakin napatingin ako kay Archius na naka tingin din saakin na nag tataka.

TO BE CONTINUED....

Oxford Academy II (The Only Girl In The Oxford Academy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz