Grade 1 at Grade 2.

5.2K 111 55
                                    

"Sa kabanatang ito, dalawa lang ang pamimilian mo: Matawa o Matauhan ka." 

 ~ Talongganisa


Grade one ata ako nun, nang una akong makapanuod ng boxing sa tv. Alam mo yung pakiramdam? Yung pakiramdam na mapapamura ka kapag nasusuntok yung pambato mo?

Pero wala pa ring tatalo sa pagsampal sa ngala-ngala, na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin magawa. Lingid sa kaalaman ng lahat pero marami talaga akong mga naririnig na mga banat na hindi ko alam kung paano gawin tulad na lang ng pagsakit ng bangs at pagputok ng buchi mo.

Alam ko namang natatawa ka rin kapag nakikita mo na nagsuot na ng gum protector ang mga boksingero dahil nagmumukha silang unggoy. Pero bakit sa realidad ay may mga taong mukha na talagang unggoy simula pa lang noong una?

Ayon sa teorya ni Charles Darwin, kung saan nag-umpisa ang mga sapiens sapiens na yan, nagmula daw ang tao sa unggoy sa paglipas ng maraming taon. Pero hindi naman sinabi kung na-uso na ang gum protector nang nabuhay na ang mga sinaunang tao.

 ~

iJuanDer.

Bakit nakakatawa ang mga taong mukhang unggoy?

     Actually wala akong sagot dito. Pero mas nakakatawa ang tanong na " Bakit may mga unggoy na mukhang tao?". Yan ang patunayan mo. 

~

Manny Pacquiao. Sinasabi natin na siya ang pambansang kamao. Pero sa dami naman ng mga pambansa na lumabas sa kanayunan ay hindi ko na makabisado. Nung elem pa ko, ito lang naman ang pinag-aralan ko:

Pambansang sagisag -watawat

Pambansang awit -lupang hinirang 

Pambansang wika - filipino

Pambansang hayop - kalabaw 

Pambansang bulaklak -sampaguita

Pambansang bayani - jose rizal

Pambansang laro - sipa

Pambansang puno - narra

Pambansang bahay - kubo 

Pambansang ibon - agila 

Pambansang isda -bangus 

Pambansang prutas - mangga 

Pambansang pagkain -lechon

Pambansang dahon - anahaw

Pambansang sayaw – carinosa

Kung tatanungin mo ko kung saan nanggaling ang Pambansang Beki na si Diego at Pambansang Manlalakbay na si Dora, e hindi ko rin alam. Siguro, nagmula sila sa Pambansang Manghuhula na si Madam Auring na  siyang nilalapitan ng mga uto-utong mga artista.

Grabe talaga ang mga Pilipino, lalo't na-uso na ang mga wikang kalokohan gaya ng jejemonic, bekimonic at supersonic. Pero mas maganda pa rin kung ating sasambitin ang wikang Pilipino na nagmula pa sa ating mga katutubo:

BOYFRIEND: Ano sa tagalog ng chair? 

GIRLFRIEND: Silya?

BOYFRIEND: engk! Salumpuwit! Eh ang panty?

GIRLFRIEND: Kadiri ka! Uhm.. Siret.

BOYFRIEND: Salongguhit! Haha!

GIRLFRIEND: Ah ganon? Eh ang brief?

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now