Grade 3 at Grade 4

2K 87 28
                                    

" Korny na kung korny, pero lahat ng sari-saring emosyon ay ipinapakita ko sa aking mga gawa"  ~Talongganisa

Grade 3. Natuto 'kong mag-finger multiplication kahit hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako. May mga bagay kasi na kahit alam mo na, nahihirapan ka rin namang gawin. Bukod sa magbilang ng multiplication gamit ang daliri ko ( sa paa), natutunan ko na rin ang pagdangkal. Ayon sa kasaysayan, mga taga-Gitnang Silangan ang nag-imbento ng pag-dangkal at ang Sexbomb daw ang nagpa-uso ng pagbukaka. Minsan na nga akong nanuod sa sine at sinukat ko ang daan gamit ang pagbukaka. Syempre joke lang yon. Taliwas sa kaalaman ng nakararami, tayo lang ang atang mga Pilipino ang gumagamit ng hinlalaki pampatay ng kuto, hintuturo pantiris ng taghiyawat, hinlalato bilang pang-mura, palasingsingan bilang pangkamot at hinliliit bilang pangulangot.

*Nakapagsukat ka na ba ng lote gamit ang pagbukaka? Ipaliwanag.

Dito na rin nag-umpisa ang pag-aaral namin tungkol sa siyensya. Nakakaasar nga lang yung titser ko dahil ilang beses niyang sinasabi na ang mata ay para makakakita, ang tenga ay para makarinig, ang ilong ay para sa paghinga at bibig para makakain ng muta. Huh? 

~

Tochi Balachi. Usong term yan sa mga batang nakakapulot ng kendi o piso sa daanan. "Tochi Balachi", may tono pa yun e. Pero kapag sa matanda mo yan pinabasa, lalabas ang makapangyarihang si " Totsi Balatsi".

READING EXERCISE FOR ELDERS:

*CHURCH

Senior Citizen: Churts

*SPEECH

Senior Citizen: Speets

*CHICHARON

Senior Citizen: Sitsaron

Sitsaron? Meron pang kamag-anak yan. Si Sitsirya. Maraming man taong ang ganyan, wala na kong magagawa. Pero hindi ko rin naman masisi ang mga ganitong pagkakataon, dahil ang mga matatanda ang siyang unang naka-alam ng wikang filipino at hindi ang mga batang nagpa-uso ng katagang totchi balachi.

~

Wikang Filpino! Sigaw ng mga makatarungang bayani ng ating bansa. Pero ang mga kabataang ngayon, Wikang Banyaga na lang ang alam. Nahihirapan ka na bang mag-sambit ng Wikang Filipino kaya mo ito sinubukang talikdan? Natatawa na lang ako kapag may nakakasalubong akong slungish ang pagsasalita:

GIRL: O come on?!. Your so kadirk-dirk.

LALAKI: And your try to putting bad words in my body?

GIRL: Yeah! In yours body, and don't thought that I will went back to you

LALAKI: Sure, I will break break to you.

~THE END

Naintindihan mo? Yan ang problema. Masyado nakokontrol ng kayabangan ang komplilkado nating utak. L4L0 n4 n4n6 m4u5o +0n6 J3j3m0n na +0, n4 dum4+!n6 n4 s4 pun+0n6 h!nd! m0 n4 k0 m41n+1nd!h4n.

Pero kapag pinagsama mo si Lola at ang malupit na j3j3m0n, lalabas si Super Lola.

ALAMAT NG SUPER LOLA:

Isang araw ma'y isang Lola na nagta-trabaho sa isang International Information Technology. Humawak siya ng cellphone at hindi niya maintindihan ang nakasulat

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now