Chapter 3

44 0 0
                                    

NOTE:SORRY FOR THIS LONG CHAPTER, ALL EVENTS HERE ARE IMPORTANT SO I HOPE YOU READ IT WITH PATIENCE. THANK YOU .

Railee and Arabel

Bumukas na ang elevator kaya agad na kaming umalis doon .

Mabagal lamang ang aming naging paglakad papunta sa pinto dahil mas dumami ang mga estudyanteng nandito.

"Wow ,  napaka dami talaga nila, hindi ako makapaniwala." biglang tugon ni Railee.

"Huh? Tinutukoy mo ba yung mga enrolee's ? " tanong ko naman.

" Ah oo , sa loob kasi ng ilang taon kong pag-aaral dito ngayon ko na lang muli nakita na marami ang mga bagong mag-aaral ."

"Ah siya nga pala Winter ayos lang bang tawagin kitang Win na lang para mas madali . Kung ayos lang naman sayo ? " mahinhing tanong niya.

"Oo naman tas ayos lang din ba sayo , kung tawagin na lang kitang Rai ? "

Tumango naman siya habang naka-ngiti.

Nakalabas na kami ng building na iyon .

"Ah Win san mo gustong magpunta ?" tanong sa akin ni Rai .

"Hmm ayos lang ba sayo kung dumiretso na muna tayo sa dorm natin saka na lang tayo maglibot bukas ?"

"Oo naman tara. "

Lalakad na sana ako ngunit napatigil ako ng hinawakan ni Rai ang aking kamay.
Tumingin ako sa kaniya nginitian niya lang ako.

Nagtataka ako ngunit nawala ang aking pagtataka ng bigla na lang akong hilahin ni Rai.

Ang bilis. Sobrang bilis ng aming pagtakbo. Ang bilis ng paghampas ng hangin sa aking mukha.

Lahat ng nadaraan namin ay hindi ko na makita.  Nagiging blurd sila . Sumasakit ang aking ulo sa bilis kaya agad akong pumikit.

Makalipas ang ilang segundo naramdaman kong huminto na kami .

Dahan-dahan kong minulat aking mga mata . Unang bumungad sa akin ang naka ngiting mukha ni Rai.

Huminga muna ako. At tumingin sa paligid nasa dorm na kami at mukhang pang ilang floor pa ito. Hindi ko man lang naramdaman ang sarili kong umaapak sa hagdan.

"Una sa lahat woah . Napaka- Paanong- Bakit- ." Hindi ko alam ang sasabihin ko!!

Nabalot agad ng pag-aalala ang mukha ni Rai.

"Oh! God Sorry I just thought that you would like it if we go faster . I'm sorry."

Nabigla naman ako sa paghingi niya ng tawad.

"Ah hahaha hindi , nagulat lang ako pero ayos lang ang galing nga eh . " agad kong sabi.

"Okay lang talaga ? "

"Oo wag ka ng mag-alala. "

Hindi ko na siya pagpapaliwanigin pa dahil may clue na ako kung paano niya nagawa yun at sanay na rin ako sa ganun dahil kaya rin iyong gawin ng aking ina .

Matapos sambitin yun ay nilibot ko ang aking paningin . Nasa isang malaking  hallway kami sa harapan namin ay isang pinto.

May mangilan ngilan ding babae ang dumadaan sa malaking hallway .

Bawat isa sa kanila napapatingin sa amin. Ang iba'y nagtataka pa sa akin .

"Ah eto na nga pala ang ang ating dorm room ."

Agaw pansing sabi sa akin ni Rai.

Tumango ako sa kaniya at agad niyang binuksan ang pinto.

Mini sala set ang bumungad sa aking mga mata . Sa likod ng sofa ay mga book shelf na punong puno ng libro.

Shin Yū Academy Où les histoires vivent. Découvrez maintenant