Umpisa Na

3.8K 134 77
                                    

Enero 1, 2005 year of the Wood Rooster. Dahil dito, biglang napokus ang aking isipan sa mga kakaibang katangian ng mga manok. Halimbawa ng lang ang anatomiya:

PANCREAS- Balun-balunan

DUGO- Betamax

BALAT- Chicken Skin

ULO- Helmet

PAA- Adidas

Ngunit kung ito'y masasalin sa mga tao, matakot ka na dahil lalabas ang mga salitang gaya ng dry chicken skin, isaw na may ulcer, maputlang betamax, basag helmet, at higit sa lahat, mabahong adidas.

Ngunit ngayong 2013 na ay sasapit ang Year of the Water Snake. Isa sa nakakuha ng pansin ko ay ang mga element gaya ng lupa, tubig, apoy at hangin. Naalala kong bigla ang sikat na palabas na Encantadia kung saan nag-aagawan sa makapangyarihang brilliante ang mga bida. Uso yan ngayon, hindi nga lang agawang bato, kundi agawang buko. “ Uwe!.. Uwe!.. Uwe!”, lyrics ng palabas na mala-ehipto ang tono.  

Grabe talaga ang mga super heroes na ito. Pero lahat sila ay may kahinaan ni gaya Superman na hinihimatay kapag nalapitan ng kryptonite. Isa sa mga pinagtataka ko ay ang bra ni Darna na kinuha ata sa top view ng thumb tacks. 

Minsan mo na bang pinangarap na maging super hero? Alam ko naman na ito ang kadalasang tanong sa isipan mo, " If you will become a super hero,  which power will you choose and why?". Ngunit bago mo sagutin ang tanong na ito, alam kong sasabihin mo muna ang katagang "First of all, thanks for that wonderful question" - kasabay ang malakas na palak-pakan at tilian na mga fans mo na alam kong binayaran mo bago pa mag-umpisa ang lahat.

Sa katotohanan, lahat naman tayo ay may kapangyarihan, ang kapangyarihang magmahal. Huwag mo na nga lang itaas ang braso mo at ipaamoy sa katabi mo dahil iyan ang pinamalakas na kapangyarihang alam ko. 

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nawawala ang linyang " Hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan" kapag nalalapit na ang pagtatapos ng isang supernatural na palabas. Lalo na ang dialogue ng kontrabida na " Magbabalik ako" kapag magkakaroon ito ng sequel. Naalala kong bigla ang sikat na palabas noon na Friday the 13th na nagkaroon na ng labindalawang sequel. Nagkaroon na rin ito ng " It All Ends" na pamagat at nagkaroon pa ng " The New Beginning". Bakit nga kaya ganun?

Ngunit wala pa ring makakatalo sa kapangyarihan ng mga digimon na nag-eevolve kapag inutusan ng amo nila. Subukan mo kaya? Sabihin mo sa askal na "Digivolution!" at baka maging shit-zu ang asong iyan - pagkakakitaan mo pa. Hindi lang yan, mayroon pa akong alam na mga " MONs" na alam kong alam niyo rin gaya nalang ng bekimon, jejemon, at pokemon. Ano nga ba talaga ang silbi ni " -mon" sa mga karakter na iyan?

Let's try to eliminate:

DIGIMON- Digi

BEKIMON- Beki

JEJEMON- Jeje

POKEMON- Censored.

Nagtaka ka no? Bakit nga ba? Pero kapag sinabi ko ang PANTIMON, maintindihan mo na kaya?

*****

iJuanDer muna tayo.

Ano ang iJuanDer-muna-tayo portion?

Ito ang magsisilbing commercial ng kwento ko. Magbibigay ako ng mga kasagutan sa mga tanong na hindi basta nasasagot sa mabilisang paraan.

Halimbawa:

Bakit mabaho ang utot?

Ang tanging sagot ko diyan ay kung ikaw kaya ang dumaan sa bituka at lumabas sa pwet na may tinga pa ng tae mo, hindi ka kaya babaho?

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now