CHAPTER 26

112 7 3
                                    

ACE POV

"HAYOP KAYO PAG AKO NAKA WALA DITO LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!!" Galit na galit na sigaw ni Oliver habang nag pupumiglas sa pagkakatali sa kaniya sa upuan.

"Mas hayop ka.." Seryosong sambit ni Jacob sa kaniya.

"Sa tingin mo hindi namin malalaman kung anong ginawa mong katarantaduhan kay Krishna at Luxeen!" Galit na sambit ni Kaiden at Kise.

Pinag mamasdan ko lang si Oliver at pinipigilan ko ang sarili ko na gumawa nang hindi maganda sa totoo lang ay gusto ko na siyang sapakin.

"Tangina nyo kayo talaga ang unang gumagawa nang gulo. Gusto nyo nang gulo puwes bibigay ko sainyo." Ngising sambit ni Oliver kaya lumapit ako sa harapan niya.

"Ito ang tandaan mo oras na lumapit ka pa kay Krishna at masaktan mo lang siya lalong lalo na si Luxeen hindi lang ito kaya naming gawin sayo!" Sambit ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako nang masama bago siya tumawa nang nangaaasar.

"Lahat na lang ba nang meron ako kukunin mo saakin wala ka ba talagang originality Ace! Tandaan mo to si Krishna. Saakin lang siya saakin lang si Krishna" Natatawang sambit niya sa sobrang galit ko ay sinapak ko siya nang tatlong beses at saka na ko pinigilan nila Kaiden nang didilim na talaga paningin ko sa lalaking to.

"Tignan natin" galit na sambit ko sa kaniya at saka ako umalis sa harapan niya baka hindi ko matansa ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko sa kaniya dahil sa inis..

Kinabukas ay naka salubong ko si Krishna na mag isa na papasok palang.

"Hindi mo kasama sila Lurein" Sambit ko sa kanila nang sabayan ko siya sa pag lalakad sa hallway papasok nang classroom.

"Anak ka nang hari!!!.Ano ba Ace bigla bigla ka na lang sumusulpot" Gulat na sambit niya habang naka hawak pa ito sa dibdib niya

Napatigil din ako at napatingin sa kaniya dahil sa reaction niya halata ngang nagulat siya sa biglang pag sulpot ko sa tabi niya.

Natawa na lang ako sa reaction niya kaya sinamaan niya agad ako nang tingin.

"Sorry akala ko kase alam mo nang nasa likod mo ko kanina" Sambit ko siya habang pinipigilan ko ang pagtawa ko.

"Huh?... Hindi ah di ko nga alam na kanina ka papala nasa likuran ko eh" sambit niya kaya natawa na lang ako sakaniya at pinisil ang pisngi niya nagulat pa siya nang ginawa ko sa kaniya yun.

"Nasan sila Lurein" takang tanong ko sa kaniya.

"A-ah. Naunan na kong pumasok dito nasa parking pa ata sila" nauutal niyang sambit bigla.

"Next time hintayin mo sila baka mamaya niyan maka salubong mo si Oliver" pag papaalalang sambit ko sa kaniya.

"Okay po" natatawang sambit niya. Kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya.

Pag dating namin sa classroom ay si Oliver palang ang nasa classroom. Napatingin agad ito saaming dalawa ni Krishna. Nginisihan ko siyang nang tumingin siya saakin samantalang hindi siya pinansin o tinignan man lang ni Krishna at nag dere-deretso lang ito sa puwesto niya sa tabi nang upuan ko.

"Tara sa coridor hintayin natin sila Luna" Sambit ni Krishna nang ilapag ko sa upuan ko ang bag ko.

Tumango lang ako sa kaniya at sinundan siya palabas nang classroom. Agad siyang dumungaw para makita niya ang mga estudyante na pa akayat sa school building sumandal lang ako at tinignan siya.

"Ace na disappointed kana ba sa sarili mo" Tanong niya bigla. Saakin

Umayos ako nang pag kakasandal ko at ginaya ko ang posisiyon niya na nakadungaw sa coredor.

"Oo lalo na kung yung gusto kong patunayan sa sarili tapos hindi ko na gawa. Mga ganun. Bakit mo naman pala na tanong?" Kunot noong pag tataka kong tanong sa kaniya.

"Wala lang same kayo ni Luxeen HAHAHAH" Sambit niya at saka siya na tawa.

"Oh. Bakit nandito kayong dalawa sa labas?" Tanong ni Reiss na kararating lang kasama sila Cheska at Luna.

"Good morning. Wala lang nag papahangin lang kanina pa kayo. bakit ngayon lang kayo umakyat"

"Nag pahangin lang din" Sagot din sa kaniya ni Reiss.

"Sila Lucas wala pa din ba?" Pag tatakang tanong ni Cheska

"Ayan na nasa likuran nyo na" Sambit ko at tinuro sila Lucas na kararating lang din

"Si Luxeen?" Takang sambit ko  nang maka lapit ang mga ito saamin.

"Ayun kasama ni Archius nasa canteen" Sambit ni Kyle.

"Sige. Tara" Sambit ki kay Krishna at saka siya hinawakan sa kamay.

"Woi saan kayo pupunta sama nyo ko" Pasigaw na sambit ni Kyle nang maka layo kame sa kanila.

"Tumahimik kana lang diyan" natatawang sambit naman sa kaniya ni Kise.

Pag dating namin sa canteen nakita na agad namin yung dalawa habang kumakain.

"Woi ano ginagawa nyong dalawa dito?" Takang tanong ni Archius.

"Mag papalibre. Wala tara may pupunta tayo" sambit ko kay Archius.

"Kasama kame?" Takang tanong ni Luxeen ata saka tinignan si Krishna.

"Syempre hindi babalik muna namin kayo sa classroom may pag memeetingan kase kame mga student officer." Paliwanag na sambit ko sa kaniya.

"Kaya naman naming bumalik sa classroom" Sambit ni Krishna kaya na patingin ako agad sa kaniya.

Alam ko naman na kaya nilang dalawa bumalik kaso baka maka salubong nila si Oliver wag na.

"Sige na hatid muna namin kayo. Doon mo na ubusin yang kinakain mo Lux" Sambit ni Archius sa kaniya.

Pag balik namin nang classroom ay tinawag ko lang si Jacob, Lucas at Kaiden.

"Bro may gusto kaba kay Luxeen" biglang tanong ni Kaiden kaya napatingin kame sa kaniya.

"Wala namang magagalit pag sinabi kong oo diba."

TO BE CONTINUED.

Oxford Academy II (The Only Girl In The Oxford Academy)Where stories live. Discover now