Abawt da otor

5.9K 129 42
                                    

Una sa lahat, alam kong napansin ninyo ang barok na pagkakasulat ng pamagat ng parteng ito. Wag niyo na akong tanungin dahil maski ako ay hindi ko rin alam.

Bilang pasimula, nais kong malaman niyo na masusing kong iniidolo si Bob Ong, kaya anumang kababuyan, kalokohan, at kaburaraan gaya ng pagsargo ng uhog, pagkain ng uok, pagdila ng paa, pag-amoy ng puwet ay tanggapin niyo ng lubos sa inyong mga puso.

Bakit nga ba tAlonGGaniSa?

Ang talongganisa ay hinango sa dalawang salita: talong at longganisa. Ito ay sumisimbolo sa katayuan ng mga Pilipino ngayon. Talong, para sa mga taong mahihirap at Longganisa sa taong mayayaman. Kaya naman sila'y pinagsama ko ay para naman magkaroon ng balanse sa pagitan ng dalawang panig : ang mga taong nangungulangot at taong rumerenta ng tao para kulangutan sila.

Kaya para sa aking mga mambabasa,

Ang istoryang ito ay alay ko sa mga Pilipinong kapus palad at Pilipinong sumobra na sa palad.

Inuulit ko, mabuhay tayong lahat!

~ tAlonGGaniSa

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now